"Anong ginagawa mo dito?" Ako na ang naunang nagsungit sa kaniya. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na pagalitan ako,  'no!

Nagtaas siya ng isang kilay at narinig kong natawa si Ashriel sa tabi niya. Umani ng iba't ibang reaksyon ang tawa na iyon. 

"Band practice pagkatapos ko mag-enroll. Ikaw ba? Akala ko nagpapahinga ka?" medyo malakas ang boses niya dahil sa tahimik na paligid. 

Hinigit ko ang palapulsuhan niya at lumipat kami sa lugar na wala masyadong tao.

Sumusunod lang si Ashriel na may pagkamangha sa mukhang hindi ko maintindihan. Kahit ganoon ay may sungit pa rin sa mukha. Hindi na yata iyon matatanggal.

"Hindi ko naman sinabi na magpapahinga ako ngayong araw. Break lang sa trabaho." paliwanag ko. Akala ko ay pagagalitan niya ako pero tumango lang siya. 

Oh? That's it? Ayos lang sa kaniya?

I mentally facepalmed myself. Syempre! I'm just his friend! Ano pa ba ang in-expect ko?

Nakita kong sumenyas si Ashriel sa kaniya, nagyayaya nang umalis. Tumingin si Jiro sa akin, "Tapos ka na ba?"

Umiling ako. "Nakapila pa ako."

Binalingan niya si Ashriel at may ibinulong dito. Tumango naman ang medyo mas matangkad na lalaki at may handshake silang ginawa bago umalis. Nanatili si Jiro sa harapan ko.

"May pupuntahan ba dapat kayo?"

"Oo. Susunod ako sa kaniya mamaya. Hintayin na kita matapos."

Heto nanaman siya. Paanong hindi ako aasa sa mga ginagawa niya kung ganito? Hindi naman ako sanay na sobrang atensyon ang binibigay sa akin! Maging si Nigel ay hindi naman ganito!

Naiilang ako sa tingin ng mga tao sa paligid namin, pero nabawasan na kumpara noong mga bago pa lang kaming magkakilala. Nasanay na ako dahil halos araw-araw ko naman siyang kasama at hindi na rin nakakagulat sa iba na magkasama kami.

Nang ako na ay sumama pa si Jiro sa akin na lumapit sa teller. Mahigpit kong hinawakan ang kulay puting envelope na naglalaman ng perang pambayad ko.

Ang tagal pinag-ipunan. Sa isang iglap, mawawala na. 

Binigay ko ang student number ko at pumirma ng iilang mga tinuro sa akin nung teller. Humugot ako ng malalim na hininga, kinukumbinsi ang sarili ko na para naman sa pag-aaral ko ang pera na iyon. Hindi ko dapat panghinayangan.

"Just wait for your student ledger of accounts to be updated in a short while." huling sabi sa akin. Nagpasalamat ako bago lumabas ng finance office, nakasunod sa akin si Jiro.

Tahimik kaming naglakad papunta sa parking lot at pinauna ko na siyang maglakad. May pinindot siyang remote at tumunog ang sasakyan niya sa malapit.

"Sa studio tayo, Trey... Or do you want to go home?" 

Isinuot ko ang seatbelt ko bago sumagot. "Sige. Wala naman akong ibang gagawin."

Hinintay kong magsimula ang engine ng sasakyan pero nagtaka ako nang hindi ito nabubuhay. Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakatitig siya sa akin.

Inayos ko ang buhok ko at inilagay ang mga takas na hibla sa likod ng tainga ko. His stares are making me conscious!

"A-anong problema mo?" pilit kong pagsusungit sa kaniya.

Umiwas na siya ng tingin at hinawakan ang kambyo ng sasakyan, nagsimula nang magmaneho. 

Hindi na yata ako magsasawang panoorin siya tuwing ganito. 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz