Chapter 2: Pov of muji ( Kai )

23 2 0
                                    

—Friday night —-

Hinihintay ko ang paglabas ni Luke sa bar kasama ang mga kaibigan nya nakasandal ako sa isang itim na kotse sa Parking area 

Dinukot ko ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko ,nakita kong 2 piraso na Lang ang laman nito , kinuha ko ang isa at agad na sinindihan habang nakatanaw sa exit ng bar

Yes , Im not a good guy - since 15 naninigarilyo na ako tinatawag akong black sheep ng mga kamaganak ko dahil sa mas gusto ko pang makasama ang mga barkada ko kesa sa kanila , my parents died when I was 14 years old since then pinatuloy ako ng Tiya Jin ko sa bahay nila kasama ang pinsan kong babaeng  si kendel at si kuya Norman

Natapos ko ang highschool na nakatira sa kanila pero pinalayas nila ako , dahil nahuli ako ni kuya Norman na hinahalikan  si kendel sa mismong kwarto nito habang nakaupo sa kama ,

Hindi ko kasalanan na magkagusto si kendel sakin sya ang unang nagpakita ng Motibo sakin kaya bakit ako ang sinisisi nyo

Nakitira ako ngayon sa kaibigan kong si Luke na May kulay blonde na buhok na nagtratrabaho sa isang entertainment bar ,pero ang apartment nya ay maliit Lang na nandoon na lahat , nakakalat ang mga damit nya , books , mga beer at kung anu Ano pang gamit sa sahig na halos wala na akong natutulugan

Tatlong araw na rin akong nakatira sa kanya ng isang umaga ng makapaglinis na ako ng bahay dumating syang nakainom

Tulad ng dati , pagod ang itsura nya sa magdamagang pagtratrabaho ,May payat syang katawan dahil halos hindi na sya kumakain at dumederetso na syang matulog sa sahig nya ,

Luke ,meron na bang bakanteng trabaho sa club nyo ?, Kahit janitor or waiter ayos na sakin "sabi ko sa kanya

Minulat nya ang mata nya at tumingin sakin habang nakaupo ako sa gilid nya

Bro I told you , hindi sila naghahanap ng waiter ngayon , bakit ba ayaw mong pumasok na Lang bilang gigolo , ? Sinabi ko kay boss ang tungkol sayo ? Mageenjoy ka na magkakapera ka pa , sigurado akong Maraming pipila sayo , " sabi ni Luke na syang kinainis ko

" Luke sinabi ko na sayo !! Ibang trabaho nalang wag Lang ang pagiging gigolo , !!hindi ko kayang sikmurain ang magbenta ng katawan !!!!! " Tumaas ang boses ko na pagkakamali kong nasabi sa kanya ng bumangon sya at sinampal ako

" b**s*** nagagawa mo pang magtaas ng ihi kahit sa kalagayan mong yan ! Tingnan mo nga ang sarili mo ? Wala kang kahit Ano ngayon !!! Tinulungan kita at pinapakain ko sayo ang galing sa pagiging gigolo ko kaya wag mo kong pagmamalakihan !!! Galit ni Luke sakin ng hinawakan nya ako sa kwelyo at patabog na tinulak


Ano ba ang iniisip ko bakit ko sya napagsalitaan ng ganon ,sya nalang ang kaibigan kong maasahan at 10 years na kaming magkakilala alam nya lahat ng tungkol sakin

" sorry Luke , " sabi ko sa kanya

Humiga sya na patalikod sakin  , ramdam kong Sumama ang loob at Galit sya sakin , nahihiya na akong tumira ngayon sa bahay nya Matapos ng sinabi ko

Tumayo ako at kinuha ang bag at jacket ko ng muli syang magsalita

" bro , I try mo Lang kahit isang beses Lang , hindi mo naman kelangang makipagsex kung hindi mo gusto , ito Lang ang alam kong paraan para magkapera ka at makapagipon para sa plano mong makapagibang bansa " mahinahon nitong sabi sakin

Natigilan ako sa sinabi nya habang papalabas palang ako ng pinto

" Luke salamat , pagiisipan Ko ang alok mo " sabi ko sa kanya ,huminga ako ng malalim Matapos kong lumabas sa pinto ng apartment nya , maaliwalas ang mainit na panahon ng umaga pero parang makulimlim to para sakin

The Boy Under the Bridge (2020)Where stories live. Discover now