His forefinger is on his chin. Para itong nag-iisip habang masuring nakatingin sa akin.

My forehead creased. I fixed my things before finally standing up. Hindi ko na rin naialis ang tingin sa kanya.

"Aalis ka ba o hindi?" tanong ko pa nang hindi pa rin ito napapagalaw sa upuan. He keeps on staring at me with his narrowing eyes.

Ni hindi na nga ito nakapagreply pa sa akin kagabi. Siya pa naman ang nag-utos sa akin na itext siya kapag nakauwi ako tapos ang ending, ako ang naghintay sa wala.

"Unfair ng mundo, ano?" his voice is like stealing my attention.

"Huh? Pinagsasabi mo?

He smirked like he is about to say something. Nanatiling nakangisi habang tila nakadikit pa rin sa mukha ko ang kanyang tingin.

Parang halos lahat ng parte ng mukha ko ay inilibot nito gamit ang mga mata.

"Wala. Ganda mo kasi tapos may nagmamay-ari na," I arched my brow and began smiling a bit. Pinigilan kong matawa dahil sa lahat yata ng kanyang pagpapatawa sa ibinato sa akin, dito lang siya nagseryoso.

I mean, really? Why would he say that to me?

Tumayo na ito tapos imbes na hayaan akong bumitbit ng bag ko, siya na ang nagkusang kumuha niyon sa akin.

I followed him as he went out of the room. Pagkatapos ng kanyang pagsabi ng ganoon, bigla bigla akong tatalikuran.

Ikinapit ko ang braso sa kanya nang magkatapat na kaming naglalakad. Mabibigat ang laman ng bag ko pero nakuha niyang isukbit iyon sa isang balikat pa niya.

"Talaga? Ang ganda ko?" I asked him again while grinning. Hindi ko rin mapigilang mapansin ang malapad nitong ngiti na hindi natanggal.

"Parang naninigurado ka pa, ah? Hindi ba kapani-paniwala? Ako to, oh. Si Jacob na kaibigan mo," itinuro pa niya ang sarili. I can sense his witty side now. Parang bigla biglang dumadating lang iyon ng kusa.

"First time ko yatang narinig sa'yo 'yan? O baka naman dati ka pang nagagandahan sa akin tapos hindi mo sinasabi?" I teased him but he just walked fastly. Nakakasabay tuloy ako sa kanyang lakad.

Nakarating kami sa labasan kung saan maraming nagtitinda ng street foods. Libre niya kaya dito na naman ako dinala.

We headed to the last food stall. Nginitian siya ng nagtitinda bago kusang kumuha na ng kanyang kakainin. Mukhang suki na siya rito dahil bukod sa naging ngiti, parang halos pati iyong sawsawan ay pinapahintulutan siyang kumuha ng marami.

"Kuya, pakibigay nga lahat ng gusto ni Phoebe, bayaran ko lahat, sa'yo na rin sukli ng isang libo ko," he handed the paper bill. Iyong nagtitinda ay mas malapad na ang naging ngiti sa kanya ngayon.

Ilanga raw na ba simula nung huli kaming nag-foodtrip? Iyong nasa sea side?

"Galante, ah? Nagyabang ka pa talaga?" asar ko sa kanya nang maibigay na ang mga napili. He ordered almost all of the foods being displayed.

Sa lahat ng pinakayaman, siya iyong kilala kong sobrang dami ng pera pero laging suki ng mga nagtitinda ng street foods sa labasan ng school. Akala ko nga, Mcdo iyong street foods para sa kanya.

"Hindi, nagpakitang gilas lang kasi nandito crush ko," my eyes widened. Pinapapak na nito ang isaw na isinawsaw pa sa maasim na sawsawan.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now