BG 30

1K 43 8
                                    

Chapter 30: Finding Abno

*ANGELICA*

Kasalukuyan akong nasa office at bitbit ang drinawing ni Alex. Hays! Nasaan na kaya itong abno na ito? Buhay pa kaya siya? Hays saan namang lupalop ko hahanapin ang siraulong 'to? Bahala na nga. Tatayo na sana ako ng biglang nag bukas ang pintuan kaya naman napaupo ako ulit. Si Athan lang pala. Kunot noo niya akong tinignan.

"Where are you going?" Kahit kailan napaka tsismoso ng lalaking 'to! Tsk!

"May hahanapin lang akong nawawala."

"What? What is it?"

"Wala ka na dun." Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. Pero laking gulat ko na lang ng kuhanin niya sa akin ang sketchpad dahilan para mainis ako.

"Tangina naman Athan!!! Mukha ba akong nakikipag biruan?!" Inis na sabi ko sa kaniya. Sa halip na ibalik niya sa akin ay tinignan niya ang sketchpad at kunot noo niyang tinignan ito. Bwiset!

"Who is he?"

"Mamatay ka sa curiosity mo!" Sabay agaw ko ng sketchpad at lumayo sa kaniya. Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. Habang siya naman ay nakangising tumingin sa akin. "Hinahanap mo siya?"

"Oo! At wala ka ng pakielam doon!"

"Tsk! Naan dito naman ako bakit hinahanap mo pa yan? Or else kapatid mo yan?"

"Nanggagago ka ba Athan?! Kita mong tatlo lang kaming magkakapatid eh. Childhood friend ko siya/childhood crush ko rin." Napairap naman ako sabay bumalik sa puwesto ko. Natahimik naman siya saglit at malakas na bumuntong hininga.

"Then we will find him." Mabilis naman akong napalingon sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko dahil tutulungan niya akong mahanap itong si abno. "Talaga?" Nakangiti kong tanong. Tumango naman ito sabay tumalikod na.

Kaagad kong kinuha ang bag ko pero pag lingon ko eh wala na si Athan. Saan naman pumunta yun? Napailing nalang ako sabay lumabas na ng office. Pero laking gulat ko ng hinihintay pala niya ako sa may labas. Magsasalita sana ako ng nauna na itong mag lakad habang ako naman nakakunot noo dahil sa inaakto ni Athan. Ano bang problema ng lalaking yun?

Hanggang sa makapasok kami sa may elevator ay walang imik siya. K! Sanay naman akong tahimik eh. Wala akong ginawa kundi tignan ang inukit ni Alex, buhay pa kaya ikaw? Sana makita na kita. Kahit makita lang kita ayos na ako. Napabuntong hininga naman ako kasabay nun ang pag lingon ko sa katabi ko na kasalukuyang nakatingin rin pala sa akin.

"What?" Iritang tanong ko sa kaniya. Napaiwas naman siya ng tingin at di na niya ako muling nilingon, hanggang sa makarating kami sa may parking lot ay walang imikan o kaya naman hindi niya ako nililingon. Pero bago kami sumakay sa kotse ay huminto muna siya.

"What will you do once nahanap natin siya?" Tanong nito sa akin. "Kakausapin malamang, kailangan matupad namin yung pangako sa isa't-isa."

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now