CHAPTER 1

138 3 9
                                    

Nag kukumahog na sinalubong ni zinnia ang asawa galing sa trabaho nito. Kahit karga karga niya ang siyam na buwan na anak na si peony ay hindi ito naging hadlang para asikasuhin ang pagod na asawa. hindi naman maipinta ang mukha ni lawrence at halata ang pag kairita sa mukha nito.

"pinaghanda kita ng hapunan, kumain ka na muna bago ka mag pahinga"

mahinahon at nakangiti si zinnia sa asawa ngunit tinapunan lang siya nito ng masamang tingin At walang sabing tinahak ang daan paakyat sa kwarto nito.

Lumungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha pero pinilit niya pa din na ngumiti dahil na din siguro sa mumunting bungisngis ng kanyang anak kaya nagagawa niya pa ring ngumiti.

Matapos ang ilang minutong pagaayos ni lawrence ng susuotin ay bumaba na siyang muli at gaya ng kinagawian ay lumabas ito ng bahay at binuhay ang makina ng sasakyan Saka nito pinaharurot ang sasakyan papalayo sa bulto ni zinnia na ngayon ay naka tayo na sa labas ng bahay.

Nag kukumahog kasi itong tumakbo palabas ng bahay ng marinig niya ang mga yapak ng asawa, Marahil pupunta na naman ito sa paborito niyang bar at uuwi na naman ng madaling araw.

Sanay na siya sa ganung gawain ni lawrence. Uuwi galing opisina at aalis din agad para mag punta sa bar, uuwi ng madaling araw na amoy alak at kung minsan naman ay lasing na lasing. Hindi niya tuloy maiwasan ang mag alala gabi gabi na dahilan na din ng pagka kulang niya sa tulog. bukod sa nag aaruga siya ng anak nila ay inaalala niya din ang asawa lalo na at delikado mag maneho ng nakainom.

"tayong dalawa ulit anak, wala ang daddy eh. Palagi na lang" pag kausap niya kay peony.

---------

Deretso ang lakad ni lawrence Paakyat sa VIP room ng marating niya ang bar na paborito niyang tamabayan, simula noong binata pa siya ay ito na ang lagi niyang takbuhan. ayaw niya kasi sa bahay niya dahil hindi niya kayang makita si zinnia at ang anak nito. Oo anak lang ni zinnia at hindi niya anak, pilit niyang tinatanggi na anak niya ito dahil simula ng nalaman niyang buntis si zinnia ay nag kanda letche letche na siya at siya pa ang itinuro na ama kaya naman ipinakasal sila ng mga magulang kahit labag sa loob niya.

Hindi nobya ni lawrence si zinnia Noon. Nag kataon lang na mayroong house party ang kaibigan niya na dating classmate ni zinnia noong college at naimbitahan siya. Doon niya din unang beses nakita si zinnia kasama pa nito ang dating nobyo na si ace dominguez. at doon din naganap ang pangyayareng bumago ng buhay niya, nagising siya sa isang kwarto na katabi si zinnia at hindi ang nobya niya. Pero itinatanggi niya pa din ang lahat ng iyon pati na din noong mag buntis si zinnia ay sinasabi niyang anak iyon ni ace at hindi sa kanya kaya ganun na lang din ang agwat ng loob niya sa bata mag pa hanggang ngayon.

"lawrence!!!"

bati ng kaibigan niya na nasa VIP na din. Kasama nito ang dalawang babaeng nakaupo sa magkabila nitong gilid.

Umupo siya sa kaharap na couch at agad namang lumipat ang isang babae sa kandungan niya.

"hi sweetie boy"

malagkit at mapang akit na bati sa kanya ng babaeng bayaran. Nginisian Niya lang ito at saglit lang na tinapynan ng tingin.

hindi siya yung tipo ng lalaki na mag stick sa iisang babaeng nakaka salamuha niya sa club. gabi gabi ay iba iba ang babae niya, yung iba dito ay nagiging girlfriend niya ng ilang araw lang at kinakama niya pa sa mismong bahay nila ni zinnia at pag tapos noon ay saka niya na hihiwalayan ang ka naig nito at titikim nanaman ng bago.

--------

Madaling araw ay gising pa din si zinnia. Gusto niya mang mag pahinga ay hindi niya magawa dahil sa matinding pag aalala sa asawa. Pagod na nga siya sa gawaing bahay at pag aalaga sa anak, pati din sa pag iisip sa asawa ay di niya pa din magawang ipahinga.

ZINNIA: The Battered Wife [on going]Where stories live. Discover now