DIECISÉIS🌷

1.2K 21 0
                                    

We finished eating when the sun is going to hide already and the moon slowly smiling.

The branches of trees are swinging beacuse of the cold wind hugging me already.

We are in the park. At the bench. Both silent. No one wants to break the silence.

"I want to say something/ I want to ask you something."

Natawa kami pagkatapos naming magkasabay na magsalita. Nag-iwasan ng tingin.

"You go first. 'Cause lady's first?"

Natatawang umiling ako sabay tingin sa kanya na nakatingin na din pala sa akin. "Equality please? You ask first then I will answer that. Alam ko namang may pagkakapareho ang nasa isipan natin."

"What's your secret?" napaiwas ako ng tingin sa kanya. Napabuntung-hininga.

"Don't think that I am your doctor, think that I am a friend whose willing to listen. I know it's a bit hard but for your peace of mind...go."

~

GRADE SIX. Madilim at napakatahimik nang dinadaanan ni Euphoria. Naglalakad lang siya pauwi dahil wala siyang sundo ngayon, ginamit kasi ng Daddy niya ang sasakyan kasama ang Mommy niya.

Hindi niya mapigilang yakapin ang aiing sarili dahil sa lamig na yumayakap habang siya ay pauwi.

Sanay naman siya sa ganito dahil madalas na niyang ginagawa ito noon pa, minsan kasama niya ang Kuya pero madalas siya lang mag-isa.

Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad hindi niya maiwasang tumigil dahil nakakaramdam siya na para bang may sumusunod sa kanya.

Ilang araw na niya itong nararamdaman pero binalewala niya lang dahil ayaw niyang makigulo sa problema ng mga magulang niya. Nagsisimula pa lang ang kanilang negosyo kaya naman maraming problema ang kinahaharap ng mga ito.

Hanggang sa makarating siya sa bahay ay hindi siya tinantanan ng mga matang iyon.

Tumagal ang ganoong pangyayari hanggang Grade 9, ngunit hindi na niya ito pinansin at nasanay na sa presensya ng mga matang iyon.

Hanggang isang araw habang pauwi siya sa kanilang bahay wala siyang naramdaman na matang nakasunod sa kanya kagaya ng nakasanayan.

Napahinga ng malalim si Euphoria sabay yakap sa sarili dahil sa lamig na yumayakap sa kanya. December na malapit na ang Pasko at sobrang lamig na ng paligid.

Hindi maiwasan ni Euphoria na malungkot kahit na dapat ay hindi niya maramdaman ito, dapat maging masaya siya dahil wala ng sumusunod sa kanya.

Ilang araw din siyang balisa dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. Hindi na nga din siya makatulog ng maayos.

It's Friday and weekends tomorrow. Nasa cafeteria si Euphoria kasama si Gray at Bri na kaibigan niya, na magkasintahan din.

Napatingin siya sa mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti sa nakikita niya. Para lang silang magbarkada at hindi magkasintahan, hindi sila sweet in public at hindi mo talaga sila mapagkakamalang may something sa kanila. Ganyan ang relasyon na gusto ni Euphoria, katulad na lang ng kanyang mga magulang.

Ilang sandali lang ay bigla siyang nakaramdam ng malamig na matang nakatingin sa kanya. Napangiti siyang humarap sa kanyang likuran pero sa hindi inaasahan ay nakita niya ang kapatid ng crush niya, hindi pamilyar ang pangalan niya.

Nanindig ang balahibo niya nang magtagpo ang mga mata nilang dalawa. Para siyang hinihigop ng asul na mata ng lalaki. Hindi niya magawang humiwalay ng tingin at parang may mensaheng gusto itong iparating. Ngunit may katapusan ang lahat, naputol ang pakikititigan niya dito dahil sa pagtapik sa balikat niya kaya naman napatalon siya sa gulat.

Lusting Over You ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя