PROLOGUE

2 0 0
                                        

Sunod-sunod na pagsabog ang maririnig kasabay ng mga daing ng mga mamamayan ng Elionor habang patuloy silang pinapahirapan ng mga kalaban galing sa Polbre. Mausok ang paligid at makikita ang mga nasusunog na tirahan, katabi ng mga ito ang mga bangkay ng mga napaslang. Sa pagkakataong ito, dahan-dahan nang napapasailalim ng maiitim na ulap ng Polbre and Elionor.

"Sumuko ka na, Smither. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo pati na rin ang mga nasasakupan mo kung hindi ka pa titigil." Nanunuyang sambit ni Serent habang patuloy na pinapahirapan ang pinuno ng mga puting mahikero o ng mga Eliona.

"H-hanggang b-buhay pa ako at m-may kapangyarihan, h-hindi ako p-papayag na mapunta s-sayo ang E-elionor." Kahit nahihirapan ay pinipilit pa rin ni Smither na labanan ang mahika na gamit ni Serent.

"Kung ganoon ay hindi na rin pala ako mahihirapan. Tatapusin na kita ngayon din." Sabi ni Serent at saka mas lalo pang pinahirapan ang pinuno ng mga Eliona. 

Wala nang nagawa pa si Smither. Nawawalan na siya ng pag-asa, maging ng hininga. Dahan-dahan na siyang bumibitaw at nasisiguro niyang nalalapit na ang kaniyang katapusan. Nang biglang may pag-atakeng nanggaling sa likod ni Serent na siyang nagdulot upang tumilapon siya sa di kalayuan.

"Headmaster!" Sigaw ng mga tapat na estudyante na siyang umatake kay Serent.

"Headmaster, kaya niyo pa po bang tumayo?" Tanong ng isa sa mga ito habang inaalalayan ang pinuno.

"Kailangan na nating tumakas. Hindi rin magtatagal ay babalik si Serent pati na rin ang pitong hari. Kailangan na nating tumakas." Utos namn ng isa kaya sama-sama na nilang tinulungang makatayo ang kanilang pinuno.

Kahit hirap dahil sa mga pinsalang natamo nila mula sa pakikipaglaban, pinilit nilang makahanap ng pansamantalang mapagtataguan upang mailayo sa pahamak ang Headmaster nila. Nakahanap sila ng silong na maaaring pasukan at pagpahingahan.

"Ano nang gagawin natin?" Mahinang tanong ng isa. Lahat sila ay pagod na dahil ilang araw na rin silang nakikipaglaban. Maraming sugat na ang bumabalot sa kanilang katawan at gusto na lang nila itong matapos.

"Hindi tayo pwedeng tumigil. Hindi maaaring mapasakamay ng mga Polbro ang Elionor. Hindi nila maaaring makuha ang puting mahika." Mahinang sagot ng isa. 

Ngunit hindi nila alam kung hanggang kailan pa nila kakayanin ang kanilang sitwasyon. Marami nang namatay, marami na ang nabihag ng mga itim na mahikero. Wala na silang aasahan para sa proteksyon dahil kahit ang inaasahan nilang pinuno ay dahan-dahan na ring bumibitaw.

"D-dreigon." Nahihirapang tawag ng kanilang pinuno sa isa sa kanila.

"Headmaster." Sagot ng isa at saka lumapit sa sugatang pinuno upang marinig ang sasabihin nito.

"M-may iuutos ako s-sa i-inyo." Sambit nito. Naghintay naman ang apat na estudyante sa iuutos ng pinuno. "K-kailangan n-ninyong umalis dito sa Elionor at hanapin a-ang tagapagligtas." 

"Hanapin ang tagapagligtas? Saan naman po namin hahanapin ang tagapagligtas na sinasabi ninyo? At bakit kami aalis ng Elionor?" Tanong ni Dreigon sa pinuno.

"Wag ka n-ng magtanong at sundin mo na lang ang inuutos ko." Sabi ni Smither at saka dumukot sa tagong bulsa ng kaniyang roba. "K-kunin niyo ito at pakaingatan. Kailangan niyo itong madala sa t-tagapagligtas." Nilagay nito sa palad ni Dreigon ang isang kwintas na gawa sa mga dahon at mayroong puting bato na palawit. "N-naaalala niyo pa ba iyong silid na h-hindi ko kayo p-pinapayagang p-pumasok? Iyon a-ang g-gagamitin ninyong lagusan patungo s-sa tagapagligtas."

"At saan naman po kami dadalhin ng lagusang iyon?" Tanong ng isa.

"A-ang k-kwintas na iyan ang magtatakda ng i-inyong destinasyon k-kaya pakaingatan niyo iyan." Sambit ng pinuno at saka sunod-sunod na umubo. "B-bilisan n-ninyo at humayo. W-wala na tayong o-oras."

"P-paano kayo?" Alangang tanong nila sa nanghihinang pinuno.

"I-iwan niyo na a-ako. U-umalis n-na kayo, palapit na s-sila."

"P-pero-"

"Umalis na k-kayo. N-nakasalalay sa inyo ang kinabukasan ng Elionor." Madiing sabi nito kahit nanghihina na. 

Nagkatinginan naman ang apat na estudyante at sinukat kung ano ba ang dapat nilang gawin. Sa huli ay napagpasyahan nilang gawin na ang utos ng pinuno.

"Headmaster, babalik kami kasama ang kung sino mang tagapagligtas na ito. Pangako." Paalam ni Dreigon sa pinuno bago sila umalis mula sa silong. 

Ilang beses pa nilang kailangang magtago upang hindi na nila kailanganin pang lumaban dahil hindi na rin nila kakayanin. Hanggang sa wakas ay makarating na rin sila sa nawasak nang paaralan. Mabuti na lamang ay may mga parte pang kahit papaano ay maaari nilang daanan. Dahan-dahan silang nagtungo sa silid kung saan pinagbawalan silang pumasok noon. Nang makarating sila roon ay nagtinginan muna sila at sinigurong walang kalaban sa paligid saka binuksan ang pinto nang silid. Nang mabuksan ay halos mabulag sila sa liwanag na bumulaga sa kanila at ang tila malakas na puwersang humihila sa kanila patungo sa liwanag.

"Dreigon, ang kwintas!" Sigaw ng isa. Dinukot ni Dreigon ang kwintas mula sa kaniyang bulsa at nang mailabas niya ito, lumakas nang lumakas pa ang puwersa hanggang sa tuluyan na sila nitong higupin. Kasabay ng paglalaho nila ay ang pagsara ng pinto ng silid na iyon.

***

Samantala, sa mundo ng mga tao, maririnig ang pag-iyak ng isang sanggol na kalalabas pa lang mula sa sinapupunan ng ina. Habang nagpakita ng senyales ng buhay ang sanggol ay ang pagkamatay naman ng ina nito.

"Time of death, 12:04 AM." Deklara ng doktor na tinutukoy ay ang inang hindi na kinaya ang pangangak. 

"Gender of the baby, its a girl." Sabi naman ng nars na siyang may hawak ng umiiyak na sanggol.

At sa mga oras na iyon, itinakda na ang kahihinatnan ng sanlibutan.

ELIONORStories to obsess over. Discover now