"Hmm, well, you can say that." Binigyan ko siya ng malawak na ngiti.

"Hindi naman halata na kahapon ka pa sabik sa gagawin natin ngayon."

"Talaga? I really thought it was so obvious that it became a bothersome to you and to your family."

"You really don't know how to differentiate a joke between the truth, don't you?"

I pouted and lowered my gaze. Is that a joke? It sounds like a sarcasm to me. Hindi naman ako na-inform na nakakapag-joke na rin pala siya.

"Padadaanin mo ako o magkukulong na lang tayo rito buong maghapon?"

Agad naman akong umalis sa may pinto at binigyan siya ng espasyo. He's smiling again when he left me. Ano namang nakakatuwa? Ang katangahan ko? Tsk. Ang aga-aga nagsusuplado na naman siya. Pasalamat siya't maganda ulit ang gising ko ngayon dahil kung hindi ay baka magkaroon na naman kami ng hindi pagkakaunawaan.

"Oh, Aislinn, gising ka na rin pala," si Mama Encarnacion na abala sa pag-aasikaso ng mga dadalhin namin, kasama na roon ang pagkain.

"Mas nauna pa 'yan nagising sa akin, Ma," usal naman ni Icarius.

"Ay talaga?" Natawa si Mama Encarnacion. "Naku, ganyan talaga kapag sabik ang isang tao sa isang bagay na gusto niyang gawin."

Hindi na lang ako nagsalita. Nakitawa na lang din ako sa kanila. Pinangunahan na ako ni Icarius, eh, kaya ano pa nga bang magagawa ko?

"Kumain ka na muna bago tayo tumulak."

"Eh, ikaw?"

"Uminom na ako ng kape."

"Then, I'll have some coffee too."

Tumungo na ako sa kusina at kukuha na sana ng tasa nang maunahan na niya ako.

"Ito na."

Napatingin ako sa tasang may laman na. Hindi na ako nag-inarte at nagdalawang-isip pa, kinuha ko na iyon sa kamay ni Icarius.

"Careful. It's hot-"

"Ah!" It's too late. Napaso na ang dila ko.

"Tss." Umaksiyon naman agad si Icarius kaya hinayaan ko na lang siya.

Damn. When I get too excited, this happens. Hindi ko namamalayan na mas pokus ang utak ko kaysa sa pisikal na kapaligiran. Well, not really. Gusto ko na lang kasi agad na makaalis na kami kaya binibilisan ko rin ang kilos ko.

"Suotin mo 'to." Icarius lend me a cardigan when were about to head out.

"Salamat." Kinuha ko naman agad iyon sa kamay niya. Nginitian niya lang ako bago naunang lumabas na dala na ang mga kakailanganin niya sa pangingisda.

"Alis na po kami," paalam ko kay Mama Encarnacion.

"Sige, 'nak. Ingat kayo."

Mukhang nauna na rin si Papa Narcissus sa bangka. Kami lang bang tatlo ang magkasama o may iba pa? Baka hindi ako gaanong makagalaw o makasalita niyan dahil sa hiya kung mayroon mang ibang kasama. Kahit na kakilala iyon nila Icarius at Papa Narcissus ay hindi iyon sapat na rason para maging komportable agad ako sa kanila. Would it be a bunch of men again?

Natigil ako sa paglalakad. My smiles started to fade after. Kaya ko na ba ulit humarap sa ibang tao lalo na sa mga kalalakihan? What if something goes wrong again? Huwag na lang kaya ako sumama? But I really want to go and Icarius is there to protect me alongside with Papa Narcissus.

Tama. Alam kong hindi naman nila hahayaan na may mangyari ulit na masama sa akin pagkatapos 'nong kay Lyndon. They witnessed my sufferings at alam kong naaawa sila sa akin.

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon