CHAPTER SIX

6 1 0
                                    

Sunrise

“Do you want to go to the sea with me?”

Napapitlag ako ng muling magsalita si Neo. Nararamdaman ko pa rin ang init ng kan’yang kamay na nakahawak sa akin.

“Huh? Bakit gusto mong pumunta roon?” tanong ko.

Huminga siya nang malalim at inalis ang kan’yang kamay na nakahawak sa akin. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at saka naupo.

“Gusto kong pumunta roon bago ako mamatay,”

Napatahimik ako sa kan’yang sinabi. Napatulala na lang ako sa kamay kong kanina ay hawak niya. Napatingin na lang ulit ako sa kan’ya ng sundutin niya ang pisngi ko.

“Ano, sasamahan mo ba ako?” tanong niya habang nakatingin sa akin.

“Bakit naman doon mo gustong pumunta?” balik na tanong ko sa kan’ya.

“Matagal na kasi akong hindi nakakapunta sa dagat,” tugon niya saka isinandal ang ulo sa pader. “Simula bata ako gusto kong pumunta sa dagat pero hindi ako makapunta dahil busy lagi si mama,” dagdag pa niya saka muling tumingin sa akin.

“Hindi ko alam kung masasamahan kita. Wala kasing magbabantay kay Cael,” sagot ko.

I noticed that his eyes become sad but he immediately smiled at me again.

“Okay lang. Huwag mong pagkaisipin ‘yon,” nakangiti niyang saad.

Kinahapunan ay magkasabay na kaming ni Neo na maglakad pauwi. Kung ano-ano ang kinukwento niya sa akin at akko naman ay tahimik lang na nakikinig. Kahit nga ‘yong mga cartoons na napapanuod niya ay kinukwento pa niya sa akin kung anong nangyari. Siya ‘yong taong hindi mauubusan ng kwento kaya hindi siya boring kasama.

Paguwi ko sa bahay ay tulog na pala si Cael. Sinabi ni Tita Maureem na pinakain na raw niya ito. Pumasok na ako sa kwarto at nakita ko si Cael na mahimbing na natutulog. Naupo ako sa tabi niya at saka marahang hinaplos ang kan’yang buhok. Gusto ko nga sanang samahan si Neo pero nagaalinlangan ako dahil walang kasama si Cael lalo na pag matutulog sa gabi. Napatigil ako sa paghaplos sa buhok ni Cael nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa aking bag at nakita kong tumatawag si mama.

Lumapit ako sa may bintana dahil baka magising si Cael. “Hello ‘ma,”

“Oh Winter, kumusta kayo? Si Cael nasaan?” tanong  niya mula sa kabilang linya.

“Okay naman po kami. Si Cael po maagang nakatulog,” tugon ko. Bigla ko namang naalala na hindi ko pa nasasabi kay mama na top two lang ako ngayon.
Alam kong madidisappoint siya pagnalaman niya iyon.

“Ma,” panimula ko. “Hindi ko po ako ang top one ngayon. Sorry po,” naiiyak kong sabi.

“Okay lang ‘yon anak, makakabawi ka pa naman sa susunod,” lalong lumakas ang paghikbi ko dahil sa sinabi ni mama. Siguro nga tama ang sinabi ni Neo, ako lang ang nagbibigay ng pressure sa sarili ko.

“Huwag ka nang umiyak. Proud pa rin ako sa’yo kahit anong mangyari,” Pinahid ko ang aking luha at pinilit na ngumiti kahit hindi nakikita ni mama.

“Thanks, ‘ma. May sasabihin pa rin po pala ako sa inyo,”

“Ano ‘yon?” tanong niya.

“Pwede po bang sa’yo muna si Cael, may pupuntahan lang po sana ako,” tugon ko.

“Oo naman. Kailan ka ba aalis?”

“Sa Sabado po sana,”

“Okay. Susunduin ko na lang d’yan si Cael,”

See You Again, Winter | On-goingUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum