11. Something

1.4K 67 11
                                    

11.
Something

━━━━━━━

May galit yata ang isang ito sa akin.

“Hurry up, Miss Barrameda. Anong oras na . . .”

“O-opo!”

Mas binilisan ko ang paglalakad. Since he got really long legs, I had to take extra efforts to match his strides. Pero mahirap pa rin dahil ang dami kong dala-dala!

We were to attend a pre-trial so all the evidence pertinent to the case needed to be presented. Marami iyon at napagdesisyunan ni Prosec. Calleja na maging masakit ang mga braso niya kaya ako na lang daw ang magdala. Okay lang naman sa akin. Pero sobrang dami! He should have at least let Kuya Pio carry some of these! Paano kung may mawala rito? E di malilintikan pa ako.

“Ang bagal-bagal mo,” iritadong anas niya pagkalapit ko habang titig sa mamahalin niyang relong pambisig.

I almost rolled my eyes. “Sorry po.”

He just glared at me before he entered the court. Nakasimangot akong sumunod sa kanya.

Pasalamat ka talaga gustong-gusto kita.

The defense counsel was already inside when we came. Nang nagkita sila ni Prosec. Calleja, nagngitian agad sila. The counsel was probably in her late twenties and pretty. Naka-pantsuit itong itim, maayos ang pagkakatali ng buhok, at may salamin katulad ni Prosec. Calleja.

“Ikaw na naman, Prosec,” I heard her say as I was putting the pieces of documentary evidence on the table.

Prosec. Calleja laughed. “Mukhang sawa ka na sa’kin, Atty. Rivero.”

I learned later on Atty. Rivero was his former student.

Habang nagkukuwentunan sila roon ay pasimple ko namang ipinuwesto ang sarili sa upuan kasunod ng nakatalaga sa prosecutor. Naroon ang isang dalagita na sa tingin ko ay ang private offended party. Kasama niya iyong isang ale na mukhang stressed sa buhay na sa tingin ko ay nanay niya.

As if she was hearing my thoughts, the girl looked at me. Doon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Ang tantiya ko ay nasa dose o trese anyos siya. Katulad ng nanay niya, tila pagod din siya sa buhay.

I gave her a little smile to encourage which she didn’t return. And finally, after fifteen minutes, the judge came and we all rose from our seat.

The case involved was violation of RA 7610 or the Anti-Child Abuse Law. Habang nagpepresenta ng kanya-kanyang ebidensya para sa kaso ang parties, inabala ko naman ang sarili sa pagmamasid kay Prosec. Calleja.

Seryosong-seryoso siya sa pagkukumpara ng mga dokumento. Ang mga kilay niya, kaunti na lang ay maghuhugpong na at mag-iisa. He was never not intimidating. But he was a lot more when he was in court. Parang laging handang manira ng buhay.

And I really, really liked him.

“What do you think of the case, Miss Barrameda?”

Nilingon ko si Prosec. Calleja. Katatapos lamang ng pre-trial sa kasong iyon at kababalik lang namin sa opisina niya.

He wasn’t looking at me. Nasa mesa niya siya, nakatayo, at abala sa cell phone. Sa kinatatayuan ko ay kita ko ang mabining paglapat ng salamin niya sa tungki ng kanyang ilong.

The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon