Chapter 2 [Lubricant]

Start from the beginning
                                    

Unang-una, bakit kasi niya kailangang bawiin lupa namin eh pagkaliit-liit noon at napakarami pang iba at pangalawa, 2nd day namin sa eskwelahan ngayon absent pa tuloy ako, argh. Huminga muna ako nang malalim at nagsabi sa sarili na kaya ko ito. Pumasok na ako sa loob at pumunta sa lobby.

"Hi miss, nandito ba si Mr. Fontabella?" I asked the lady in her uniform. Napakakapal ng make-up niya, para na siyang patay na ililibing, 'yong foundation niyang hindi pumapantay sa skin tone niya at 'yong lipstick niyang pak na pak. I'm no make-up artist myself but it doesn't look good on her. Mabuti pang mag Johnson's Baby powder na lang siya. Tipid pa.

"Nasa floor 23 po kung siya po sadya ninyo. Sa lobby na lang po kayo ng floor 30 maghintay. Tatanungin na lang po kayo ng secretary for further assistance," sagot nito sa akin, tinanguan ko lang siya. Patalikod na ako nang bigla siyang magsalita. 

"Mga isang oras pa po siguro ang meeting dahil kakapasok lang ng board of directors, maghintay na lang po kayo," dagdag pa nito. Nginitian ko lang siya at hahakbang na sana ako nang marinig ko pa siyang bumulong. 

"Gwapo sana kaso mukhang bading." Napabuntong hininga ako at hindi na nag-aksaya ng panahon upang lingunin siya. Balang araw ingungudngod ko sa 'yo 'yang salita na sinasabi mo.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 30th floor. Pagka-apak nito sa second floor ng building ay bumukas ito at iniharap ako sa isang gwapong lalaki. May nakikita akong tattoo sa likod ng tenga niya. Shet parang mahuhulog 'yong panty ko.

Napakaangas niyang tignan, 'yong hikaw niyang silver at mapupungay na mata. Grabe 'yong pabango niya halos sakupin na 'yong buong espasyo ng elevator. I saw him punched at the button of the 23rd floor kung saan sa sinasabing building nung babae kanina sa baba ang meeting na magaganap.

Nagsimula nang umandar ang elevator at nanahimik lang ako sa isang tabi. Pinapanood kong mag palit palit ang mga palapag pero parang napakabagol no'n.

"Hey, you alright?" his deep bass voice penetrated down my spine. Grabe 'yong mga titik na sinasabi pa lamang niya ay parang mabubuntis na agad ako. Shit, kung ganito lang sana si Peter edi baka napagtiisan ko pa siya. Kung hindi naman, mabuting maghiwalay kaming dalawa.

"Umm y-yes, I'm good," I replied. Shit, bakit ba ako nautal?

"Sino pupuntahan mo sa 30th floor? I don't mean to offend you but are you a prostitute? Work to make my cousin happy?" he asked then chuckled. Ewan ko ba, ano raw? Prosti ako? Bayaran? Pampasaya ng lalaki? No freaking way.

"No, it's for another reason, para sa lupa namin hehe," I said shyly. Nag-init man ang ulo ko pero mas pinang-ibabawan ako ng kahihiyan.

"Oww, sorry, my bad." Sabay pa kaming napatingin sa number na nasa itaas ng elevator nang tumunog ito.

"I'm here. Good luck," he said and bid goodbyes before leaving the elevator.

What a strange man.

Nang bumukas na ang elevator sa pangalawang pagkakataon ay lumabas ako at naglakad sa loob ng floor. Magaganda ang design ng dingding at mukhang mamahalin. This is like a modern and victorian style mixed that made the atmosphere warm and cozy.

"Sir, do you have an appointment?" Napatalon ako sa gulat nang biglang tawagin ako ni ate mong mukhang secretary dahil sa malaki niyang salamin at naka ponytail na buhok.

"Ay wala po eh pinapapunta po kasi ako dito ni Mr. Fontabella," I said and got the letter from my pocket. Pinakita ko ito sa kaniya at napalaki na lang ng mata 'yong secretary.

"This way sir, just sit back and relax. Darating din si sir any time," 

 she uttered and guided me through the room.

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now