CHAPTER 8

91 2 0
                                    

Umuwi si zinnia kasama ang anak sa bahay nila, ngunit tanging magulo na bahay ang inabutan niya at wala nang bakas ni lawrence, pero iniwan nito ang pirmadong annulment paper at isang maliit na papel.

"give this to laurene kapag tapos mo nang pirmahan" -lawrence

muli na namang nadurog ang puso niya at pasalampak na napaupo sa malamig na sahig.

Hindi niya lubos maisip na sa kabila ng lahat ng hirap na natamo niya ay si lawrence pa ang may ganang mapagod sa kanya, na dapat siya ang makaramdam nun at siya ang may karapatang bumitaw pero bakit?? ganun na lang ba siya nito kinamumuhian at harap harapang sabihin na hindi siya nito mahal?

Tumayo si zinnia at bitbit ang anak ay nilakasan niyang puntahan si lawrence sa paborito nitong bar Dahil alam niyang naroon ito. suot nanaman niya ang mga damit na nag papamukha sa kanyang losyang.

muntikan na siyang hindi papasukin sa loob pero nung nag umpisa nanaman siyang umiyak at binanggit ang pangalan ni lawrence ay agad din naman siyang pinapasok.

Pinag titinginan siya ng bawat madaraanan niya, hindi siguro maisip ng mga nakakakita sa kanya kung bakit naroon siya kasama pa ang anak niya.

Ipinagtanong niya sa isang waitress kung saan ang kinaroonan ni lawrence na agad naman siyang itinuro kung saan.

"anong ginagawa mo dito?!"  pasigaw na turan ni lawrence Kasabay ng pag tayo ni mula sa kinauupuan.

Nag umoisa nanamang umiyak si zinnia dahil kitang kita niya na nakapatong ang isang babae sa kandungan ni lawrence pero nilakasan niya pa din ang loob niya at walang salitang inilapag si peony sa lamesang may mga bote ng alak. Nag umpisa na din na mang umiyak si peony pero tiniis ni zinnia na wag itong pansinin.

"umuwi ka! dalhin mo yung anak mo!" bulyaw ni zinnia kay lawrence saka niya ito tinalikuran at lumabas na ng bar para umuwi.

Yun lang ang kabaliwan na naisip ni zinnia para umuwi si lawrence. At alam niyang uuwi ito kasama ang anak.

-----------

Nag mamaneho si lawrence habang kandong ang anak. Alam niyang delikado ito pero kailangan dahil wala naman siyang upuan para sa baby.

Makapasok si lawrence ay agad niyang binuksan ang kwarto ng asawa. Naka upo ito at naka tanaw mula sa bintana. Nilapitan niya ito at inabot niya si peony dito.

"nasisiraan ka na ba? nag iisip ka ba? bakit mo dinala yung bata doon sa bar?!" sigaw ni lawrence.

"gusto ko lang na umuwi ka." umiiyak pero mahinahon na turan ni zinnia.

"im done with you zinnia, di mo ba maintindihan?! ayaw mo bang maging malaya mula sa akin?!!! kasi ako gusto ko!!!!" sigaw nito.

umiiyak man ng anak ay nagawa pa din ni zinnia na mapatahan ito at ihiga sa kuna saka niya muli hinarap si lawrence.

"nasasaktan din ako, pero di ako sumuko. Bakit ikaw? ang bilis mo akong sukuan? pagod ka na bang saktan ako?" tanong ni zinnia.

"kailngan kobpa bang ulitin na ayoko na?!! ayoko na zinnia!!! ayoko na!!! ayoko na!!!" buong lakas na sigaw nito.

Nilapitan siya ni zinnia at humahagulhol na inabot ang dalawang kamay ni lawrence saka kusa niya itong sinampal ng paulit ulit sa mukha niya.

"hurt me more lawrence. Im begging you to hurt me more kung yan lang ang ang mag papanatili sayo sa amin. kung kailngan mo akong bugbugin ng paulit ulit tatanggapin ko, kung kailngan mo akong sampalin, sabunutan o sigawan tatanggapin ko. Kung kailangan mong makita na na naliligo ako sa dugo gagawin ko. Lahat gagawin ko mag stay ka lang lawrence"

ZINNIA: The Battered Wife [on going]Where stories live. Discover now