Kabanata 29

31 5 0
                                    

Kabanata 29

"I'm sorry Ms. Mendez, pero tanggal ka na sa mga Dean's Lister." mapait na saad ng professor ko. "I warned you. Sinabi ko lahat ng mga kakulangan mo, but then..." umiling siya.

Suminghap ako.

"It's okay, Miss. Babawi na lang po ako."

"Alam mong hindi ka na makakabawi, Katana. You can't do anything about this anymore. This is the last. You failed this year. Hindi ka na makakabawi. Wala ka nang ibang gagawin kung hindi umulit next year.

Dire-diretsang aniya pa. Tumataas na rin ang boses niya dahil alam kong sobrang dissapointed siya sa akin. I'm one of the Dean's Lister of our batch. Straight Dean's Lister and running for Summa Cumlaude next year and yet anong ginawa ko?

"Or else, mag-take ka ng acceleration exam next month.  You choose, Ms. Mendez."

Today is May 10, Calyx's birthday. Next week ay closing na ng school year na 'to. My professor wants me to take the acceleration exam para hindi ako mapag-iwanan. Malaki ang tiwala niya sa akin, ganun din ang expectations niya. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganito na lamang ang naging reaction niya.

Maging ako ay nalungkot din. At alam kong mas grabe pa sa reaksiyon ng professor ko ang magiging reaksiyon nina Daddy. Lalong-lalo na ang mga Ramirez.

"I'll try, Miss." paalam ko.

Pero hindi. Hindi ako magti-take ng exam. Pinili kong gawin ito. Pinili ko ang direksyong ito. Ito lang ang naiisip kong paraan para hindi ako umalis. Magagalit sina Daddy sa'kin, oo. Pero okay lang iyon. At least madi-delay ang pag-alis ko.

Alam kong sobrang katangahang paraan 'to pero anong magagawa ko? Sobrang desperada na ako.

Napangiti na lang ako ng pilit. Sinadya ko ito pero ang sakit pa rin. Ang sakit sa pakiramdam. Bumagsak ako sa kursong gustong-gusto ko. Ang matagal ko ng pinapangarap.

Pinarada ko ang kotse sa grocery store.

Naisipan kong i-surprise si Calyx ngayong birthday niya. Naging okay rin agad kami ni Calyx. Hindi ko na siya nagawang komprontahin noon dahil inisip kong baka business partner niya lang. Kahit na hindi naman mukhang business partner, tanga na lang ang maniniwala.

Pero... iintindihin ko na lang.

Hindi ako bihasa sa pagluluto pero para sa kaniya, gagawin ko. Magpapatulong na lang ako kay Marza. Kung sana okay kami ni Carliyah, mas mapapadali sana ito ngayon. Kung sana lang talaga.

Matapos ang pamimili ay umuwi na rin ako para makapag-prepare na.

"Ayos na ba 'to?" I asked Marza.

Nilapitan niya ang hinahalo ko at saka tinikman.

"Okay na!" aniya at napapalakpak pa.

Ngumiti ako bago tinanggal ang apron na suot.

I checked the time and it's alreay 4 pm. Tinulungan ako ni Marza sa pag-aayos. Abala kami sa paglalagay ng table napkins nang mag-ring ang phone ko.

Natigilan ako ng makita kung sino ang tumatawag.

"Hello, Dad?"

Hindi muna siya nagsalita kaya nakaramdan ako ng kaba.

"Umuwi ka ngayon." malamig na aniya.

Ako naman ngayon ang hindi nakasagot. Napatingin ako sa inaayos na table bago bumaling sa nakamasid na si Marza.

"Bakit po?" pinigilan ko ang magtunog-takot.

"Just do what I said, Katana Saphira. Umuwi ka ngayon din!" mariing aniya bago binaba ang linya.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon