"Oh come'n! Stop playing innocent, I have a friend with the same field. Madalas daw kayong makitang magkasama ni Arci! And I've also learned about the arson case you won against her and that you have an on-going case together!" sinundan pa ito ng tawa niya. 

Does she really think I'll do that for her?

"I have a lot of things scheduled today, Fryje. Sa susunod na lang tayo mag-usap." ani ko sakanya bago siya muling tinalikuran.

I don't understand how she can speak ill words and plan things that would hurt her sister. Sa ilang buwan naming pagkikita ay sigurado na akong malayong malayo sa totoong Rebekah ang mga kwento ni Fryje noon tungkol sa kanya. I never even heard her speak ill about her, and yet here she was, trying to bring her sister down.

Binalingan ko ng tingin ang pintuan ng opisina ko kung saan lumabas si Fryje. 

You want to bring her down? I won't let you.

"Ang gagong Trek naman kasi, bakit dito mo 'ko dinala?!" I heard her muttering as I saw her standing in front of my unit. Kamuntikan na akong mangiti kung hindi ko lang narinig ang pangalang binanggit niya.

Ilang lalaki ba ang umaaligid sa kanya?!

"Who's Trek?" tanong ko sa kanya kaya agad siyang napaharap sakin.

"Who's Trek?" ulit kong tanong sa kanya habang binubuksan ang unit ko.

"Late ka na naka-uwi?" pag-iiba niya sa usapan.

Why does she keeps on changing the topic? Sino bang nag-hatid sa kanya dito?

"I just finished some paperworks kaya na late. Ikaw? San ka galing?" tanong ko habang nakasandal sa pader at nakatingin sa kanya.

"Ahmm, may family dinner kasi kami kanina..." I immediately got alerted when I heard her voice trailed off. Agad kong nakita ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

I opened my arms widely, offering her my embrace. Halos mapahinga ako ng malalim dala ng ginahawa ng maramdaman ko siya sa mga braso ko. She was crying so hard as she pushed herself harder into my embrace.

"Shhh, babe. It's okay. I'm here," bulong ko sakanya habang yakap siya ng mahigpit.

Rebekah's a strong girl. That's why it bothered me that she's crying so bad right now.

I carried her towards me room habang nakasubsob parin ang mukha niya sa may dibdib ko. Marahan ko siyang ibinaba sa kama saka humiga rin sa tabi niya. Marahan kong hinahagod ang likuran niya at tahimik lang na nakikinig sa mga hikbi niya.

I wonder what broke her so much.

"I thought you came from a family dinner?" tanong ko sakanya ng mapansing mukha siyang gutom habang kumakain.

"I did," sagot niya bago muling nagsubo.

"But you look so hungry," puna ko sa kanya. Agad akong nagsalin ng tubig nang masamid siya dahil doon.

"Napagalitan kasi ako ni Dad kaya nawalan ako ng gana,"

Her dad.

I want to scold Fryje right then. Ang sabi niya ay laging si Rebekah ang pinapaboran nito, but why does it seems like mas nahihirapan pa ito kaysa sa kapatid na puro reklamo lang ang narinig ko?

"Can I ask why?" tanong ko sakanya.

"Why my dad got mad at me? That's---"

"No. I know you're not yet ready to tell me about that," agad kong putol sa sasabihin niya. 

"I wanted to ask why you chose to come here?" lakas loob kong tanong sa kanya.

She have no idea how happy I was that she chose to come here to take refuge.

"H-hindi ko alam, sabi ko sayo diba? Si Trek nga kasi yung nagdala sakin," pabulong niyang sagot, sinisisi ang kawawang sasakyan.

"Hindi mo alam?" tanong ko pabalik sa kanya habang hawak ko ang baba niya.

"I just wanted to rest. Nakakapagod din palang hindi maging enough," mahina ang pagkakasabi niya niyon but the tears that immediately gathered below her eyes shows how much she was struggling all this time.

Napahinga ako ng malalim bago magaang hinaplos ang pisngi niya kasabay ng pagtutuyo ko ng luhang hindi niya napigilan sa pagpatak.

"Then keep doing so. I want you to come to me, Rebekah. Pag pagod ka na puntahan mo ko, kung hindi mo na kaya, tawagan mo ko. Ako ang pupunta sayo," her eyes were closed as I said those words. 

"Rebekah?" tawag ko sakanya. I wanted to see her eyes. I wanted her to look at me. I wanted her to see how serious I am about this.

"When you're tired you come to me, okay?" ulit ko sakanya nang tuluyan na siyang dumilat. She stared at me for a while before a smile appeared on her lips and she finally nodded.

Good. I'll make sure you do.



Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now