"Ahh this?" turo niya sa ulo niya.
'Syempre! Asan ba ang ulo sa iyo?! Gago!'
"O-oo."
Binigyan niya lang akong ngiti at tinuro ang mga kasama namin na walang malay dahilan para mapatingin ako sa kanila--
'Putangina, ba't wala nang mga sugat 'to?'
Tiningnan ko rin ang sarili ko at wala na ring ka galos-galos maski isa sa katawan ko.
Taka kong tiningnan si Luna pero nakangiti parin siya dahilan para mas lalo akong magtaka.
"L-luna, kinidnap tayo diba?" paninigurado ko.
"Y-yes.."
"Binunggo ka?"
"Y-yes."
"Eh bakit parang okay na ang lahat? Anong nangyari, may power ka?! Sino ang may gawa nito--"
"Ako."
Taka akong napatingin sa hagdanan kasi mukhang dun nanggaling ang boses at bumungad sa akin ang isang babaeng matangkad, napakaputi, walang ka make-up make-up pero napakaganda pa rin at nakasuot ng lab gown.
"Ako Miss Malasanas, why?" tanong ng babaeng iyon.
"Hi mom!" bati ni Luna sa babae at tsaka niyakap ito.
'Eto mama niya? Ulit-ulit Jayn?!'
"I-ikaw po? P-pero paano po?"
"I know you're curious but then I can't give you any detail to that, but let me give you a hint. I invented a drug and a call it as "A.G 52" and that drug heal you." nakangiti niyang pag-explain.
'Drug? Ginagago ba kami neto? Eh parang gusto niya ata kaming gawing adik eh?!--'
"It's not an illegal drug, Jayn. It's not what you think."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinaba niya.
"It's an invented drug as I say to you, pero wala siya halong any ingredients na kasali sa masasamang drugs. Well it's not legal yet but It's side effects is not illegal because it's already tested and proven."
'Tested and proven?'
"K-kanino po?"
"Sa inyo." nakangiti niyang sagot at pagtataka naman ang sinukli ko sa kaniya.
'Ano ang side effects niya kung ganon? Lalapitan kami ng kamatayan, ganon ba iyon?'
Inexplain sa akin ng mama ni Luna kung bakit kami napunta sa kaniya. May tumawag daw kasi sa kaniya at sinabing may sorpresa sa labas ng bahay niya, pagkabukas niya ng pintuan nakahiga na kaming lahat.
'Pero ang pinagtataka ko kung bakit andun na kaming lahat? Ano? Inisa-isa kaming buhatin nung babae? Edi siya na strong!'
Nagising na silang lahat at paalis na kami kasi hinahanap na daw sila ng mga magulang nila, well except sa amin ni Ate, wala kaming magulang eh, hehe.
Mukha kaming kawawang bata dito ni Ate na nakayuko at nagpapasahan kung sino ang kakausap sa Mama ni Luna nga dito muna mag s-stay.
"Ate ikaw na makiusap." bulong ko sa kaniya
"Ba't ako? Eh mas nakausap mo 'yan kanina. Ako pa pinapasahan mo?" bulong niya.
"Mas magaling ka manghikayat ate. Ako kasi pa cute lang ang ang kaya kong gawin."
"WALA KANG KAYANG GAWIN, kasi pati pagpapacute mukha kang tae."
"Gaga! Ikaw na kasi. HUMSS kinuha mo dati eh, STEM ako, so mas magaling ka makipag socialize."
YOU ARE READING
Keeps Forgetting Memory(ON - GOING)
General FictionEverybody wants to have a peaceful school life. Assignments, projects, crush, papel, etc., iyan lang ang poproblemahan mo. Pero paano kung isang araw may gusto palang pumatay sa iyo? That's how the 17-year old girl, Jayn Malasanas experienced. Wha...
CHAPTER 8
Start from the beginning
