•°•KABANATA 3°•°

13 5 0
                                    

Vera’s P.O.V.

7 years later…

Ilang taon na ang nakalipas simula ng mamatay si Ina. Napapansin ko namang gusto ni auntie Thyra na palitan si Ina sa puso ng minamahal kong ama. Madalang na akong lumabas ng silid dahil nagagalit lamang si ama sa tuwing nakikita nya ako, baka atakihin na naman sya sa puso dahil sakin.

Simula ng araw na umalis si Marius ay hindi na muli syang bumisita sa aming palasyo. Nalungkot ako  dahil don, pero naghihintay pa rin ako sa kanyang pagbisita para makita ako. Sigurado akong isa na syang matipunong binata ngayon. Napangiti naman ako magisa sa loob ng kwarto ko.

“Kamahalan…” Agad kong inalis ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang boses ni Kate. She’s already 41.

“Ano ang iyong kailangan?.” Tanong ko at kunwaring abala sa pagbabasa ng libro. Dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi sakin ni Marius nung araw na yon, na mababa ang IQ ko. Gusto ko ring malaman ang dahilan nya kung bakit nya ako iniligtas kaya nagaral ako maghapon at magdamag. Ginawa ko ng tambayan ang library tuwing may bakante akong oras.

“Pinapatawag kayo ng mahal na hari sa kanyang silid.” Isinara ko agad ang libro na hawak ko.

“Pakisabi sandali lamang.” Umalis na si Kate. Nag-ayos ako ng sarili ko at inalis ang reading glass na suot ko. Humarap muna ako sa salamin at sinuri kung may kapuna-puna ba sa akin. Lumabas din ako kaagad dahil baka magalit na naman si ama dahil sa kabagalan ko. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto papasok sa silid ni ama. Bumungad sakin si ama at si auntie Thyra.

“Maupo ka.” Utos ni ama kaya agad akong naupo sa upuang kaharap nila. Bigla akong pinagpawisan dahil feeling ko wala akong space sa lugar na ito.

“Gusto ko lang ipaalam sayo anak na magpapakasal na kami ng auntie Thyra mo..” Nagulat ako hindi dahil sa magpapakasala na sila kundi dahil tinawag nya na ulit akong anak. Ngayon na lang nya ulit akong tinawag na anak sa loob ng mahabang panahon. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko dahil sa saya.

“Bakit ka naman umiiyak?.” Malambing na tanong ni ama at nilapitan ako.

“Ama…” para akong batang umiiyak. Agad akong tumayo at niyakap ng mahigpit si ama dahil baka ito lang ang pagkakataon ko na mayakap sya ng mahigpit.

“Pumapayag ka ba anak sa naging pasya ko?, alam kong matagal ka na ring nangungulila sa pagaaruga ng isang ina. Alam kong mapupunan ng auntie Thyra mo yon, nangako sya sakin na aalagaan ka nya buong buhay nya.” Bulong ni ama. Napatingin naman ako kay auntie na tahimik kaming pinapanood.

“ Opo… payag po ako.” Pilit na sagot ko. Una sa lahat ayoko na mapalapit sya kay ama at lalo na ang makasal pero huli na ang lahat, mukhang nahulog na ang loob ni ama kay auntie Thyra kaya wala na kong ibang magagawa pa kundi piliin ang kaligayahan ng aking amang hari.

“Ito nga pala ang regalo ko sayo..” Inabot naman ni ama ang kulay pulang kahon saakin.

“Para san naman po to’.?” Natatawang tanong ko. Ngayon na lang ulit ako binigyan ni ama ng regalo kaya naninibago ako.

“Alam kong magugustuhan mo yan dahil yan ang hiling mo sakin nung maliit ka pa pero hindi kita pinansin.” Natandaan pa ni ama ang hiniling kong isang kulay gray na kotse?, nagbibiro lamang ako noong araw na yon dahil sa kakapanood ko ng mga movie kaya humiling ako na sana magkaroon din ako ng sarili kong kotse.

“Babawi ako sayo anak.” Niyakap ulit ako ni ama kaya niyakap ko rin sya.

“Maari ko po bang subukan?.” Excited na tanong ko.

“Oo naman. Nasa labas ang kotse mo.” Nagmadali akong lumabas at nakita ko kaagad ang regalo ni ama. Napakaganda!. Sumakay ako kaagad at binuhay ang makina.

“Cool.” Nagikot-ikot ako sa bakanteng lote gamit ang bago kong kotse. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya sa mga oras na to’, sana hindi na to’ matapos. Sana palagi na lang masaya. Hindi ko napansin na babangga na pala ako sa malaking flowerpot, bakit ba may flower pot dito?. Hindi ko agad naipreno ang sasakyan kaya nabasag ang malaking paso, bumaba ako agad para suriin ang naging sira sa bago kong kotse.

