Chapter 7: Sekyu [n.] Dakilang hadlang

8 1 0
                                    

Nagsama-sama ang mga nag-audition sa loob ng Room 104. 'Di lalagpas sa labing-lima ang pumunta ngayong araw, at enough na iyon para masabing successful ang pagpa-audition namin ni Jason. Binilsan lang namin ang pagpili kanina base sa kanilang personality. Hindi na namin inalam ang technical skills nila kung bibigyan namin sila ng positions sa club, dahil dalawang factors lang ang hinahanap namin: ang passion nila sa language at ang willingness na ipamalas ito sa iba.

"First of all, Dying Language Club would like to thank you for auditioning. It's so great to know na maraming interesadong Lorenzoians sa language, unfortunately, iilan lamang ang napili namin. Ako nga pala si Jason, ang magiging Vice-President ng DLC," paunang salita ni Jason.

"At ako naman si Macoy, your incoming President. So as you now, next week na ang contest sa pagpasa ng proposal, at kailangan na namin mabuo ito agad, kaya hindi na namin papatagalin pa," sabi ko. Inabot sakin ni Jason ang bond paper na sinusulatan namin kanina kung saan nakalista ang mga napili namin. "The names that we will call are automatically our officers simula sa pinakamababang posisyon. And since proposal pa lang ito, walang pa namang required na members. If the Board approves, I would gladly accept the rest of you. But for now, let's stick to our current plans. Without further ado, we'll call the names of the ones we've chosen. Once you hear your name, please come forward."

Huminga ng malalim ang mga applicant, 'yung iba ay dinaan na lang sa tawa.

"First, we have..." sabi ko. "John Carlo Dagohoy. Our escort."

Nagsipalakpakan lahat habang pumagitna naman si Carlo. Bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha at pagkatuwa. I'm rooting for him, kahit ayaw sakanya ni Jason dahil baka raw paduguin niya ang ilong namin. But I see that many people don't know how to speak Porohanon, much less if it exists or not. Panahon niya na para gawin niya itong makabuluhan.

"At ang ating muse naman ay walang iba kundi si..." sabi ni Jason. "Bella Castañeda!"

Biglang tumili si Bella habang nagpalakpakan ang lahat, at saka pilit na pinapaypay ang mukha niya gamit ang kamay. "Merci! Merci!"

"For the P.I.O., we have..." sabi ko. "Kuya Mike Adres!"

Pumunta sa unahan ang nainterview naming broken-hearted na Senior student dahil sa ex-girlfriend niyang Māori. Well, at least mapapakinabangan niya pa ang Aroha ahau ki a koe!

"Our Business Manager is... Lawrenceeee!" sabi ni Jason habang nakikipalakpak din. Natagalan kami sakanya kung isasama namin siya o hindi dahil ang advocacy namin ay isalba ang mga nanganganib na wika, hindi ang mga dati nang patay. Pero nararamdaman ko na marami kaming matututunan sakanya, lalo na ang kanyang matinding alam sa Katolisismo at wikang Latin. Siya ang iaassign namin sa mga opening prayer.

"For our Auditor, we have..." sabi ko. "Daniela Siao!"

"Aigoooo!" abot rooftop ng Lorenzo Bldg ang pagtititili ni Daniela habang kumekembot-kembot at nagfi-finger heart papunta kina Bella at Carlo sa unahan. "Ha, how 'ya like dat!"

Tinawanan lang namin siya at tinawag na ang susunod. "At finally, para naman sa Treasurer... Lucas!"

Nagulat si Lucas, ang una naming na-interview kanina, nang narinig ang pangalan niya. Nahihiya siyang umabante sa harap, kaya pumwesto lang siya sa may malapit sa may mga upuan na itinabi ko. Pinalakpakan namin ni Jason ang mga napili naming officer, at kahit hindi nakapasok ang iba ay nakikipalakpak pa rin. Pangako, hindi masasayang ang mga palapak niyo.

"Uhm, kuya?" tumaas ng kamay ang isa sa mga hindi nakapasok. "Sino po ang secretary?"

"Ehem, uhm, hayaan natin i-explain 'to satin ni Macoy," sabi ni Jason, at tiningnan niya ako. "Macoy?"

Me and the Dying LanguageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon