"Thank you for that, then. Ngayon na maayos na akong naka-uwi pwede na ba akong matulog dahil maaga pa ako bukas."

"Wala ba ako reward sa ginawa ko?"

Naka nguso nyang pahayag dahilan para i-iwas ko kaagad ang aking paningin sa kanya.

"T-thank you is enough right? Matuto ka naman makuntento."

"But I prefer your lucious lips than those words, damuho."

"Its already late, ava."

"Please~"

"Ava."

"Just a peck, damuho. I already miss you."

"How many times should I say na hindi pwede?"

And please stop provoking me!

Mariin kong dugtong sa huli ng aking isipan, lalo na't hindi ko maita-tanggi na nadadala ako sa sinasabi nya.

Tao lang din ako, duh! Natutukso kahit na sabihin pa natin magka dugo kami, hindi ko rin magawang maging banal na tao.

Gosh, this life! Hindi ako pinalaki nang ganito ng ina ko, kaya please lang ayaw ko sila ma-dissapoint.

"Bakit ba ang damot mo? Eh kapatid mo naman ako ah? Hindi ba ako pwede maka-kuha ng goodnight kiss sa ate ko?"

"Buti sana kung ganoon talaga ang tinutukoy mo."

"Of course,...not."

"See! Kaya umalis ka na bago pa tayo makita nila yaya na nasa ganitong posisyon ava!"

Pabulong ko pang sabi ngunit imbis na kumalas ay mas hinapit pa nya ang katawan nito sakin, upang akin din ikinasinghap nang bigla ko rin maalala agad ang nangyari samin sa kitchen kanina.

Hays, hindi pa nga nag tagal ang nangyari noong umaga, nag sisimula na naman sya.

"Come on, Shan kung binibigay mo na lang kasi ngayon edi hindi na tayo napa-patagal."

"At ikaw pa ang malakas mag demand."

Wala sa oras kong pag buntong hininga na kanya lang naman ikinatawa nang mahinhin, habang patuloy pa rin syang nakatitig.

Kahit naman kasi na hindi ko sya kayang tapunan nang tingin alam kong nakatutok pa rin ang atensyon nya sakin.

"Sha—"

"Fine."

Mabilis kong putol sa kanyang sasabihin, kasabay yun ang malaya kong pag halik sa kanyang noo. Na akin rin ikinabilis nang tibok ng aking puso.

Dahil siguro ay natatakot akong mahuli sa aking kapangahasan, ayun lang yun.

"H-happy?"

Hindi ko mapigilan tanong na halata pa ang aking pag-uutal. Ngunit imbis na ako ay kanyang sagutin ay binigyan nya lang ako nang magandang ngiti.

Na tila'y hindi ko ata inaasahan yun sapagkat, parang kakaiba ito kumpara sa mga dati nyang ipinapakita sakin.

Nakapag tataka siguro ano, kung paano ko na sabi yun, ngayo't nasa madilim kami na silid. Pero sa tulong kasi nang liwanag ng buwan na malaya rin sumisilip sa pwesto namin ay dito ko na klaro ang totoong saya nya na, pumlastar rin sa dalawa nyang mata.

Dahilan para ako'y mangamba, hindi dapat ganito. Hindi dapat sa ganitong kaganapan, na matuklasan ko ang klaseng ngiti na yan. Ayos lang sana kung sa ibang tao ang dahilan nito eh, tyak na matutuwa pa ak...o..

"I love you, Shan."

Ang marahan na sinabi nang aking isipan sa huli, nang klaro ko marinig ang walang paalam nyang binitawan na salita.

******

"I see, ikaw pala ang isa sa ojt, Mayo and then si Mr. Foso ang isa, right?"

Sabay lingon ko sa dalawang tao na, nasa aking harapan at malugod naman silang tumango sakin.

"Pero akala ko ba tatlo sila, asan na ang isa, Aryana?"

Akin naman pagtuon nang pansin sa kasama kong secretary, pero imbis na ako'y sagutin nito ay isang ngiting paumanhin lang naman ang binigay nya sakin.

That means, hindi nya rin alam ang sagot. Agad ko naman naintindihan yun at naisipan na lang ibaling sa wrist watch ang aking atensyon.

Masyado kasi napa-aga ang aking gising kanina dahil lang sa isang dahilan na hanggang ngayon ay binaba-gabag pa rin ako, kaya naisipan ko munang bisitahin ang mga ojt ngayon, pero ayun nga dalawa lang ang aking naa-butan.

"Well then, good luck on your duty. Kailangan ko nang umalis."

Mabilis kong paalam nang mapag tantya ko na ilang oras na lang ang aking natitira upang makapunta sa appointment.

Hindi ko naman na hinintay pa ang kanilang sagot at tuluyan ko na silang tinalikuran. Pero, kasabay yun ang pag o-occupy na naman ng mga pangyayari kagabi sa aking utak.

I know lagi ko nang naririnig kay Ava ang words na yun pero bakit parang ngayon lang ako nagambala nang ganito?

Taimtim kong tanong saking isipan, kasabay yun ang pag litaw ulit ng ngiti ni ava.

Mukhang hindi na talaga maganda para saking kalagayan na malapit ito.

'kailangan ko na yata siguro syang layuan, dahil kung hindi ay baka ito pa ang ikakapahamak namin dalawa.'

Subalit, kung gagawin ko yun magiging maganda ba ang kalalabasan? Paano kung maulit na lang yung dati.

Makakaya mo na ba na makita ulit syang ganun, Shan? Pero kung wala naman tayong gagawin pati ikaw ay mapa-pahamak.

Marahan ko pang pahayag habang tahimik lang nakatingin saking harapan hanggang sa akin na rin napansin na malapit na kaming makarating sa elevator.

At isa pa, kaya naman na ni ava ang sarili nya.

'Tama, alam kong isang kahibangan lang ni Ava iyon o hindi kaya ay isang trip nya lang upang pahirapan pa ang aking buhay.'

Dugtong ko pa na kasabay yun ang tuluyan kong pagtapat sa elevator at sakto naman na narinig ko ang tunog nito, na nag papahitwatig na ito'y available na.

Now that I decided na gagawa ako nang paraan upang mapa layo sa kanya, kailangan ay mapag handaan ko muna ang panibagong routine ko upang hindi na talaga kami magka tagpo---

Agad kong pag tigil saking sasabihin nang wala sa oras bumukas ang elevator, balak ko sanang gumawa na ng palno sakin utak, upang bukas ay akin na itong masimulan.

Subalit, bago ko pa man matapos ang aking pag b-brainstorming ay agad naman bumungad sakin ang taong naka sakay sa elevator, na maya-maya pa ay na plastar rin sa mukha nito ang pagka bigla nang kanya rin akong nasilayan.

Dahil ang taong tinutukoy ko kanina lang ay sya rin ang sumalubong sakin.

Ngunit, hindi rin nag tagal ay napangiti agad ito kagaya lang noong gabi, dahilan yun para wala na naman pasabi na nag react ang aking kalamnan sa aking natunghayan.

What's wrong with her smile!?

----------

Mashiro99~

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now