•°•KABANATA 4•°•

12 5 0
                                    

Vera’s P.O.V.

Magisa akong namamasyal sa isang bayan malapit sa palasyo. Hindi na ako nagpaalam kay ama dahil sigurado akong pababantayan nya lang ako, hindi ako makakapagenjoy kapag may nakabantay sakin. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito kaya hindi ako namumukhaan ng mga tao.

“Bili na kayo.. sariwa pa ang mga ito.”

“Bili na kayo mura lang ang mga paninda ko at sigurado akong matitibay.”

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Hanga ako sa pagkakaisa ng lahat. Kahit saan din ako tumingin ay puro ngiti ang nakikita ko, puno ng kasiyahan, mga batang naglalaro sa lansangan  pero malaki ang pinagkaiba ng lugar na ito sa gitnang bayan kung saan mayayaman ang naninirahan. Doon sana ako tutungo dahil nagbabakasakali akong makita ko roon si Marius na aking kababata.

“Isang cotton candy para sa isang binibini.” Nagulat naman ako ng biglang may nag-abot sakin ng cotton candy. Kukuha na sana ako ng pambayad sa bulsa ko ng pigilan nya ako.

“Hindi mo na yan kailangan pang bayaran. Libre na yan dahil maganda ka naman.” Sabi nya sabay kindat. Nagpasalamat na lang ako at kinain ang cotton candy. Lumapit ako sa isang binibini na naglalakad sa tabing daan.

“Magandang binibini pwede ba akong magtanong?.” Tumigil sya sandali at para bang namumukhaan nya ako kaya inayos ko ng konti ang balabal na suot ko.

“Ano ba ang itatanong mo?.” Sinabi ko kaagad sa kanya ang aking pakay pero hindi nya kilala ang Marius na sinasabi ko.

“Sige po, maraming salamat.” Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa magkabila kong braso.

“Hindi po kayo maaring lumabas mag-isa kama-“ pinutol ko na agad ang sasabihin nya dahil madaming tao ang nakapalibot samin. Hindi pa siguro nila alam na maayos na kami ng aking ama, ilan sa mga tao na nasa paligid ko ay nandon nung araw na yun at ayokong mapahiya.

“Sasama na ko sa inyo kaya wag na kayong magsalita.” Inayos ko ang balabal na suot ko at nauna ng maglakad habang ang mga sumundo sakin ay nasa likuran.

Kung bakit ba naman kasi hindi sinabi ni Marius kung saan sya nakatira, nagpapakapagod pa tuloy ako sa paghahanap sa kanya.

Tanungin ko na lang kaya si ama?, baka sakaling alam nya kung san nakatira si Marius.

Pagbalik namin sa palasyo ay agad kong hinanap si ama, natagpuan ko syang nakangiti habang may kung anong tinitingnan sa library. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

“Ano po yang tinitingnan nyo at mukhang masaya kayo?.”sabi ko habang nasa likod ang aking mga kamay at hindi mapakali.

“Ikaw ba ang gumawa nito?.” tiningnan ko ang tinutukoy ni ama at yun ang photo album na ginawa ko nung maliit pa ako. Naiwan ko pala yun sa lamesa at nakalimutang itago ulit.

“Ah opo, ako po ang gumawa nyan.” nahihiyang sabi ko.

“Ang ganda ng pagkakagawa, alam kong matutuwa ang namayapang reyna kapag nakita nya ito.” tahimik lang ako nakikinig sa sinasabi ni ama.

“Ano nga pala ang kailangan mo’t naparito ka?.” Pag-iiba ni ama sa usapan. Napansin nya siguro na hindi ako kumportable sa topic kanina.

“Kilala nyo po ba ang kababata kong si Prince Marius?.” Tanong ko. Inayos naman ni ama ang kanyang salamin bago nya ako sagutin.

“Oo naman, bakit?, may problema ba?.” Umiling lang ako bilang sagot

“Alam nyo po ba kung saan sya nakatira?.”

“Balita ko pumunta sya sa ibang bansa para magaral at kakagraduate lang nya pero hindi pa rin sya nakakabalik sa kanilang palasyo sa Sweden, wala ring balita sa kanya magpahanggang ngayon.” Nalungkot naman ako sa narinig. Sang lumalop na ba ng mundo nagpunta ang lalaking yon?.

Undesirable PrincessWhere stories live. Discover now