Chapter 30

2.2K 95 4
                                    

Shan POV

"W-what are you doing here?"

"Oh, good morning too, Shan."

Ang masaya nyang respond, imbis na sagutin ang aking tanong. Hindi naman siguro mahirap intindihin ang sinabi ko diba? Kahit ba naman sa harap ng maraming tao ay kaya ako nitong prangkahin?

Pero bakit imbis na mainis ako sa pinapakita nya eh mas nangibabaw pa ang pagiging kalmado ko nang akin matanaw ang kanyang mukha? Dahil ba sa hindi ko ito nakita kaninang umaga sapagkat maaga akong umalis? G-ganoon lang siguro yun.

but lets go back to the main topic, bakit naandito sya? Nakaka panibago naman ata na bumisita sya dito, eh sa pagka-kaalam ko ay ayaw na ayaw nyang pumunta sa mga ganitong ambiance, yung tipong lahat ng tao na naandito ay focus lang sa kanilang trabaho.

"What do you need this time, Ava?"

"Oh nothing nahuli lang kasi ako sa responsibilidad ko ngayon."

Casual nyang sagot bago sya nag simulang maglakad upang sana ako'y lampasan pero bago pa man mangyari yun ay agad kong hinawakan ang braso nito at walang paalam na isinama ko sya papasok sa elevator, kaya ngayon na imbis kami lang dapat ni aryana ang nandito sa loob, ngayon ay ang nag tataka na si ava ay kasama ko na rin.

"Seriously, ano na naman ang pinaplano mo ngayon bruha?"

"HIndi mo ba narinig ang sinabi ko? at isa pa bakit ka nang hihila?"

"Dahil sa gusto kitang makausap nang matino at hindi sa lugar na iyon tayo pwede mag-usap."

"Pwede naman siguro natin gawin yun pag-uwi sa bahay diba?"

"Mas maganda na sa ngayon dahil naandito ka na, kaya ano ang ginagawa mo dito? Sumagot ka nang matino."

Pagkaraan kong tanong ulit sa kanya nang tuluyan na kami nakarating sa office. Ngunit bago pa man nya ibigay ang sagot, ay nagawa nya muna akong irapan at lingunin ang nana-nahimik kong secretary.

"Don't tell me na hindi mo ininform sa amo mong walang magawa sa buhay, kung anong pakay ko dito?"

"E-eh kasi ma'am ang akala ko po, kayo na ang mag sasabi para surprise."

taimtim naman na sagot ng aking secretay sa kapatid ko, na aking ipinagtaka sapagkat wala man lang akong alam sa tinutukoy ng mga ito. 

"Do you think I have time to do that, eh kapag naka-kaharap ko nga ang isang yan, hindi ko mapigilan mag-iba ang iniisip ko pagdating sa kanya."

"At ano ang tinutukoy mo sa sinasabi mo, Ava?"

Agad kong singit sa kanilang usapan, dahilan upang mapalingon ang mga ito sakin na may pagkaka-ibang expression sa kanilang mukha. 

"Isn't It obvious? mas lumalamang ang mga planong naihanda ko upang mapansin mo ako kapag kaharap kita, hindi ang mag balita sa mga simpleng bagay na pwede naman gawin ng secretary mo."

"And?"

Kunot-noo ko pang segundo, dahil literal na malabo sakin pagkaka-intindi ang sinabi nya na kahit si aryana ay nagduda na rin.

Hindi naman kasi ako na inform na ang lalim din pala minsan mag salita ng bruha na ito.

"Ano pa ba Shan, mas gugustuhin ko pang aksayahin ang oras ko upang makuha ko ang atensyon mo, kaysa sa mag inform ng simple task na wala pa rin naman magba-bago."

Sabay irap nito, na para sakin naman ay tila nag loading pa ang aking utak sa sinabi nya bago ko ma-realize ang kanyang pahayag, hudyat din yun upang makaramdam ako ng kuryente saking katawan, habang taimtim pa rin ako nakatingin sa kanya.

Normal lang naman sa paningin ang sinabi nya diba? Pero bakit ganito na lang ang impact nito sakin na kahit ang pasimpleng pagtapon nang tingin sakin ni aryana ay parang may ibig sabihin.

But to be honest hindi ko pa rin masyadong maintindihan ang sinabi nito, sadyang ang katawan ko lang talaga ang mabilis mag react imbis ang aking isipan. 

Pwede kaya yun? Abnormal na nga ata ako, ng dahil yun kay Ava. 

Akin na lang napag desisyunan na isantabi na muna ang nangyayaring alitan ngayon, at na isipan na lang tanungin si aryana kung ano ang tinutukoy ng bruha kong kapatid.

Ngunit, habang nakikinig ako dito ay hindi ko maiwasan mapalaki ang aking mata sa sinabi nya.

"Pardon?"

"S-sya po ang pangatlo na ojt natin this month, ma'am Shan."

Oh great! 

Its really great!

Sarcastic kong anas saking isip. Dahil lang naman sa matapos kong mapag pasyahan na layuan sya at baguhin ang bago kong routine, ay agad namang isinampal sakin ng mundo na kahit anong gawin ko ay akin pa rin makikita ang tao na gusto kong iwasan, and worst makakasama pa sa ilang araw ba?

"How many hours?"

"W-whole semester w-with full time po, ma'am."

"I see, whole semes---Ano wala ka nang balak pumasok, Ava!?"

"What!? papasok rin naman ako kapag tapos na ang responsibility ko dito ah."

"Paano ka makakapasok kung full time ka? Ako ba pinag loloko mo!?"

"Well duh! kaya kong pumasok sa campus sa kahit anong oras, kung gugustuhin ko man!"

"At sinong may sabi na kaya mong gawin yun!?"

"Alangan, ako. May dapat pa ba akong pag sundan eh ayaw ko nga nang inuutusan ako."

"Bruha ka talaga."

Mabigat kong bulong sa huli ng ako nang kusang sumuko sa kabuluhan ng babaeng ito.

Kapag talaga kilala ka sa industriya lahat ay pwedeng magawa, pero kaloka lang hindi pa ba sya kuntento na sa iisang bahay na nga lang kami nakatir? At sa tingin ko na kahit dito sa company ay posibleng mang bulabog rin sya sa tahimik kong oras.

At hindi naman ako nag kamali doon, sapagkat ng akin itong lingunin ay agad kong napansin ang kanyang pasimpleng ngisi na sure akong sinadya nya yun, na para bang nag bibigay pahiwatig na wala na akong kawala.

I hate this life!

Hindi ko naman pinangarap na habulin din ako ng problema ah, pero bakit ang lakas naman ata ng apog nito at hindi mawasak, wasak.

"A-ayon lang po ba ang katanungan nyo ma'am Shan?"

Putol ni aryana sa palihim kong pag r-reklamo saking isip, dahilan para mapa buntong hininga ako at simple syang binigyan ng ngiti upang hindi nito mahalata ang nakaka-awa kong sarili, or let say ako lang talaga ang naa-awa.

"Yeah, tutal klaro naman na ang lahat pwede ka nang bumalik sa section mo Ava, at kami ay may pupuntahan pa."

"Anong oras ka uuwi?"

"Hindi ko rin alam, kaya wag ka na mag balak na hintayin pa ako."

"Walang ganoon oras, Shan."

"Just, focus on your task Ava. Wag nang marami pang tanong, lets go Aryana."

Ang huli kong litanya dito at nauna nang lumabas sa office, upang tuluyan na rin makaalis sa papasimula pa lang na panibagong problema na aking haharapin...

--------------------

mashiro99~

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now