[43]

1.3K 84 17
                                    

DACREIN

1st Day

unang araw ko dito sa condo ni sabrina maaga akong gumising para ipagluto sya at para magsabay kaming pumasok.

naligo narin ako mag-aagahan nalang kami at hihintayin ko nalang sya.

"sino nagsabing makialam ka?" saad sa likuran na ikinagitla ko

agad akong napaharap sa kanya, "sorry, gusto kasi kitang ipaghanda ng breakfast para sabay tayong pumasok" paliwanag ko

"sabay kami ni chester papasok" malamig nitong sagot at agad na umupo

napangiti ako ng mapait, 'oo nga naman bakit sya sasabay sa akin? hindi naman kami'

"sige magbreakfast na tayo" saad ko nalang at inasikaso ko sa kanya

"pupunta dito si chester sabay kaming magbebreakfast" saad nito na nagpatigil sa akin

"ah. ganon ba? sige. aalis na ko eatwell guys" pinipilit kong maging masigla ang boses ko bago pumanhik palabas ng kusina











2nd day

nagluto ulit ako para sa kanila at aalis ako ng maaga.

"i heard about the news totoo bang ikaw si dacre?" seryosong tanong sa akin ni coach

malumanay akong tumango, "yes, coach" pag-amin ko

narinig ko syang bumuntong hininga, "nalalapit na ang tournament dacre or dacrein tiwala parin ako sayo na mauuwi natin ang trophy" nakangiti nitong saad na ikinagulat ko

akala ko tatangalin na nya ako sa team kahit nalaman nyang iisa ang dacre at dacrein.

"gusto kong alagaan mo ang sarili mo ms.fonacier hindi para sa tropeyo kundi para sa mga kaibigan mong patuloy na sumusuporta sayo at huwag na huwag kang magpapaapekto sa iba basta tandaan mong andito kami sa tabi mo nakasuporta sayo" sincere nitong saad na ikinangiti ko

nagpapasalamat ako dahil andami paring nagtitiwala sa akin kahit sobrang basag na 'ko.

kumaway sila bakekang sa akin na nakangiting nanonood sa akin, kasama ko sila sa pagtratraining wala eh. tamad silang pumasok kaya dito sila tumambay sa field.

"kaya pala ang gaan ng loob ko sayo ikaw pala yan dacre" ski

nakipag-apir ako sa kanya at sabay na nagyakapan, "sorry hindi ko nasabi baka kasi layuan nyo ko eh" paghingi ko ng tawad

tinapik nya ang balikat ko, "ano ka ba girl hindi mangyayari yon" sabi nito na ikinangiti ko

"magkakilala pala kayo ni mr. fuentes ms. fonacier?" tanong sa amin ni coach

sabay na nag-akbayan kami ni ski at nagthumbs-up, "best buddy kami coach" sabay naming sabi na nagpatawa kay coach

"hayy. andami ko palang kyut na mga player" pagguguyo nito sa amin

"syempre gwapo coach namin kaya madaming kyut" gatong ko sa pagbibiro nya

natawa ulit ito, "sige na, magtraining na kayo" natatawang taboy nito kaya agad kaming tumakbo ni ski sa court.









Where's my body?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon