I

578 54 81
                                    

Habang tinitignan ang malaking establishemento na nasa harapan naming, napapakagat ako sa labi ko pero hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako. Hindi ko mapigilang hindi nerbyosin at mapakali sa nararamdaman. Nakita ko namang may iilang estudyanteng pumapasok at may dala-dalang brown envelope.

Bumuntong-hininga muna ako at sinimulang pumasok.

Habang papasok ako, nakita naman ako ng isang lalaking naka asul na polo na itim ang slacks, nakasuot ng kayumangging sapatods na pakiramdam ko, galing pang ibang bansa ito. Maayos ang panindig at nagsimula itong lumakad papunta sakin.

"Hello, Miss. Ano pong maitutulong ko sa inyo?" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mayroon siyang I.D. Vice President ang nakalagay.

"Hinahanap ko po kasi yung enrollment building ng College Department..." ngumiti ito.

"Ganon ba? Sige hatid nalang kita baka mawala ka pa kung sinabi ko lang yung daanan."

Talaga ba, ihahatid niya ako? Pero kaya ko naman eh. Sabi ko naman sa kaniya na kaya ko naman na ako nalang pero nagpumilit itong ihatid ako, kaya ngayon ay naglalakad kami.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Ang daming studyanteng nagkakalat. May naglalaro ng Frisbee, natutulog sa bench, may mga magkakaibigan na naghugis bilog at nagtatawanan. Grabe, ang laki, malawak at maganda yong school na ito. Hindi ko na mapigilang magsalita.

"Ang ganda..." napangiti naman ito at tumango.

"Thank you! And by the way..." huminto siya at humarap sakin. "I didn't know yet your name. You are?"

Umayos ako ng tindig at ngumiti. "I am Rain Louise Torres." tila naningkit naman ang kaniyang mata.

"Are you familiar with this place?" nagpatuloy ito sa paglalakad. Sinundan ko na lamang ito.

"Hindi nga po eh. Transferee po kasi," tumango-tango ito.

"I see." tumigil muna ito sa paglalakad at humarap sakin. Inilahad naman niya ang kaniyang kanang kamay sakin. "Well, I am Laurence John Grothe, Vice President of the Student Council."

Nakipag-kamay siya at tinanggap ko naman. Marami pa ang sinabi niya tungkol sa paaralan. Ipinasyal niya rin ako kung saan ang College Department. Parang hindi ko nga nahalata yung oras na lumipas eh. Halos tatlumpung minuto din kaming naglalakad at nagkuwentuhan hanggang huminto ito sa isang parang colussium na gusali pero hati lang yun sa building na ito. "So, eto na pala tayo sa Enrollment Building." muli humarap ako sa kanya at nagsmile.

"Salamat po, Kuya Laurence," bigla itong ngumiti na may pahiwatig. Bakit kaya?

"I hope to see you next time, Rain," makahulugang sabi nito. Tumalikod ito sa akin at tinignan ko siya habang binabati ng mga estudyante. Kung siya ang Vice-President, sino kaya yung President?

Tinignan ko ang aking relo at nagulat ako, late na pala. Ilang oras din ang itinagal sa page-enroll at nuong natapos ang isang bahagi ng pag-proseso ay naisipan kong kumain na dahil ang tiyan ko, kanina ko pa naririnig. Habang nakapila ako sa counter para pumili ng kakanin ko, hindi ko namalayan na may nasagi pala ako kaya nabuhusan siya ng juice na hawak-hawak niya.

"What the?" napapikit ito habang ako naman ay nagmamadaling kumuha ng panyo sa bag ko.

"Pasensiya na po. Hindi po kasi ako tumitingin eh." pagkakuha ko ng paniyo ay pinapahiran ko yng damit nito, bigla siyang ngumiti. Tinignan mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"Hey, okay ka lang? Nabuhusan ka rin ba?" sabi nito na ikinapanatag ng loob ko. Merong lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Who are you ba? Tsaka, kilala mo ba kami?" pasigaw na sabi nito. Nagsisimula ng magkumpulan ang mga tao. Ito ay nakasuot ng high heels tapos hapit na hapit yung damit.

"And bakit nagpapasok ang mga guards ng squaters dito? Look at you! Manang na nga, tanga pa." sabi naman ng babaeng naka pulang lipstick. Sasagot sana ako pero biglang may nagsalita yung unang kumausap sakin.

"Guys, tama na. Hayaan niyo na. Hindi naman ako nabasa talaga oh." lumingon siya sakin at ngumiti. "I want to say sorry for my friends. Ganiyan lang talaga sila kapag hindi nila kilala yung tao. I hope you may forgive them,"

"Okay lang po. Pasensiya na po ulit..." tinignan ko naman yung paligid ko at bigla silang bumalik sa kinaroroonan nila.

Isang babaeng naglalakad ngayon patungo sa diteksiyon namin at tinititigan ko. Wavy ang buhok. Nakasuot siya ng isang floral blouse na may pencil skirt na pinaresan ng 4-inch gold stilettos.

"Miss Havilah! It's nice to see you, Sis," nakipagyakapan naman yung babaeng sinigawan ako. Nakita kong nag-wink sakin ang babae at naghiwalay sa yakap. Ngumiti ito ng may kahulugan habang ang mga kaibigan ng babae naman ay inismiran ako.

"As you see, Havilah, this girl ay binuhusan lang naman si Erin ng juice. Hindi tumitingin sa lugar eh," sabi ng babae na sinabihan ako na taga-squatters.

"Okay. Mind as well, Miss Rain Torres, let's go to the office," hahawakan na sana ako ng humarang naman yung mga kaibigan niya.

"Pero Ms., bakit alam mo pangalan niya?" umayos ng tindig ang babae, tumingin sa akin at pabalik sa nagtanong.

"Well... I just saw one of her sheets in that envelope, so that's why," tinignan ko naman yung envelope ko. Napahanga ako duon. Grabi, ang talas ng mata niya.

"We'll better leave girls. I'm sorry ulit," rinig kong sabi ng babae habang ang mga kaibigan nito ay sumabay sa kaniya.

"Yes, Erin." at umalis nga sila palabas ng canteen. So, Erin pala pangalan non.

Muling bumalik ako sa reyalidad ng humakbang ito paabante. Habang naglalakad si Miss ay nasa likod lamang niya ako habang nakayuko. "Miss Rain Torres, are you a transferee?" tinignan ko ito at tumango.

"Yes po, binigyan ako ng kuya ko ng sulat at sabi niya na maganda raw kung dito po ako magpapatuloy sa pagaaral,"

Pumasok kami sa isang room at ang ganda. Makikita mo sa kaliwang bahagi ay parang oval table na may doseng swivel chairs at sa kanang bahagi naman ay lamesa na nakasulat na "President of the Student Council. "

"Take a seat, Ms. Rain," Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Nakita ko naman si Ms. Havilah na pumunta sa oval table at nagsimulang magpirma ng mga papeles doon. Tinignan ko uli ang likod ng swivel chair at unti-unting nagslow-mo nuong humarap ito sa akin.

"Hi, Princess. Miss me?" tumayo ito at isang mainit na yakap ang binigay ng lalaki sa akin. Habang kayakap ito, may namumuong luha sa aking mata. Kinakamusta ako ni Kuya habang tinatanong kung inihatid ba ako ni Lola. Nagalala din kasi baka magalit ang Lola namin. Hinayaan ko lang siyang magsalita at bumuhos ang mga luha ko. Namiss ko siya sobra.

"Naku, Raizer, alam mong nakasabay niyang kumain si Erin tapos sinigaw-sigawan ng mga kaibigan niya? Mabuti nalang at nandoon ako at naglilibot-libot," napatigil ako sa paggalaw at unti-unting tinignan si Kuya. Si Ms. Havilah naman ay nagpatuloy sa ginagawa nito.

"Ano ba nangyari?" sabi nito na nag-aalala na. Patay.

"Okay naman na iyon, Kuya. Tsaka, baka magkaroon pa ng gulo. Bago palang naman ako dito," tumango ito at may biglang sumagi sa isip ko. "Bat nga pala nandito ka?"

"Because he is the Assistant Executive Director here." ani ni Ms. Havilah habang nakahawak sa dalawa kong balikat sa likod at naramdaman ko yung ulo ni Ms. sa ibabaw ng kanang balikat habang si Kuya na nakangiti ng malapad at nakadekwatro ang upo, pinagsisiklop ang kamay.

Hindi ako makapaniwala. 

The Girl In Black DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon