CHAPTER 2

89 1 0
                                    

"Ano ba ang nangyare sa pamangkin ko?"

takang tanong ni laurene kay zinnia na ngayon Ay hinihele ang anak sa kandungan. Nakauwi na din sila mula sa hospital at hindi natuloy ang balak niyang pag alis. Gustuhin niya man ay di niya magawa dahil na din sa pag asang namumuo sa puso niya na mag babago ang asawa at tatanggapin sila ng anak niya.

"nahirapang huminga" sImpleng tugon niya.

"till now pinapabayaan pa din kayo ng lawrence na yun?!! gosh zinn!!! you can leave him anytime you want!! para matauhan yang si lawrence" panenermon sa kanya ni laurene.

naging matalik niya na ding kaibigan ang kakambal ng asawa. Bukod sa may mabuti itong kalooban, ito na din ang naging takbuhan niya at malalapitan sa tuwing may pinoproblema siya.

"alam mong hindi ko kaya, tatay siya ni peony. Alam kong mag babago din siya" sabi ni zinnia.

"nasan na naman ba yun? nambababae pa din ba?" tanong ulit ni laurene.

"oo, gaya ng nakasanayan niya." simpleng turan naman niya.

"bakit kasi ang bait bait mo? labanan mo siya o kaya mag sumbong ka sa parents mo or kina mom and dad. Hindi yung ganyan. Look at you, sa sobrang pag papabaya ni lawrence sayo daig mo pa ang may inaalagaang anak na sampu" panenermon ulit nito.

nag kibit balikat na lang siya at tinuon nng sarili sa mahimbing na tulog ng anak. Laurene is right, napabayaan niya na ang sarili dahil sa pagiging may bahay niya. Yung dating magagandang katangian ng katawan niya ay napabayaan niya na. Hindi na siya ang zinnia na may magandang katawan dahil sobra na siyang nangayayat, yung makikinis niya noong balat ay halos pasa at peklat ang naka marka dahil sa pang aabuso ng asawa. Ang dating mapang akit niyang mukha ay wala na rin dahil napalitan ito ng maiitim na eyebags. Losyang na kung tawagin ang isang zinnia ngayon. Kung ididikit nga siya sa mga kasing edad niya ay baka pagkamalan na siyang tiyahin ng mga ito.

----------

"pare hindi mo ba mahal ang mag ina mo?" tanong ng kaibigan ni lawrence.

Nasa VIP ulit sila kasama nanaman ang tag isa nilang babae.
Napalagok si lawrence ng alak bago niya sagutin ang mga tanong ng kaibigan.

"hindi sila sa akin. kaya bakit ko naman sila mamahalin?" kunot noo nitong sagot.

"biniyayaan ka ng magandang anak at asawa. kung ako nun magiging greatful ako to have them."

"you know what pare, shut your mouth. Oo kasal kami pero di ko siya asawa at lalong hindi ko anak yung anak ng gagong ace na yun"

"chill man. Nag iinit na naman ang ulo mo. But, speaking of ace. Balita ko naka pangasawa na daw ng modelo sa canada."

"well i don't care. sinira niya yung buhay ko. Sinira nilang lahat" sabi nito at saka nahiga sa couch.

Graduation ng matalik niyang kaibigan noon Kaya nag pa house party ito kasama ang mga close friends and classmate niya. He's already 25 that time at CEO na ng kanilang kumpanya na minana sa daddy niya. that day ay marami siyang nakilalang mga bagong mukha na kalaunan ay mga nakasundo niya. Sa gitna ng pagsasaya nila ay may dumating na dalawang tao, it was Zinnia and ace na classmate ng kaibigan niya. Zinnia is wearing a cream spaghetti fitted dress at naka heels ng black. He found it beautiful and attractive pero sinawalang bahala niya lang iyon at hindi na niya pinansin dahil kasama nito si ace na alam niyang nobyo nito dahil sa closeness ng dalawa.

-----

"hoy pare!! salita ako ng salita di ka pala nakikinig" maktol ng kaibigan niya.

"sorry, may iniisip lang" tugon niya naman

ZINNIA: The Battered Wife [on going]Where stories live. Discover now