Mr. Stranger [The Last Chapter]

836 12 12
                                    

Ten years has passed. Hindi ko pa rin nakalimutan si Mr. Stranger. Isa kasi siya sa mga regrets ko sa buhay. Hindi ko man lang nalaman ang name niya. Nanatili siyang stranger sa buhay ko. Busy ako sa trabaho ko ngayon. Masaya din naman ako sa boyfriend ko. Pero every time na nanunuod ako ng romance movies naaalala ko yung past ko na minsan akong pinaglaruan ng tadhana.

Hindi ko alam kung bakit iniintindi ko pa siya. 10 years na ang nakalipas kaya baka nakalimutan niya na rin ako. Saka sino ba naman ako sa buhay niya?

"ALTHEA~!" Kinilabutan ako. Parang kilala ko ang boses na yun.

May bumangga sa akin na batang babae.

"Hija, are you okay?"

"Yes"

"Ano ka ba Althea! Sabi ng wag kang tumakbo!"

Akala ko ako yung tinatawag! Yung bata pala.

"Uhm. Sorry pala Miss." Tapos humarap siya sa akin.

"ALTHEA?" Nakakagulat. HAHAHA. Pinaglaruan na naman ako ng tadhana.

"Uhm? Do I know YOU?" Kunwari hindi ko siya kilala.

"Ako si Francis! Oo nga pala hindi ko nasabi yung pangalan ko sayo dati. Ngayon nasabi

ko na. Hindi na kasi nakita after nung prom ng pinsan ko."

Francis pala ang pangalan niya.

"Saka ito pala si Althea." Inilapit niya yung batang kasama niya "Anak ko." Ouch. Parang may kumirot sa puso ko. Parang gustong umiyak ng mga mata ko. Ang sakit.

I gave him a weak smile. "Ang cute naman ng anak mo. Kapangalan ko pa talaga"

tapos tumawa siya. "Pinangalan ko kasi siya sayo." Tapos tumawa ulit siya. "Grabe. Hindi ko talaga akalain na magkikita ulit tayo. Pinaglalaruan yata ako ng tadhana" Tayo ang pinaglalaruan. "Pinakita ka niya sa akin kung kailan may asawa't anak na ako."

Nag-smile lang ulit ako sa kanya. Feeling ko kapag nagsalita ako maiiyak ako.

"Okay ka lang ba?" Lumalabas na ba ang mga luha ko?

"Ahahaha. Oo naman. Nagulat lang ako sa mga sinabi mo. Naman to oh! Anong ibig mong sabihin sa tadhana? Para kang ewan diyan." Tapos tumingin ako sa kabilang direction. Ayoko kasing makita yung mga mata niya.

"Tutal naman nakita na kita gusto ko sanang sabihin yung mga gusto kong sabihin dati"

Pinapunta niya si Althea dun sa may toy section.

"Ano yung gusto mong sabihin?" Na-curious na ako.

"Alam mo bang na love at first sight ako sayo dati?" Tapos tumawa siya. "Kasi iba yung aura mo nung nakaupo ka sa bench. Basta hindi ko yun ma-explain." Naiiyak na naman ako sa mga sinasabi niya. USELESS na kung magtapat man siya sa akin ngayon. Sana hindi niya na lang sinabi,

"Ganun ba? Pero bakit mo pa sinasabi yang mga yan sa akin? Useless na rin di ba?"

"Gusto ko lang masabi sayo kasi matagal na itong nakabaon sa puso ko. Gusto ko ng ilabas kasi alam mo bang isa ka sa mga regrets ko sa buhay. Hindi ako gumawa ng paraan para mas maging close pa tayo. Umasa na lang ako sa tadhana. Gusto ko lang malaman mo yung dahilan kung bakit kita ginugulo dati sa tuwing makikita kita"

"Ngayong nailabas mo na yang nasa puso mo. Siguro naman masaya ka na. Okay para fair naging isa ka rin sa mga regrets ko sa buhay. Hindi ko man lang  kasi nalaman yung name mo! 10 years after pa bago ko nalaman" Tumawa kami. "So I guess, this is really goodbye"

"I guess."

"Sana maging masaya ka."

Then I walked away. He is still one of my regrets.Bago ako makaalis narinig kong sinabi niya na

"Mas masaya ako kung ikaw siya"

Paglingon ko wala na siya.

Regrets. Marami tayong regrets sa buhay pero sa lahat ng regrets ko sa kanya na yung pinakamarami. Sa tingin ko I fell in love with him first pero mananatili na lang yung sikreto habang buhay.

Sa experience kong ito nalaman ko o napagtanto ko na huwag kang aasa sa tadhana. Hindi mo naman kasi alam kung ano talaga ang tadhanang nakalaan para sayo. Nasa huli din ang pagsisisi. At hindi lahat ng nakakatuluyan mo ay ang taong gusto mo. Masaya ka pero kulang pa rin ang saya na nararamdaman mo. 

Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon