"Tapos na?" tanong niya nang inilayo ko na ang papel. Tumango ako.

Nalungkot ako nang binitawan niya na ang kamay ko at nakakainis na muntikan ko pa iyon habulin!

Tumayo siya at dinungaw ang mukha ko. "Breakfast, Trey? Nakalimutan kong kumain kanina." yaya nito.

Masyado pang maaga at wala pa nga ang karamihan sa mga kaklase ko kaya pumayag ako na pumunta sa canteen at kumain muna.

Egg burger at hot coffee ang binili ni Jiro para sa sarili habang ako ay ganoon rin pero tubig lang ang pinili kong inumin. Tahimik pa ang paligid at medyo nakakailang magsalita kaya tahimik lang rin kaming kumain.

"Bakit hindi mo sinabi?" pagbasag ko sa katahimikan. Inangat niya ang tingin niya sa akin gamit ang inaantok niyang mga mata. Nakita ko rito ang pagtataka.

"Tell you what?"

"That you were... allergic." Hindi ko na pinahaba pa ang sinabi ko dahil kahit anong pilit niyang ayos lang iyon, kinakain pa rin ako ng konsensya ko na na-ospital pa siya dahil doon.

Umangat ang dulo ng kanyang labi, may nagbabadyang ngiti pero pinipigilan niya iyon.

Sinamaan ko siya ng tingin. Seryoso ako dito, at wala akong makitang dahilan para matuwa siya sa sitwasyon!

"Jiro!" sinuway ko siya.

Tumingala siya at huminga nang malalim bago ako muling binalingan. Nakapalumbaba siya sa lamesa ngayon at nakatitig sa mga mata ko.

"Well..."

"Well?"

"That day... I wasn't in my best condition and I don't know if you could tell," panimula niya.

Ibinaba ko ang hawak kong inumin para ipakita na nasa kaniya ang buong atensyon ko. Tumango ako.

I remember. Alam na alam ko na halos wala siya sa sarili niya noong araw na iyon. Naalala ko iyong bigat sa pakiramdam.

Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin pero sinabi niyang kalimutan na namin iyon at wala na iyon sakanya. Hanggang sa dumating ang Christmas vacation ay palaging si Jiro ang kasama ko sa bawat araw.

Habang paniguradong nagpapahinga ang lahat sa unang araw ng bakasyon, pagpatak ng tanghali ay paalis na ako ng bahay. Balak kong maghanap ng extra pang trabaho ngayon para makapag-enroll ako next sem.

Naaalala ko na nadaanan ko nung isang araw ang isang coffee shop malapit sa school at naghahanap sila ng staff doon. Doon ako unang nagtungo.

Bago pumasok ay sinigurado ko muna kung nandoon pa ba iyong poster na naghahanap pa sila. Pagkapasok ay agad inatake ng nakakakalmang amoy ng kape ang ilong ko.

"Good afternoon, ma'am!" maligayang bati ng babaeng naglilinis ng isa sa mga lamesa. Mukhang kasing edad ko lang siya o mas mas bata pa nga dahil sa aura niya. Hindi siya mukhang empleyado lang rito dahil sa longsleeved flowy dress na suot niya at kwintas na kumikinang hanggang rito sa kinatatayuan ko.

Boss pa yata ang unang nakaharap ko.

Natural sa akin ang mabilisang pagyuko bilang pagpapakita ng galang sa lahat, maging sino pa man.

May halong pagaalinlangan akong lumapit sa kaniya at itinuro iyong poster. "Naghahanap po kayo... ng waitress?"

Nagliwanag ang mukha niya, "Ah, barista! Yes, yes!" Pinunasan niya ang kamay sa kulay brown na apron na nakapatong sa suot.

"Mag-apply po sana ako." Inabot ko ang kulay brown envelope kung saan ang resumé ko at iilan pang dokumento. Tinanggap niya ito na may malawak na ngiti sa labi.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon