CHAPTER FOUR

20 1 0
                                    

Sunset

“Good morning, Winter!”

Napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan. Nang makita ko kung sino ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok sa campus. Alam kong kukulitin na naman ako nitong si Neo at isasama sa mga kalokohan niya.

“Hoy, Winter!” muling tawag nito pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang siya naman ay abala sa paghabol sa akin hanggang sa makarating ako sa aming classroom.

“Snober ka na ah,” sabi niya nang makaupo sa aking tabi.

“Pwede ba huwag mo na akong kulitin. May kasalanan ka pa sa akin,” singhal ko sa kan’ya haban inilalabas ang aking mga libro.

“Nag-sorry na nga ako ‘di ba. Ang sungit mo naman, may dalaw ka ba ngayon?” Nilingon ko ulit siya at sinamaan siya ng tingin at akmang ihahampas sa kan’ya ang libro ng Mathematics. Nanahimik naman siya kaagad at umupo na rin sa aking tabi.

Pumasok na ang teacher namin at nagumpisa na ang klase. Nagtaka naman ako kung bakit parang tumahimik na si Neo at nang lingunin ko ito ay nakita kong pasimpleng kumakain ng lemon square cupcake. Napatigil ito sa pagnguya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kan’ya.

“Gutom na kasi ako ‘e. Gusto mo? “ He whispered at he smiled at me and offer his another cupcake.

Napailing na lang ako at saka muling ibinalik ang tingin sa unahan.

“Okay class,one week na lang at examination n’yo na so make sure na nagrereview kayo,” Mrs. Gonzales announced before he leave the room.

Malapit na nga pala ulit ang exam namin at kailangan kong mag-review para ng sa ganun ay makasali pa rin ako sa honors pagdating ng graduation. Katulad ng ipinangako ko kay mama. Gusto ko rin naman na makapasok sa mgandang university kapag college na ako.

Nang matapos ang klase ay inayos ko na kaagad ang mga gamit ko para makauwi. Isasakbit ko na sana ang bag ko nang higitin ito ni Neo.
“Winter, itutor mo ako sa mga past lessons natin,” sabi niya habang pinupunasan ang kan’yang bibig dahil sa mga mugmog ng cupcake.

Kinuha ko ang aking bag sa kan’ya at inilagay sa aking likod. “Ayoko,” matigas kong sabi saka naglakad palabas ng room.

Pero bago ako makalabas ay hinarangan niya ako sa may pinto.

“Sige na please,” pagmamakaawa niya at akmang hahawakan ang braso ko.

Hinawi ko naman ang kamay niya at naglakad palayo sa kan’ya. Kanina pa niya ako kinukulit na i-tutor ko raw siya sa mga past lessons namin.

“Ayoko nga sabi !” pag-uulit ko. Nagpatuloy pa rin siya sa paghabol sa akin.

“Eto naman para namang hindi tayo friends,” Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kan’ya kaya napahinto rin siya.

“Pwes, hindi kita kaibigan,” tugon ko at muling naglakad.

“Hindi na kita kukulitin kapag tinulungan mo ako ngayon,” pangungulit niya.

Hindi pa rin siya tumigil sa pangungulit sa akin hanggang sa makarating kami sa tapat ng aking bahay. Sa inis ay hinarap ko na ulit siya. Napabuntong-hininga muna ako bago nagsalita.

“Okay, bukas ng hapon sa library. Huwag kang male-late,” seryosong sabi ko.

“Yes, ma’am!” sigaw niya at saka sumaludo sa akin.

Tumalikod na lang ako at pumasok sa loob ng bahay. Alam kong hindi iyon titigil sa pangungulit kaya pagbibigyan ko na.

KINABUKASAN ay maaga akong gumising dahil baka makasabay ko na naman si Neo. Gusto ko lang simulan ang araw ko na hindi siya nakikita. Ewan ko kung saang lupalop ba ‘yun nanggaling at dumating ngayon sa buhay ko at kinukulit ako.

See You Again, Winter | On-goingWhere stories live. Discover now