“Ano ba yan, kakaregalo lang sakin nagasgasan agad.” Grabe ang pagkadismaya ko dahil sa nangyare. Aaminin ko na hindi pa talaga ako marunong magmaneho kaya dapat nagpaturo muna ako sa marunong kesa sa nagsosolo ako.

“What have you done?!.” Bigla namang dumating si auntie at galit na galit ng makita ang basag na flower pot pati na ang sira sirang bulaklak na tanim noon.

“Nabangga ko po kasi, sorry..” Paghingi ko ng tawad pero hindi pa rin ako pinatawad ni auntie bagkus ay sinermonan pa nya ako.

“Sorry?, alam mo ba kung gano kamahal yang flower pot na yan?, mas mahal pa yan sa inaakala mo!. Sinira mo pa ang tanim kong bulaklak, alam mo ba kung gano katagal ko yang inalagaan tapos sisirainn mo lang?!. Mas maganda pa yang alagaan kesa sayo!.” Sigaw pa nya pero hindi ako umimik kahit isang salita. Wala akong pake sa kanya, magalit sya kung gusto nya. Imbis na makipag-away ako sa kanya ay sumakay na ulit ako sa kotse at umalis sa lugar na iyon. Pinark ko na rin muna ang kotse ko at tumawag ng pwedeng mag-ayos non.

“Ginalit mo na naman si Thyra.”

“Ay butiki..” Nagulat naman ako kay Kate na bigla bigla na lang sumusulpot sa kung saan.

“Hayaan mo syang magalit para magka wrinkles sya.” Chill lang akong naglakad papunta sa library para mag-aral na naman.

“Baka isumbong ka nya sa mahal na hari sigurado akong pagagalitan ka na naman non.” Nginitian ko lang si Kate habang patalikod na naglalakad at sa kanya nakaharap.

“Magsumbong sya, nagkaayos na rin naman kami ni ama kanina lang.” Umayos na ako sa paglalakad. Napansin ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Kate.

“Totoo ba yan?, kung ganon ay mabuti. Hindi na rin kayo magkakaaway ng ama mo.” Napapangiti talaga ako kapag naaalala ko ang nangyare kanina nung pinatawag ako ni ama. Namiss ko rin ang mahigpit nyang yakap.

“Tama na muna ang kwentuhan baka may makarinig satin. Pwede po bang ikuha mo ako ng makakain at maiinom?, pakidala na lang po sa library.” Pakiusap ko kay Kate. Tumango lang sya at humiwalay na ng landas habang ako patuloy lang sa pagtahak ng daan papunta sa library.

Agad kong kinuha ang libro na hindi ko pa natatapos basahin. Umupo muna ako bago ituloy ang librong binabasa ko nung nakaraan araw. Ito yung libro na naiwan ni Marius dito nung mga panahong binisita nya ako, dahil sa kalalaro namin hindi nya namalayan na may dala syang libro bago sya bumisita.

Pagbuklat ko sa pahina isang daan at apatnapu't tatlo, may kung anong nalaglag sa sahig. Agad ko din iyong kinuha at nagulat ako ng Makita ang litrato ko nung bata pa ako, nasa garden ako at abala sa paglalagay ng mga bulaklak sa buhok ko..

“Si Marius talaga…” Napailing na lang ako dahil naaalala ko na naman ang lalaking yon. Yung multong yon, hindi na nagpakita sakin. Patay talaga sakin yun kapag nagkita kami ulit.

“Kamahalan, ito na po ang pinakukuha nyo.” Pumasok naman si Kate na dala ang pagkaing hiningi ko.

“Maraming salamat..” Lumabas na ulit si Kate. Kumain muna ako ng konti bago ako nagpatuloy sa pagbabasa. Siguro nandito yung dahilan ni Marius kung bakit nya ako iniligtas, nagbabakasakali lang ako na baka nandito nga.

Habang nagbabasa ako napapansin ko na may mga nakaunderline na word sa pahina isang daan at apatnapu't tatlo hanggang sa pahina isang daan at apatnapu't lima. I tried to connect all the three words at napangit ako sa naging pangungusap.

Wait for me

Sinadya ba talaga nyang iwan ang librong to’ dito? o hindi?. Hayysstt mababaliw ako kakaisip.  Nawalan na ako ng ganang magbasa kaya hinanap ko na lang ang album na ginawa ko nung bata ako, dito ko yon itinago baka kasi magkataon na makita ni ama, sigurado akong natutuwa yon.

Undesirable PrincessWhere stories live. Discover now