Binaba ko na yung tawag. "Patay si Boss Athan!" Silang tatlo. "Wag niyong pansinin at dumeretso tayo doon." Sabi ko sa kaniya. Mabuti naman at nakinig sa'kin si Raviel. Nang mag park si Raviel ay kaagad naman akong bumaba at sabay naglakad papasok sa loob sana kaso may humila sa braso ko. "What the fuck are you doing here?!"

"Shut the fuck up Athan! Bitawan mo ko kung ayaw mong sapakin kita!" Nanggigigil na sabi ko sa kaniya. Hinawakan ko naman kamay niya, marahas na tinanggal at pumasok na ako sa loob. Wala akong pake kung pag tinginan nila ako. "Appointment Mr. Salvachera now." Sabi ko sa kanila tsaka nauna na akong pumasok sa may loob kung saan kami nag-usap ni panotskie kanina. Nabigla naman ako ng sumunod sa'kin si Athan kaya inis na inis ako tumayo at masamang tumingin sa kaniya. 

"Lumabas ka Athan rito."

"No! I will stay here!"

"Athan! Makinig ka naman sa'kin! Pag sinabi kong lumabas ka, lumabas ka."

"I said no!!"

"Wala ka bang tiwala sa'kin huh? Sa tingin mo ba makakapag-usap kami ni panotskie kung naan dito ka? Isipin mo naman yan Athan! Kung kanina nakausap ko siya ng maayos ngayon pa kaya?"
Bumuntong hininga naman siya sabay napahilamos sa mukha niya. Inis siyang lumabas ng pintuan kaya naman napabuga ako ng hangin. Napaupo naman ako at napahawak sa ulo ko. Bigla namang nag bukas ang pintuan at pumasok si panotskie kasama ang mga pulis. Sinenyasan ko munang lumabas ang mga pulis kaya naman dalawa na lang kami natira rito.

"Papatayin mo na ba ako? Or may ibubunyag ka na sa'kin? Pero kahit iba itsura mo ngayon, masama ka pa rin."

"Wala akong pake, ikaw ba ang nag padala ng dalawang lalaki doon sa may condo ko?" Gulat naman siyang napatingin sa'kin. "Ano??"

"Ikaw ba ang nag padala ng dalawang lalaki doon sa may condo ko?" Pag-uulit ko sa kaniya. "Hindi ah! Kita mong kinuha lahat ng mga phone ko diba? Tsk! Ikaw pa nga nag sabi sa mga pulis na kuhanin lahat ng gamit ko. Stop blaming me!"

"Siguraduhin mo lang panotskie dahil tapos ka talaga sa'kin kapag nalaman kong ikaw yun."

"Tangina! Kung ako yun edi sana bungad ko sa'yo, oh ano? Kamusta? Buti buhay ka pa?" Sarkastikong sabi niya dahilan para mainis ako. "Kapag nalaman kong ikaw ang nag padala nun? Patay ka na sa'kin. Oras na bumalik ako ulit rito, mamamatay ka."
Nakita ko naman ang takot sa mukha niya kaya naman tumayo na ako at pinihit ang doorknob ang kaso may huli pa siyang sinabi. "I swear hindi ako yun." May feeling ako na totoo ang sinabi niya. Pero mahirap na baka pinapabilog lang utak ko nito. Kaya naman lumabas na ako at kita naman ang pag-aalala ni Athan. "Let's go." Malamig na sambit ko at nauna ng maglakad. Sasakay na sana ako sa kotse nila Raviel kaso hinila naman ako ng isang ito at pinasok na lang basta-basta sa may kotse niya.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now