Chapter 4: Tashi dac uste [phr.] Wala ka talagang respeto

7 1 1
                                    

"I can't believe Lolo doesn't want to teach me Etruscan! I mean, Etruscan is one of the finest dead languages in the history! Edi sana 'di niya na lang ako tinuruan ng ibang language kung 'di niya lang naman ako tuturuan ng mga specialized language niya, 'di ba?" ani ko kay Herzlich na kausap ko sa phone, isang German na kaibigan. Kung nagtataka ka kung bakit sinasabayan ko ng Tagalog ang conversation namin ay dahil nag-aral siya ng Tagalog at saakin niya pinapractice ito habang ako naman ng German sakanya.

"Tangina naman," ani niya. Hindi ko 'yan tinuruan ng mga mura. Kusang hinanap niya 'yan sa internet. "Bad news dito sa bahay, bad news din diyan? Look, if he cannot teach you the language, then why not find another teacher? I'm sure your Lolo is not the only modern Etruscan speaker in the world."

"Niemand ist effektiver im Unterrichten von Etruskisch als mein Großvater!" muntik na akong mapasigaw. Bukod sa German ang kausap ko kapag nagvevent-out ng sama ng loob, German rin ang automatic kong language kapag nagagalit.

Sumambulat sa tawa si Herzlich. "Kahit si Lolo mo pa sa Etruscan pinakamagaling, wala ikaw manggagawa kung ayaw niya."

"Magàgawa, hindi manggagàwa," mungkahi ko.

"Was auch immer." Sabi niya. Bahala ka jan.

"I'll go ahead, thanks for hearing me out, Herz," sabi ko.

"Kein Problem, Freund!" Walang problema, kaibigan.

At saka niya binaba ang telepono.

Umupo ako malapit sa bintana at pinagmasdan sa malayo ang pagbagtas ng mga taga-San Lorenzo sa hi-way. Papasok muna sila sa isang makitid na daan para makatuloy dito sa maliit naming purok. Kahit 'di ako tumayo, kitang-kita ko ang barangay dito sa aking pwesto. Mabuti para saakin na nasa pinakadulo ang bahay namin at wala sa malapit sa hi-way.

Baguhan pa lang ako dito, pero gustong-gusto kong pinag-aaralan ang mga direksyon para hindi ako mawawala lalo na't mag-isa lang akong lumalabas ng bahay. Kaming dalawa lang dito ni lolo, at ito sana ang tirahan namin kung buhay pa si Papa. Medyo maingay, pero nasa probinsya pa rin kami kaya mas payapa dito kumpara sa Maynila. Dito rin ako madalas magpahangin. At sa oras na ito ay ayaw kong magtanim ng sama ng loob sa aking lolo Paeng, dahil lang sa ayaw niya akong turuan. Still, nakakadisappoint. Akala ko pa naman enthusiastic siya pagdating sa mga dead language.

Habang patuloy ako sa pagmamasaid sa labas ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang notification at nabasa ko ang isang mensaheng hindi ko gustong basahin.

MAMA: Como estas, nak? Musta na kayo ng lolo mo?

Alam ni Mama na Spanish ang paborito kong language, pero hindi niya alam na German na ngayon. Binaba ko ang phone at tumingin ulit sa labas. Maya-maya ay tumunog ulit ang notification.

MAMA: Gising ka pa nak?

Limang oras ang pagitan ng Kuwait at Pilipinas. Alas singko ng hapon doon, kaya alam rin ni Mama na alas dies na dito at posibleng tulog na ako. Binaba ko ulit ang phone at bumalik ako sa pagmamasid sa labas.

Hindi kaginsa-ginsa, tumunog bigla at nag-vibrate ang phone ko, at nag-flash sa screen na tumatawag si Mama. Nanlaki ang mga mata ko at sa sobrang kaba ay tinapon ko ito sa higaan habang patuloy na nagba-vibrate. Nang mapansin kong tumigil na ang pagtunog nito, umalis ako sa may bintana at kinuha ulit ang phone para i-off, nang biglang mag-vibrate ulit. Muntik ko nang mabitawan ang phone sa lakas ng vibration, at sa minamalas nga naman na pagkakataon, imbis na islide ko ang reject call ay naslide ko ito sa answer call.

Bago pa si Mama makapagsalita, inunahan ko na. "Ma, tama na! Natutulog na ako! Bukas ka na lang ulit tumawag!"

Bigla nanahimik ang nasa kabilang linya. Kumunot ang mga kilay ko.

Me and the Dying LanguageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon