°•°KABANATA 6°•°

6 1 0
                                    

Vera's P.O.V.

Nang maiahon ako ni Niko sa tubig ay nakaisip akong biruin sya. Lolokohin ko sya na nawalan ako ng malay tingnan natin kung anong magiging reaksyon nya.

"Vera... Vera!" Rinig kong saad ni Niko. Nang hindi ako tumugon ay nagsimula na syang mataranta. Hinawakan nya ang pulso ko at ako naman pinipigilan ko ang normal na paghinga ko.

Inilapit nya ang kamay nya sa ilong at tinitingnan kung humihinga pa ako kaya nung itinapat nya yung kamay nya sa ilong ko hindi ako huminga.

"Ang kulit mo naman kasi para ka pa rin talagang bata Vera." Matapos nyang sabihin ang mga katagang yon ay sinimulan na nya kong i-CPR.

Oh ghad.. it hurts.. my chest

"Please.."

Rinig kong saad ni Niko. Tawang tawa na ko at gusto ko ng ilabas yon pero pinilit ko pa ring huwag tumawa. Siguro mamaya na lang ako gigising.

Ilang minuto pang ginawa iyon saakin ni Niko. Tiniis ko na lang yung sakit para di nya ko mabuking.

"Siguro kailangan ko ng gawin ang bagay na 'to, mapatawad mo sana ako.."

Ha? Anong bagay yon?

Bigla ko na lang naramdaman ang mga labi ni Niko sa labi ko kaya ngayon habang magkadikit ang mga labi namin, naimulat ko ng wala sa oras ang mga mata ko.

Agad akong tumayo at kitang kita ang pagkagulat sa mukha ko.

"Vera ayos na ba ang pakiramdam mo? Mabuti pang bumalik na tayo ng mabigyan ka ng lunas kung may nararamdaman ka pang kaka-iba." Aktong aalalayan na sana ako ni Niko na tumayo pero agad akong umiwas.

"K-Kaya kong tumayo at maglakad mag-isa."
Agad akong tumayo at muntik pa akong matumba. Ang init ng pakiramdam ko kainis!

Parehas kaming basang basa. Bumuhos pa ang malakas na ulan kaya lalo kaming nabasa. Maputik rin ang mga sapin namin sa paa kaya pagdating namin sa palasyo agad akong sinalubong ni Kate.

"Mahal na prinsesa saan kayo galing at ganyan ang inyong itsura?" Alalang tanong nya.

"Maghanda agad kayo ng pampaligo at chaa na maiinom para sa prinsesa." Utos ni Kate sa iba pa.

Nabaling naman ang tingin ko kay Niko na palabas na ng pintuan. Hindi ko na sya pinigilan, sasabihan ko na lang si Kate na ako na ang magdadala ng chaa kay Niko.

Matapos kong maligo at makainom ng chaa ay gumaan na ang aking pakiramdam. Naging kalmado na rin ako pero kapag naaalala ko talaga yung nangyari kanina hindi ko mapigilang hindi pumikit ng mariin. Magdadala pa ako ng chaa kay Niko kaya di pwedeng mahalata nya ko lalo na at biro lang na nalunod ako.

Pumunta na ako sa kusina at kinuha ang chaa-ng hinanda ni Kate para kay Niko. Tinahak ko ang daan papunta sa silid ng mga tauhan ng palasyo. Ang alam ko nasa dulo bandang kaliwa ang kwarto nya kaya doon ako nagtungo.

Pagdating ko sa harap ng pinto ay agad akong kumatok.

"Niko, ako ito, si Vera este ang mahal na prinsesa." Bigla kong naalala na marami nga palang tao ang malapit samin. Hindi nya ko maaaring tawaging Vera sa harap ng ibang tao.

Ilang minuto pa akong naghintay at hindi bumubukas ang pinto kaya naisipan ko ng pumsok. Pagpasok ko ay naabutan ko si Niko na nakabalot ng kumot at nanginginig.

Agad akong lumapit sa kanya at chineck ang temperature nya. Mayroon syang mataas na lagnat!.

Agad kong tinawag si Kate at sinabi ang kalagayan ni Niko. Alam kong hindi dapat ako ang nagaalala sa kanya pero siya ang akin PBG kaya may karapatan ako.

Hindi maaaring ako mismo ang mag-alaga sa kanya lalo na at hindi iyon maganda sa paningin ng iba kaya si Kate ang tinawag ko.

Ilang sandali pa at umalis na si Kate. Hindi na ako sumama pa dahil baka kung ano na naman ang isipin ng ibang tao. Mamaya na lang siguro ako pupunta ron kapag nakabalik na si Kate.

Nagtungo muna ako sa kusina upang gawin ang isa sa mga hilig ko.. ang mag bake. Gagawan ko ng cup cake si Niko para sa ginawa nya kanina. Hindi ko akalain na gagawin nya yon, hindi ba nya alam na marunong akong lumangoy?

Pero nung mga oras na yon hindi ko napigilan na isiping si Marius ang nagliligtas sakin.

"Argh! Bwisit ka talaga Marius kapag nakita talaga kita babatukan kita ng malakas!"

"Ayos ka lang ba sis?" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Cressida sa likudan ko. Pagharap ko nakangiti sya ng nakakaloko.

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka nga! Shoo!" Bugaw ko sa kanya na parang langaw pero inirapan nya lang ako.

"Miss mo na ba si Prince Marius?" Tingin ko magdidikit na ang dalawa kong kilay dahil sa tinanong ni Cressida. Malakas kong inilapag sa lamesa ang whisk na hawak ko.

"Bakit mo ba ako kinakausap? Excuse me hindi kita kilala." Mataray na sambit ko. Napansin kong may kung anong hinahanap sya sa cellphone nya na dapat ay ipapakita nya sakin pero agad na dumating si Kate. Nasagi nya ang kamay ni Cressida at nahulog ang cellphone sa sahig.

"OH MY GOSH KATE! LOOK WHAT YOU'VE DONE!" galit na sigaw ni Cressida kay Kate. Agad ko namang inawat ang bruha dahil baka kung ano pang gawin nya kay Kate. Iniwan na nya ang cellphone nya sa sahig dahil basag basag na rin ito sa lakas ng pagkakabagsak. Sinubukan ko tong buhayin pero hindi na ito gumagana.

"Hindi mo ba nakita si Cressida?" Tanong ko.

"Pasensya na po, nagmamadali po kasi ako." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Kate. Bumalik na ko sa aking ginagawa at ipinagpatuloy na iyon habang si Kate ay tinutulungan na ako para mabilis akong matapos.

"Kamusta nga po pala si Niko?" Mahinang tanong ko na sapat na para marinig ng aking kausap.

"Nang-iwan ko sya ay hindi pa gaanong bumababa ang kanyang lagnat pero napainom ko na sya ng gamot. Wala na po kayong dapat ipag-alala pag kamahalan." kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Kate.

Nabaling ang tingin ko sa cellphone ni Cressida na ipinatong ni Kate sa dulo ng lamesa. Nabalot ng kuryosidad ang buong katawan ko tungkol sa gustong ipakita o sabihin ni Cressida. Siguro pagkatapos kong ibigay to kay Niko kakausapin ko ng mahinahon si Cressida.

"Isasalang ko na po ito sa oven mabuti pong maupo muna kayo at magpahinga." Palihim kong kinuha ang cellphone sa gilid ng lamesa at itinago iyon sa likod ko.

"Maaari bang tawagin mo na lamang ako kapag luto na? May mahalaga lamang akong gagawin." pagpapaalam ko at sumang-ayon na lamang din si Kate.

Mabilis kong nilisan ang kusina. Tinungo ko kaagad ang kwarto ni Cressida.

"Cressida bukas mo ito kailangan kitang makausap." Pinigil ko ang sarili ko na huwag sumigaw upang hindi rin mainis si Cressida sakin.

"Cressida?" patanong na ulit ko ngunit wala pa ring tumugon. Binuksan ko ang pintuan ng silid at wala sa loob noon ang hinahanap ko.

Tss. Saan na naman kaya nagpunta ang babaeng yon.

Nagsimula akong maglibot sa buong palasyo upang matagpuan ang bruha ngunit kahit saan ako magpunta ay wala sya roon.

Sa ilang minutong paghahanap ay natanaw ko si Cressida muna sa second floor na papasok palang ng main gate ng palasyo. Mukhang nagshopping ang bruha.. Hanap ako ng hanap sa kanya tapos sa mall lang pala sya galing.

Pagkababa ko ay nakasalubong ko na si Cressida. Magsasalita na sana ako tungkol sa kanin ng biglang sumingit si Kate.

"Mahal na prinsesa nailabas ko na po sa oven ang mga cupcake. Maaari nyo na po itong lagyan ng dekorasyon." gustuhin ko mang kausapin si Cressida ay ipinagpaliban ko na ito. Uunahin ko muna ang mga cupcakes na para kay Niko bago ang tungkol sa bagay na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Undesirable PrincessWhere stories live. Discover now