Chapter 6

4 2 0
                                    

/𝑬𝒙𝒑𝒆𝒄𝒕 𝒕𝒚𝒑𝒐𝒈𝒓𝒂𝒑𝒉𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝒈𝒓𝒂𝒎𝒎𝒂𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒆𝒓𝒓𝒐𝒓 𝒂𝒉𝒆𝒂𝒅!/



Kahit na namumugto ang mga mata ko pilit parin akong bumangon para pumasok magbabakasakali ako baka pumasok siya sa trabaho, mamaya pa naman ang party niya. Pinag-iisipan ko pa kung pupunta ba ako o hindi pagkatapos ng nangyari kahapon.

"Naku hindi ata makakapasok ngayon hindi ba't birthday niya?" Ngumiti ako kay mang karlos at nag-paalam.

Akala ko papasok siya bakit ko nga ba siya hinahanap? Gusto ko lang klarohin ang mga nangyari gusto ko siyang tanungin kung bakit galit siya?.

Pupunta na lang ako sa party niya mamaya sigurado naman akong nandoon siya. I never felt this way before parang ako pa ang may kasalanan sa kanya sa kabila ng mga sinabi at pagpapaalis niya saakin I never begged for someone to stay except for my parents, hindi ko batid kong ano ang nangyayari sa dating Howlan.

Boung magdamag nakatunganga lang ako sa office ni Caspian at nililista ang mga dapat ilista. Minsay pumupunta ako sa factory para aliwin ang sarili ayoko namang umuwi nakakahiya sa ibang mga trabahador patingin-tingin ako sa orasan habang nakapangakumbaba. Balak kong umuwi ng maaga dahil pupunta pa ako sa birthday kaya't pagsapit ng 5:30 ay lumabas na.

"Mauna na ho ako sa inyo, pasensiya na ho kayo kung uuwi ako ng maaga" Paghingi ko ng tawad sa mga trabahador na ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang mga trabaho. Ngumiti saakin si mang karlos at tumango.

Pag-ka uwi ko sa bahay wala si mama Brenda may iniwan lang itong sulat na may pupuntahan la ng raw.  Umakyat ako saaking kwarto at nagbihis nagsoot ako ng aking black sweater at denim short two piece saaking panloob para sakaling mag-swimming ako don although hindi iyon ang aking pakay.

Malayo palang ay rinig ko na ang ingay na nagmumula sa bahay ni Caspian  marami sigurong tao napatingin ako sa hawak kong maliit na box na siyang ireregalo ko sa kanya. Hindi ko maiwasang manliit sa aking sarili kung meron lang akong pera I would definitely buy much better than this.

Bumaba ako sa trysikol na aking sinasakyan at nagbayad. May mga gwardyang nagbabantay sa labas ng bahay kaya't pinakita ko sa kanila ang invitation card na ibinigay sa'kin ni Caspian. Hindi ko alam kung sinong lalapitan ko dahil sa dami ng tao besides wala akong kakilala kahit na sino.  May nakita akong grupo ng mga kalalakihan sa isang mesa katabi ng pool siguro alam nila kung nasaan si  Caspian.

"uhm Excuse me!" Lahat sila ay napalingon pagkarinig ng boses ko medyo sumigaw pa ako dahil alam kong hindi nila maririnig dahil sa lakas ng tugtug sa lugar.

"Yes?" tanong ng isang lalaking nakacrossed legs. Sa tingin ko ay mga barkada ni Caspian lahat ng naririto mukhang magkakaedad lang sila base sa itsura.

"Pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na miss. Go on your presence disturbing us" Napahiya ako sa sinabi ng lalaking mahaba ang buhok, seryoso ang kanyang mukha like Caspian palaging nakakunot ang noo. Agad akong nakabawi at ngumiti.

"where is Caspian? I really need to talk to him? can you tell me where is he?" 

Nginuso niya ang itaas sa una'y hindi ko naintindihan ngunit kalaonan ay nakuha ko rin. Nasa balcony siya ng kanilang bahay at nakatingin saakin, nagtagpo ang aming mga mata ngunit agad  siyang nag-iwas at umalis.

"Go on miss, kailangan niya lang ng lambing"  I stiffened. Lambing? hindi ko ata kaya yon.

Naglakad ako papasok sa kanilang bahay at tinahak ang mataas na stairway. Pagkarating ko sa second floor ng kanilang bahay nalula ako sa laki at lawak, malaki na ang bahay namin noon ngunit namangha ako sa ganda, ayos at laki ng bahay nila paano pa kaya sa third floor?.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pull me closer (On Going)Where stories live. Discover now