He pinched my nose after that. Mas lalo akong napanguso dahil doon.

Kahit kailan talaga, mas inuuna ang magiging kapakanan ko kaysa sa kanya. I swear, I didn't wish for a friend that is like him. Hindi ko hiniling na ganito ang kanyang dapat na katangian.

He's selfless. Inuuna ang kaibigan na dapat sana ay hindi naman niya responsibilidad.

"Favor ulit," dugtong ko pa sa kanya. Tumango ito bilang pagpapahintulot sa akin.

Ilang pabor na ba ang nahingi ko sa kanya? Tapos lahat ng iyon ay hindi naman siya tumanggi.

"Sure, as long as it's for you."

Umusog ako ng kaunti. Nanatili iyong kanyang tingin lang sa akin.

The look that he's always giving me when having a serious talk. Sa ganitong paraan lang minsan nakikita ang ganitong itsura niya.

"Don't try saving me again, Jake," he managed to move his body. Napalayo ito ng kaunti na tila hindi makapaniwala sa naging pabor ko sa kanya.

Lumuwag ang pagkakahawak ko dahil sa munting paglayo niya. His expression says that he is not expecting coming it from me.

Maski ako, na alam kong makakagawa ng kaunting pagkabigla iyon sa kanya ay nagawa ko paring sabihin.

He played his role to me as his friend. Pero itong ginagawa niya ay minsan, naiisip kong sobra sobra na kahit alam kong ginagawa lang naman niya ang gusto niya para sa akin. That he's just letting me feel his generosity. Pinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanyang buhay.

"You know I can't do that. Importante ka sa akin kaya bakit ko naman gagawin ang gusto mo?" napatawa ito ng pilit. His fake smile. Patunay lang na hindi nga niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Jake, hindi naman sa hindi kita pinapahintulutan. You've done enough for me. Saka, okay lang naman sa akin na paminsan-minsan mo akong tulungan pero iyong hindi naman dapat ganito kalaki."

Lumikha ng tunog ang kanyang daliring pinapagalaw sa mesa. He avoided his gaze and went staring at the water. Iyong mukha ko ay parang nagmamakaawa na sa kanya.

"I won't do that. I'll save you as I can."

I breathed hard again. Mukhang tila walang patutunguhan itong pagmamakaawa ko sa kanya.

"Please, Jake? Ayokong may maubos pa sa'yo sa susunod na tulungan mo ako-"

"As if I care? Wala akong pakialam kung may maubos sa akin pagdating sa'yo. You're part of my life now, Phoebe."

Right. How can I convince him? Paano ko nga ba siya mapapayag kung sa isang pangungusap lang, nagiging ganito na ang usapan namin?

Mas lalo lang akong nahihiya sa kanyang ginagawa. He doesn't care at all. As long as he's doing what's right for him, he will do it.

"But at least, try not saving me again when it comes between me and Alonzo. Ayoko naman kasing sabihin mo na dumedepende ako sa'yo pagdating sa amin. You know that I can do for the both of us," pagsasabi ko pa. Doon lang bumalik ang kanyang tingin sa akin ulit.

He supported my relationship with him. At ni minsan, hindi ako nakarinig ng pagrereklamo sa kanya tuwing ako na mismo ang nawawalan na rin ng oras sa kanya.

He knows where to place himself. Alam kung saan ilulugar ang sarili. At bilang kaibigan niya, tingin ko ay mas mainam iyong hindi rin kami nawawalan ng oras sa isa't isa.

Nagawa niyang pakalmahin ang sarili. "All right. This is just my gift. Don't react on it. Simpleng bagay lang naman ito sa akin," ngumiti na ako. Hindi ko alam kung ano ba ang nag-udyok sa kanya na mapapayag kaagad.

But at least, this will be the last. Ayokong palaging ganito ang nangyayari.

"Thanks, Jake. You're the best," I said.

Dumating na iyong babae at saka lang kami napatayo. He's the one who signed something before confirming again the said date.

Pagkatapos niyon ay bumalik na kami sa sasakyan niya. He chose to fetch me earlier in the morning at our house kaya hindi ko rin dala ang sasakyan. Siya rin naman ang maghahatid sa akin.

Moments later, my phone rang. Napaigtad ako habang nagmamaneho na si Jacob at napatingin na rin kaagad sa akin.

It was Alonzo. I immediately answered his call.

"Hey. Where are you?" his soft tone answered me. Saglit akong napatingin ulit kay Jacob na nasa daanan na ang tingin.

"I'm with Jacob. Hindi ko nadala ang sasakyan kaya ihahatid niya ako," sagot ko rito.

"Can we meet? It's my cousin's party later so I thought of inviting you. Are you free?"

"Don't you have important things to do? Baka naman may mga gagawin ka tapos..." I heard his chuckles. Parang matagal na rin bago ko narinig iyon mula sa kanya.

"No. I also need to give myself a rest. Hindi rin naman ako sasama kung hindi ka pwede."

"Uh, no, we'll go. Hindi rin naman siguro tayo magtatagal?"

"Sure. May class pa naman ako kinabukasan kaya hindi naman tayo magpapaumaga roon," I nodded as if he can see me.

"Okay. I'll just fix myself first. Ano bang dapat suotin?" for months, I already met his cousins. Hindi naman ako nakaramdam ng ilang dahil mga approachable silang lahat sa akin.

Saka mga mababait naman. Ayoko namang wala siya doon sa party dahil lang sa hindi ako pwede.

"Anything comfortable. You can wear anything you like. Hanggang 11 pm lang tayo doon."

"Okay, then. See you when I see you?" he laughed again.

"Okay. I love you. Take care, okay?" I cleared my throat.

"Sure. I love you too," awtomatikong napatingin ako ulit kay Jacob, inaabangan ang kanyang reaksyon.

Hindi naman kasi ako sanay na naririnig niya akong sinasabi ang ganoon kay Alonzo lalo pa't dalawa lang kami. It feels awkward for me.

I ended the call.

"Alonzo?" tumango ako saka isinilid ang phone sa bag.

"It's his cousin's party later. Bibihis lang ako sa bahay tapos pupuntahan siya," sabi ko.

Kaunting katahimikan ang namutawi. Well, I am not expecting from him to say anything. Para kasing nag-iisip siya ng pwedeng isabi sa akin.

"Is that so? Pwede kitang hintayin para ihatid. Wala naman akong gagawin sa bahay," my face immediately protested.

"Sigurado ka? Baka matagalan ka at mainip kakahintay sa akin?" natawa ito.

Noong prom kasi namin, naalala kong natagalan ito kakahintay sa akin dahil lang sa paghahanda ko. Na-late na kami sa program pero papasakay pa lang kami ng sasakyan dati.

Hindi ko nga alam kung nawalan ba siya ng pasensya kakahintay sa akin dati o ano. I never confronted him about that anymore. Nahihiya kasi akong itanong sa kanya.

"Nah. I patiently waited for you on our highschool days. Kaya bakit hanggang ngayon, maiinip ako kakahintay sa'yo?"

Well, he's my friend.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu