08. Beer

1.7K 70 22
                                    

08.
Beer

—————

Unexpectedly, in my best penmanship, I wrote his words on my skin. Dumugo, tumimo, at nagmarka.

Katulad nga ng sinabi niya, may finals pa. Itinaya ko na ang naiwan sa akin. Papasa ako.

"Kumusta ang paghahanap mo ng fuck buddy?" I asked Acaimie when Bredant left to fetch Nayeli outside.

"Okay naman." She grinned. "Wala na 'kong ibang naka-chat na interesting kaya nag-stick na 'ko kay Bubble guy."

"Mag-ingat ka. Hoy, dalawang taon na lang, magba-Bar exams na tayo. Kapag 'yan may sabit, patay ka."

Tumawa lamang siya at inaya na akong pumasok nang nakita na ang mag-jowa.

"Uy, si topnotcher!"

Bredant chuckled and shook his head. Mas ginanahan doon ang mga kaklase namin. Pinalo-palo pa siya ni Acaimie na medyo ikinataas ng kilay ni Nayeli.

Guess what? Tapos na kami sa finals!

Pinakahuling exam namin ay sa Property Law. At dahil Sabado, two thirty to four thirty p.m. ang schedule namin. Mahirap ang exam. Actually, lahat naman. But let me exclude Criminal Procedure once again because Atty. Calleja took my definition of difficult to the next level. Natapos ako, almost four thirty na. Ang sakit-sakit pa nga ng braso ko hanggang ngayon.

Our class planned a small gathering after the finals. At heto na nga kami — sa restobar. Hindi kami kumpleto pero halos lahat ay narito. Soshila couldn't attend because she got some errands to do. Pero susunod daw siya mamaya kung narito pa kami. Si Ate Mira naman ay gusto raw magpahinga. Matutulog daw siya nang maaga.

"'Tang ina talaga ni Atty. Calleja! Deputa, p're! Ang hirap no'ng exam niya!"

We took his exam last Wednesday. I remembered walking out of the hall with some of my classmates and batchmates crying. Paano ba naman kasi, dumagdag pa iyong proctor namin sa pressure. Karamihan sa amin ay kinulang sa dalawang oras sumagot. Istrikto iyong proctor namin kaya napilitan ang karamihan magpasa agad kahit hindi pa tapos. Natapos ko iyong akin pero iyong mga huling sagot ko hindi ko masyadong naintindihan dahil sa kaba.

Nakaka-trauma.

Kulang talaga iyong dalawang oras para sagutan lahat. Bukod sa mahihirap at mahahaba ang kaso, sobrang nakakalito rin. I understood that the proctor just wanted us to get accustomed to the time limit. Pero grabe 'yon!

"Manalig na lang tayong papasa," one of our classmates said.

Palagi naman. Sabi nga ng mga professor namin, kapag nasa law school ka, magiging maka-Diyos ka. At tama sila.

"Pero aminin niyo. Sobrang hot ni Atty. Calleja!"

Halos maibuga ko ang alak na iniinom.

"He's not the pretty boy type. Ang angas ng dating niya. Oozing with sex appeal, gano'n."

"Alam mo 'yon? Kahit 'di mo siya naaamoy pero parang ang bango-bango niya?"

"Ang alam ko, he's single as of now. Ex-girlfriend niya 'yong dating nag-top sa medical boards na maganda."

Hindi ko in-expect na interesado sila kay Atty. Calleja. Ang dami nilang alam!

The chat continued. Pasimple akong nakikinig at paminsan-minsang sinasabayan ang mga tawa nila.

"Ang tagal na ng friend request ko sa kanya. Kayo palang 'atang mag-jowa ang in-accept niya sa Facebook," sabi ni Acaimie na tinuturo sina Bredant at Nayeli.

The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon