CHAPTER TEN

5 1 0
                                    

Happiness

Alas-tres pa lang madaling araw ay nagising na agad ako dahil hindi rin naman ako nakatulog ng maayos dahil siguro wala ako sa bahay namin. Nilingon ko si Neo na tulog na tulog pa sa kabilang kama. Bumangon na ako at inayos ang aking gamit. At sa kalagitnaan ng pag-aayos ko sa aking mga gamit ay biglang bumangon si Neo at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.

Mula sa labas ay naririnig ko ang kan'yang pagsusuka kaya tumayo na ako at lumapit sa may pintuan ng banyo.

"Neo?" katok ko sa may pinto. Hindi agad siya sumagot kaya nag-alala na ako. "Okay ka lang ba?" tanong ko ulit.

After a couple of minutes, the door opens as Neo peep on the door that was slightly open. I notice that he doesn't have a shirt.

"Okay lang ako. Pwede bang paabot ng damit at towel ko sa bag." He said.

"Ah. Sige wait lang." I replied and walked towards his bed.

I opened his bag to get the shirt and his towel when I saw different kinds of medicines. Binasa ko ang mga pangalan ng gamot pero hindi ako pamilyar sa mga iyon. Ito siguro ang mga gamot na iniinom niya.

"Nakuha mo ba?" sigaw ni Neo mula sa banyo.

Sinarado ko na ulit ang kan'yang bag at bumalik sa banyo para ibigay ang damit at towel niya.

Hinintay ko na lang siyang matapos at makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya na bagong ligo.

"Okay ka lang ba talaga?" pag-aalala ko.

"Okay lang ako. Sumusuka lang talaga ako kapag nakakainom ako ng gamot." sagot niya habang pinupunasan ng towel ang basa niyang buhok.

Pagkatapos niyang ayusin ang kan'yang gamit ay bumaba na kami sa may lobby ng hotel. Pumunta si Neo sa may reception area kaya dinala ko na lang ang bag niya at hinintay siya sa van.

Medyo madilim pa dahil magaalas-kuwatro pa lang. Dapat daw kasi maaga kaming umakyat para hindi kami abutin ng tanghali. Pagkatapos ni Neo makipagusap sa receptionist ay lumabas na siya may bitbit na isang paper bag.

"Anong laman niyan?" tanong ko nang makalapit siya sa akin.

"Pagkain natin." nakangiti niyang sagot at inilapit pa sa akin ang paper bag na may lamang pagkain. Basta talaga sa pagkain ang bilis niya.

Nauna nang sumakay si Neo sa van kaya sumunod na ako. Pinaandar na ulit niya ang sasakyan papunta sa Cuyambay Hall. When we arrived at the hall, we registered first and after that brief us about the trails before we went to the trailhead to start our treak.

May isang grupo rin kaming nakasama kaya marami kami. Tig-isang bagpack lang kami ni Neo para doon ilagay ang aming mga gamit at pagkain. We started our treak around four-thirty in the morning so that we can see the sunrise. Noong umpisa ay maganda pa ang daan. Maraming mga puno kaya malamig ang hangin pero habang patagal nang patagal ang nilalakad namin ay nagiging mahirap na ang daan hanggang sa makarating kami sa base camp.

Nagpahinga kami saglit sa base camp at pagkatapos noon ay nagsimula na kaming umakyat at ang tanging daan ay amg mga batong nagsilbi na ring hagdan. Buwis buhay ang pagakyat dahil isang maling hakbang mo lang ay maari kang masugatan dahil matitilos ang mga bato o di kaya'y mahuhulog ka pababa ng bundok. Mabuti na lang at ginagabayan kami ng aming tour guide.

When we arrived at the first rock formation, we need to climb the ladder made of ropes and bamboo to get to the summit itself.

Napatulala ako kung gaano iyon kataas at kadelikado kaya pinauna ko muna ang ibang grupo na aming kasama.

See You Again, Winter | On-goingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz