"Edi maglipat ka ng HUMSS tapos tanungin mo sila."

"Any problem, Malasanas sisters?"

Gulat naman kaming napatingin sa Mama ni Luna. Pati silang lahat nakatingin sa amin.

'Huwag niyo na ho kaming tawagin na Malasanas, pag ikaw po tumatawag mas na rerealize ko kung gaano kapangit apelyido namin.'

"Si ate po kasi gustong makitira dito." bigla kong nasabi.

Nagkatinginan silang mag-ina at medyo natawa naman ang mga kasama namin.

'B-bakit? Masama ba mag-approach?'

"Ako pa talaga dinamay mo? Wow ah! So hindi ka rin makikitura?" bulong ni ate sa akin.

"Syempre makikitira rin, ikaw lang ginamit ko para may silbi ka rin."

"Gaga--!"

"I want to Ms. Malasanas but then palaging wala tong laman ang bahay namin, because we just use this for Medical Purposes, just like this. Sorry."

Bigla naman kaming napayuko ni ate dahil sa kahihiyan namin.

'Sabihin mo lang kung ayaw mong magpatira, damot! Choz.'

"S-sige po, maghahanap na lang po kami ng matitirahan. Salamat po." sabi ni ate. "Tara na." bulong niya sa akin at aalis na sana kami ng..

"Y-you can s-stay to us i-if you want." biglang offer ni Jacob.

Napalitan bigla ng malungkot na ekspresiyon ng mukha ko into masayang ekspresiyon at tiningnan siya ng may abot-tengang ngiti.

Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi niya at pag-iwas ng tingin sa akin.

"Talaga??" nakangiting tanong ko sa kaniya.

"M-mmm.." nakatangong sagot niya habang nakatingin sa gilid niya.

"~Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.~" kanta ng kuya niya.

'Anong ibabalik?'

Pumayag naman si Ate so pumayag na rin ako. Magpapaka-choosy pa ba kami? Kukunin na lang daw namin ang damit namin sa bahay namin. At yung kotse nila, andun sa crime scene naiwan, so maglalakad kami papunta doon.

Nalaman na rin ng mga pulis ang nangyari at pinag-eembistigahan na ang nangyari sa amin at gustong kumidnap sa amin.

Isa-isa ng silang nagsilabasan maliban sa akin dahil may meryenda pang naiwan sa mesa, gutom ako eh.

Aalisa na sana ako ng tinawag ako ng mama ni Luna.

"Yesh pwoh?" sagot ko habang ngumunguya ng cookies.

"You look familiar."

"Hah? B-bakit po?"

"I think I saw you somewhere.."

"Hala di po ako nang-akyat ng bahay niyo! Hindi ko nga alam na may ganito kayong bahay--"

"N-no, that's not what I meant. HAHAHAH. It's just that... Ah! Nevermind, that was 12 years ago."

'12 years ago? Close ba kami neto 12 years ago?'

Nagpaalam na ako sa kanya at umalis na sa bahay nila.

>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Andito na kami ngayon sa labas ng bahay nina Jacob at hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang.. Andito na ako dati?

"You okay?" tanong sa akin ni Jacob.

Keeps Forgetting Memory(ON - GOING) Where stories live. Discover now