Well, he has a plastic cup and he poured the right amount of the sauce in order for him to dip his food.

Nagpalinga-linga ako kung sino ba ang crush niyang tinutukoy.

"Nasaan?"

"Gusto mong malaman kung anong suot niya?"

"Gago, syempre. Saan dyan?" he took the last piece and ate it before saying something.

"Iyong naka-uniform, kumakain din ng street food."

I continued looking around, only to see that most of the students are eating street foods. Halos lahat ay kumakain at sino sa kanila ang gusto niya dyan?

Hinampas ko ang kanyang braso, dahilan kung bakit mahulog iyong isaw na kakainin niya pa sana.

He laughed while I glared at him sharply.

"Kalimutan ko pa lang wala kang nagugustuhan. Alam mo bang asang-asa akong marinig mula sa'yo na may nagugustuhan ka na nga?" sambit ko pa. Kinuha ko iyong fishball saka isinawsaw sa maanghang.

Maraming estudyante rin ang narito dahil bakante ang oras.

Mas lalo itong natawa at inayos ang pagbaba ng bag ko sa kanyang balikat. Nagsimula na rin akong kumain.

"Alam mo naman pala kaya bakit nagtanong ka pa?"

"Tanga ako, eh. Sa'yo lang talaga ako nagiging tanga," saad ko habang nginunguya iyong fish ball.

Yes, siya lang ang nakakagawa sa akin ng ganyan. Ewan ko ba kung bakit lagi akong nagpapadala sa mga sinasabi ng lalaking ito. Hindi yata ako immune sa ugaling mayroon siya.

"Alam mo, Phoebe, hindi ka tanga," he tapped my shoulder and added another batch of the food again. "Tatanga-tanga ka lang talaga," and he burst into laughter while I did my best to punch him hard.

Mas lalong naging matalim ang aking paningin sa kanya dahil sa naging banat niya sa akin. Hindi ko alam kung talaga bang panlilibre ang kanyang ginawa o talagang balak niya lang talaga akong asarin ngayon.

Ugh. The nerve of this friend of mine? Talagang may kakapalan din ng mukha minsan, eh.

"Pero gaya ng sabi ko kanina, maganda ka. Balak nga sana kitang ligawan kung wala kang jowang magdodoktor, eh," I ignored what he said. Pinagpatuloy ko lalo ang kain, hindi na pinansin iyong kanyang sinabi pa.

For years, I haven't seen him having some deeper feelings for me. Magkakasama kami palagi pero ni minsan, hindi ko nakitaan ng kahit anong pagkagusto sa akin na mas higit pa sa kaibigan.

We both knew what are our strengths and weaknesses, our secrets and facts. Halos lahat ay alam na namin sa isa't isa at minsan, wala akong nakikitang motibo na nagugustuhan nga niya ako.

Hindi naman sa umaasa ako na ganoon nga. At some point in our lives, hindi ako naniniwalang hindi nga siya nagkaroon ng nararamdaman para sa akin.

"Tsk. Tingin mo ba sasagutin kita kapag nanligaw ka?"

"Aba'y ewan ko sa'yo. Bakit ako magdedesisyon sa sarili ko? Ako ba nililigawan?"

"Pero paano kung wala si Alonzo? Liligawan mo ba ako?"

"Syempre biro lang 'yon. Ito naman, naniwala kaagad. Kumain ka na nga," isang pag-irap lang ang isinagot ko sa kanya bago kumain ulit.

I don't know if he's hiding his feelings or what. Hindi naman kasi ako talagang magaling magbasa ng tao. I can't really voice out what I feel or what I can see.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now