[1]

4.1K 90 7
                                    

"hey crein" malanding bati sa akin ng napakagwapo kong boyfriend

ngumiti ako ng malawak at hinalikan ito sa labi, "hoy tama na yang kalandian nyo!" pigil sa amin ni farrah na bestfriend ko

galit akong humiwalay sa halikan namin ni paulo, "you know what farrah bakit hindi mo hanapin ang boyfriend mo? hindi ung panira ka palagi" asar kong sumbat sa kanya

"aba! aba! hoy crein baka nakakalimutan mong nasa classroom tayo?" malditang pangaral nya sa akin

so? kahit maglive show kami netong bago kong boyfriend wala silang paki! ni isa walang kumakalaban sa akin dito kilalang-kilala nila kung sino ako kahit hindi ako nag-aaral dito

hindi amin 'to pero kami ang pinakamalaking share noh!

"i have to go babe see you later" paalam ni paulo na agad akong tumango

pagkalabas niya mabilis akong sinabunutan ng sadista kong bestfriend, "awww! sumusobra ka na talaga farrah!!" daing ko habang hawak ang buhok ko

"tigilan mo ko crein nangigigil talaga ako sayo!" banta nito

i pouted, "sorry na bestfriend" paghingi ko ng tawad at yakap sa kanya

she sighed, "oo na bwesit kang malandi ka!" aniya nito

napangiti ako, ganyan kami maglambingan ni farrah kapag may nagagawang kasalanan ang isa matutong magpakumbaba ang isa--i mean ako! punyeta yan eh. ang taas ng pride mabuti nalang hindi ganyan kagaga ang isa ko pang kaibigan na si rebeka

nakalimutan kong magpakilala, "hi I'm DACREIN FONACIER call me crein ayoko kasing tinatawag ako sa buong pangalan ko nakakasura pinangalanan ba naman ako ng panglalaki? tsk. , 20 years old, 3rd year college, taking business ad. and....... last campus bitch

"so kamusta na yong invisible mong boyfriend?" nakangisi kong tanong

sinamaan nya ako ng tingin, "huwag mo kong tignan ng ganyan farrah" dagdag ko pa

"okay naman but... kagabi pa kasi syang hindi nagtetext sa akin" kwento nito

tinapik ko ang balikat nya, "baka may ginagawa lang siguro bakit kasi hindi mo bisitahin?"

"tanga lang crein? sa tingin mo mapupuntahan ko sya ngayon? ldr kami" sagot nito

grabe talaga 'to tsk. ang hilig akong murahin makapunta nga sa simbahan hihingi ako ng ilang galoong holy water ipapalaklak ko sa kanya baka sakaling mabawasan yang pagiging palamura nya

"i heard na may bagong transfree" pag-iiba ko ng usapan, bumisita ako ngayon dito sa spencer academy kung saan sila nag-aaral

ako kasi sa kabilang campus na medyo may kalayuan dito sa campus nila atsaka may sinadya ako dito si paulo na currently boyfriend ko

"yeah. guess what? mukhang mas matindi pa sayo" kwento nito

napataas ang kilay ko, tama ba ang dinig ko? mas matindi pa sa akin? hmmm..mukhang may  makakalaban na ako pag nangyari yon

"what's her/his name?" pag-uusisa ko

bumaling ito sa akin at tinapunan ako ng makahulugang tingin, "anak sya ng may-ari ng school kaya maraming ilag sa kanya lalo na ang mga babae kung makabulong sa paligid akala mo hindi naririnig" wika nito

Where's my body?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon