Napapikit ako sa nerbyos dahil alam ko na kung ano ito. Alam ko na kung bakit at alam ko na ang mangyayari. Ako ang may gawa nito eh, kaya dapat lang na harapin ko 'to ngayon.

"Ayos lang ba talaga, Marza? Sorry ah, emergency lang talaga."

"Ano ka ba! Okay lang talaga, promise. Ite-text kita kapag dumating na si Calyx. Pero sana naman nakabalik ka na bago pa siya makarating." aniya.

I kissed her cheek before leaving.

Nasa daan pa lang ako patungo sa mansyon ay sobra-sobra na ang takot at kaba ko. Para akong maiihi sa nerbyos. Gusto kong 'wag na lang tumuloy pero sigurado akong mas sobra sobra pa ang aabutin ko kapag ginawa ko 'yon.

Mas lalo akong pinagpawisan nang makita ang pamilyar na chevy sa harap ng mansyon ngayon.

Ito na... Ito na talaga, Katana.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumungad sa akin pagpasok ko sa loob. Nadatnan ko silang lahat sa sala, halatang inaabangan ang pagdating ko. Si Mommy, Tito Arthur, Dylan, Kuya, Daddy, and Tita Thelma.

Hindi pa ako nakakapag-mano ay nagsalita na si Mommy.

"Bumagsak ka." mahinang saad niya.

Hindi ako nakapagsalita, yumuko lang ako.

"Why? What did you do!? Bakit ka bumagsak? Bakit ngayon pa!?" tumaas na ang boses ni Mommy.

"Isang taon na lang, Katana. Isa na lang... Magse-senior ka na, bakit ngayon pa?"

Napansin kong pinigilan siya ni Tito Arthur pero hindi rin ito nagtagumpay.

"Nariyan ka na nga sa kursong bihasa ka, bumagsak ka pa? Third year ka pa lang, nursing pa lang 'yan. Papasok ka pa lang sana sa med school, bumagsak ka na! I can't believe this! I am so dissapointed! This is such a big disgrace to our family!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.

"Emerald! Baka nakakalimutan mong wala ka sa teritoryo mo! Maghunos-dili ka-"

"You have no right to educate me, Thelma. Wala akong pakialam kung teritoryo mo 'to kaya 'wag kang maki-alam sa amin dahil usapang mag-ina lang 'to!" putol ni Mommy kay Tita.

"Huwag kang magsimula, Emerald." si Tito naman ngayon.

"Manahimik kayo!" ma-awtoridad na sigaw ni Daddy bago ako binalingan. "What did you do, Katana? Ang laki ng binaba ng grado mo kumpara sa grado mo noong nakaraan. Paano nangyari ito?"

Hindi ako nagsalita.

Umismid si Mommy.

"Nag-aral ka pa, babagsak ka rin lang pala. Kung sana sumama ka na lang sa'kin sa mga business trips ko, o 'di kaya pumasok na lang sa modeling. Akala ko ba matalino ka? Anong nangyari ngayon? Where did your brain go? Did you lost it somewhere? Ba't puro kamang-mangan na lang ang natira? Saan mo ba namana 'yan? As far as I know, walang bobo sa mga Ramirez-"

"Mommy! Stop it!" saway ni Dylan.

"What? Stop butting in, Dylan Walter." mas mataray na saad ni Mommy.

Napahilot na lang sa sintido si Daddy at Tito Arthur.

Ang sakit. Kung gaano kasakit masabihan ng mga masasalitang salita sa mga kaibigan mo, mas masakit pa rin pala talaga kapag mismong nanay mo na ang nagsabi ng mga ito. Hindi lang doble, triple, o kahit ano pa.

It's a million times painful.

Pinisil-pisil ko ang palad ko, in that way, nako-comfort ko ang sarili ko.

Binalingan ko si Kuya na tahimik lang pero nababasa ang pag-aalala sa mukha niya. Gusto kong sumabat at nakikiramdam.

Nginitian ko siya to assure him that I'm okay. But truth is, deep inside my heart I am dying. Ayaw ko rin naman po nito. Hindi ko rin naman matanggap na ganyan ang nangyari. Kung gaano kayo kagalit sa akin ay mas galit pa ako sa sarili ko.

Escaping the DarknessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora