"Give me the fucking key." Malamig na sabi ko. Nanlaki naman ang mata nila Raviel, Evien at Georgia. "Te! Sabay-sabay na ta..." Pinutol ko ang sasabihin ni Georgia. "I said give me the fucking key Raviel." Sabay tinignan ko siya ng masama. Kaagad naman niya itong inabot kaya naman mabilis kong kinuha ito at nag mamadaling umalis. Kaso hinarangan ako nila. "Saan ka pupunta?" Napairap naman ako ng di oras.

"Wag oa. May kakausapin lang ako." Sabi ko sa ka nila. "Sasama kami." Napatitig naman ako sa ka nilang tatlo at napabuntong hininga. Tumango na lang ako dahil ayoko ng makipag talo pa sa ka nila. Binalik ko na lang ang susi kay Raviel. "Saan ka ba pupunta?" Tanong ni Georgia. "Prisinto."
Napatigil naman silang tatlo sa paglalakad at gulat na gulat na humarap. "What?!" Oa ng tatlong 'to!

"Kakausapin ko si panotskie baka may alam siya rito kaya tara na. Maaga pa naman kaya puntahan ko muna ang panot na yun." Napahagalpak naman sila ng tawa. Ako naman nauna na sa kanila mag lakad dahil nagmamadali rin ako. Shemay sakit pa naman sa paa ng heels na suot ko.

Ngayon naman naan dito kami sa may kotse at si Raviel nga ang nag maneho. Katabi ako ni Raviel, yung dalawa naman eh nasa likod. Bigla namang nag ring ang phone ko. Tsk! Si Athan pala.

"Oh?"

(Where are you?)

"Bakit?"

(I went to your condo and noticed some guards coming from there. Why are they there?) Nanlaki naman ang mata ko sabay lingon kay Raviel. Nag taka naman siya kung bakit ganun ako makatingin sa ka niya.

"Wala yun. Pina check ko lang baka mamaya meron na namang nagmamasid."

(Damn it! You are not a good liar!)

Kinabahan naman ako dahil iba na yung tono niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

(Pumunta ako sa CCTV room. Are you going to explain everything?)

"Athan. Pwede mamaya na tayo mag-usa..."

(Where are you?)

"Papunta na sa party."

Hininaan ko naman ang boses, baka kasi marinig nilang tatlo at mag ingay pa.

(Nag sisinungaling ka na naman! Look at your right side.)

Bigla namang kumabog ang puso ko at marahan na tumingin sa may gilid tsaka binaba ang bintana. Di nga ako nag kamali at siya nga! Masama pa ang tingin sa'kin. Tangina! Napapamura na lang ako sa isip ko eh! Ngumiti ako sa kaniya ng pilit sabay peace sign.

(Party huh?)

End call...

The Possessive CEO Owns The Bad GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя