II

263 45 50
                                    

"Hi, Hello! Welcome to Limestone Academy," sabi naman ng isang bababeng naka High-waist pants at Oversized Tshirt na nakatucked-in sa pants niya. Ngumiti ito sakin. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagpaalam ako sa Kuya ko na babalik ako ulit sa building para sa enrollement, sinuway akong sasabay siyang uuwi pero ayoko. Maglilibot libot muna ako bago umuwi. Hapon na pala.

Nagsimulang sumakit yung katawan ko nuong umupo ako sa isa sa mga upuan na meron sa daan. Ang daming tanong tapos ang haba-haba ng pila. Marami pala ang nakapag-aral dito kahit isa itong mala-Ivy League na eskwelahan. Tapos na rin ang task ko ngayong araw. Namangha talaga ako sa Kuya ko. Hindi niya iyon kailanman sinabi sa akin.

Tumingin ako sa langit at nakitang papalubog na ang araw kaya napagdesisyonan kong uuwi na ako. Salamat naman sa Diyos. Kapagod pala ngayon, buti na lamang at nakapaghanda ako ng pagkain. Habang naghihintay ako ng sasakyan dito sa labas ng unibersidad, isang pulang Porsche ang huminto sa harapan ko. Nang bumaba ang window shield nito sa passengers seat, isang babaeng malaki ang ngiti ang bumungad sakin.

"Long time no see, Rin-Rin." parang tumigil ang paligid ko. Bumaba ito sa kotse at nginitian ako.

Napatitig nalang ako sa kawalan at unti-unting naiintindihan ang nangyayari. Ewan ko ba, ang daming nangyayari sa isang araw ko. Bumuhos na ang aking luha sa aking mga mata. Parang tumigil ang oras at nagslow mo ang paligid. Nanginginig ang mga kamay ko at tuhod ko. Lumapit ako sa kaniya ng dahan-dahan at yinakap ito. Nung kumalas ako sa yakap namin, hinawakan naman ako nito sa dalawang kamay at sinabing,

"Kumusta kana, Rin-Rin? Matagal kitang hinintay tapos aakalaing makikita kita dito!" sabay hagulgol nito.

Cassidy Anna Domingo. Siya ay kaibigan ko simula pagkabata. Nang lumuwas kami sa Rizal, hindi ko sinabi sa kaniya na lilipat na kami nuon. Walang sulat o tawag, hindi ko magawa dahil sa ayoko na magaalala siya. Kaibigan ko siya simula ika-apat na baitang. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya sa harapan ko.

"Naku, Rin-Rin, para magbonding tayo, let's go to our house. Doon ka na rin magsnack, magu-usap pa tayo," hinawakan nito ang pulsuhan ko at maglalakad na sana na kasama ako pero pilit kong manatili sa pwesto ko.

"Pero Cass, uu---"

"Hindi," napataray ito sakin at bumuntong hininga. "Miss na kita, friend ko. Can you please accept my offer? Namiss lang naman kita. I know you have reasons bakit 'di tayo nagkita ng matagal. Pero, please?" napaluha ako ulit. Napangiti ito at pinahid ang aking luha. "Bes, don't cry. I understand and don't worry, hindi ako nagtanim ng galit sayo. Okay?" tumango nalang ako.

Pinagbuksan kami ng driver niya at umupo sa back seat ant umalis. Habang kami'y nagkwe-kwento ng kahit ano, hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nila. Huminto ang sasakyan nila at bumaba yung driver, pinagbuksan kami ng pinto. Narito na pala kami sa bahay nila. Yung kanang bahagi ng bahay, may gate silang puti at ito ang hadlang sa loob. Tapos sa kaliwa naman ay parang may pinto pero ang hula ko, ito ang parking space nila. Yung lapad niya ay kasing lapad ng bahay namin, pero times two mo iyon. Malaki rin bahay namin pero hindi kasing laki ng bahay nila.

"Halika na. Nagugutom na ako eh." hagikgik ni Cassidy. Yumapos siya sa braso ko at masayang pumasok.

May mga malalaking Portrait ng mga magulang nito at family picture nila. Muling bumalik ang aking mga ala-ala dati. Kung pano kami maglaro noon, masayang kumakain ng paborito namin na spaghetti na siyang Mama niya ang nagluluto. Tinanong niya ako kung ano ganap ko sa buhay at mga ibang usapan na pwede niyang malaman. At parehas kaming nagulat na kaya pala siya nanduon sa LSA kasi duon din siya magaaral. Tumitili kami dahil hindi namin inaakalang isang eskwelahan na naman kaming magaaral at magkikita na rin palagi. Patuloy kaming naguusap na hindi namin namalayang may papasok.

The Girl In Black DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon