"No-"

"Yes, Miss. I was just wondering if we can rent the whole place? Tapos palagyan din namin sana ng decorations if that's okay?" before I can disagree, he did his best to answer first. Mas hindi ako nakasingit kaagad dahil mas nangibabaw ang kalakasan talaga ng kanyang boses.

Hindi ko alam na ganito talaga kung mamulubi sa isang katulad ko ang isang 'to. I have enough money but I can't spend mostly of it for renting this place!

Malaki ang babayarin ko rito! Matinding pag-iipon na naman ang gagawin ko.

"Uh, Miss, we won't-"

"And please, serve your best sellers. From appetizer up to dessert. Good for two, okay?" napakagat ako sa labi dahil sa dire-diretso niyang pagsalita.

The woman listed all the reminders that Jacob told her. Mas lalo akong hindi nagkaroon ng tyansang makapagsalita dahil mukhang balak niyang hindi nga ako pagsalitain dito.

"Is that all, Sir? Confirm ko na po ang reservation niyo. What date po ba?" that's the time where he looked at me. Nakapamulsa itong hinarap ako habang tahimik naman akong tumingin doon sa babae.

I sighed deeply before telling her the date. Umalis ito saglit upang makapag-total na ng mga babayarin.

Jacob sat near the railings. Naupo rin ako sa katapat niya habang mapanuring tinitignan ito.

"Why did you rented the whole place? Monthsary namin ni Alonzo, ah?" doon lang ako nakapagbuhos ng pwedeng sabihin.

He looked at me again.

"Why? You asked for my help and then I helped you. What's the problem?" humugot ako ng malalim na hininga.

Siguro kung sa kanila ng girlfriend niya ay ayos iyong buong lugar ang kanyang rentahan. But for me, it's not a good idea!

"Jake, you know how much I will spend just by renting this. Hindi naman ako kuripot pero kasi, I still need to finance all my needs. Alam mo namang hindi ako umaasa kay Mama, hindi ba?" I calmly said.

Alam na alam niya kung paano naman ako kumikita ng pera. I need to not spend all of my money for this! Dahil sa kagustuhan ko lang namang magawan ng sorpresa si Alonzo. Iyong simple lang naman ang hinahanap ko pero heto ang kanyang napili pa.

"Sinong nagsabing ikaw ang magbabayad? I will pay for those I demanded them to do," he smiled. Nagulat ako sa kanyang sinabi. "Take that as my gift for you and Alonzo. Para mas tumagal pa kayo habang ako ang kaibigan mo."

That was totally surprising. Hindi ko aakalaing magiging ganito kabait at kagalante si Jacob pagdating sa ganitong bagay.

I never asked him to pay for this, to spend his money just for his friend's monthsary together with his boyfriend.

Ako ang nagsabing babayaran ko siya sa kanyang naging tulong sa akin pero hindi naman iyong siya pa ang magbabayad. This is too much.

I reached for his hand. Mas lalo akong hindi makapagsalita sa kanyang ginawa.

Alam kong kaya niyang gawin ang lahat. He can do everything he want. Tapos ngayong ako ang nanghingi ng kanyang tulong, siya rin ang sasagot sa lahat ng gastusin?

"Jake, you don't need to do this. Sige ka, baka mahiya ako sa'yo niyan tapos mailang na ako," I softly said. Hindi nito nagawang ialis ang kanyang kamay na hinahawakan ko.

"Silly. Maliit na bagay. I want you to be happy. Ayoko naman kasing mauwi sa wala ang pinaghirapan mo. I want your monthsary to be successful... kahit na magiging saksi lang ako."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now