"Trey? Are you there?"

"Ibababa ko na, Manzanares."

Muli, hindi siya agad nakapagsalita at akala ko ay hinihintay niya nalang na ibaba ko iyon. Saktong ibababa ko na sana nang nagsalita na siya, "Nasa byahe ka pa, 'di ba, Trey? Can't we talk a little longer, please?"

Hindi nakaiwas sa akin ang pagsusumamo sa boses niya. Paniguradong lukot lukot na ang mukha ko sa nararamdaman at napansin iyon ni Ambrose kaya nakatingin na siya sa akin.

Surprisingly, hindi ako naiiyak. Walang nagbabadyang luha, hindi rin kasing bigat ng dati. Baka dahil hindi na ako nagulat na may posibilidad itong mangyari.

"Why?" tanong ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang gusto niyang mangyari. Kasama niya si Nyx, sulitin niya na! Ayaw kong abalahin sila sa oras nilang magkasama!

Sa sobrang pagkairita dahil hindi siya agad muling sumagot, "Bye."

"I miss you, Trey."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang huli niyang sinabi. Baka nga imahinasyon ko lang, dahil iyon ang gusto kong marinig mula sa kaniya. There's just no way.

Sa natirang oras ng byahe ay pumikit na lang ako at nag-isip ng mga posibleng ginagawa nina Jiro at Nyx nang magkasama. Ang saya saya siguro ni Jiro! How nice.

Malalim na ang gabi at wala nang masyadong sasakyan sa kalsada nang makabalik kami sa Pampanga. Sa ibang pagkakataon ay sa mismong bahay namin kami ibababa ng coaster pero dahil sabi namin na magdiriwang kaming lima ay hinatid kami sa isang KTV lounge malapit lang sa eskwelahan.

Sina Ambrose, Marj, at Matt ay nauna na sa VIP room na pinareserba kanina sa pamamagitan ng tawag. Nagpresinta pa nga ang bawat isa na libre na nila ang lahat pero malaki naman ang binigay na incentive, sobra sobra pa.

Nilingon ko si Alejo na kasama kong nasa counter ngayon, tumitingin sa menu ng mga kakainin namin hanggang mamaya.

"Manghihingi ba ng resibo ang school?" tanong ko.

Nagtaas siya ng isang kilay, "No. I don't think so. Why?"

Bilang sagot sa tanong niya, hinarap ko ang babae sa counter, at nag-order ng iba't ibang alak. Hinawakan ako ni Alejo sa balikat, "Iinom ka?"

Inabot ko ang I.D. ko sa babae, patunay na hindi na ako menor de edad. Hiningi rin niya ang kay Alejo bago kami pinayagan na bumili ng mga iyon.

Pagdating namin sa room ay nagkakanta na si Marj at sumasayaw na mga ilaw na iba't ibang kulay ang sumalubong sa mga mata namin. Mabilis rin namang sumunod ang ingredients ng samgyupsal at iba't iba pang dish na inorder.

Ganoon rin ang mga alak na inorder ko.

"Kanino 'yan?" seryosong tanong ni Ambrose, na may nambibintang na mga mata sa likod ng makapal niyang salamin.

Umupo ako sa tabi niya dahil doon na lang ang bakante maliban sa tabi ni Matt na palaging ang matalik na kaibigang si Alejo naman ang katabi.

Nakapalibot kami sa isang malaking lamesa, sa harapan namin ang dalawa habang si Marj ay mag-isa sa may bandang kabisera.

Aamin naman ako pero si Alejo ang sumagot, "It's mine. Pwedeng kumuha ang kung sino mang may gusto."

Agad dumapo ang kamay ko sa mga iyon at kumuha ako ng isa. Napatingin silang lahat sa akin, natigilan.

Seryoso ang tingin sa akin ni Alejo bago nagpaalam na lumabas at may tatawagan lang daw.

Si Matt lang ang ngumisi, "Woah! Umiinom ka pala!"

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now