Though I am tired because of the detentions, I still managed to see Jacob. Siya na rin ang pinabili ko ng makakain sa cafeteria dahil hindi ko yata kayang tumayo ng pangmatagalan sa pila.

"Problem? Okay ka pa kagabi, ah? Anong nangyari?" tanong niya nang mailapag na ang tray.

He ordered two burgers for me and some iced tea. Pareho rin ng nasa kanya.

"Wala. Nabigyan ako ng detentions kanina," paliwanag ko sa kanya. He leaned closer and smirked at me. Mas napairap ako sa naging kilos niya.

"Detentions, huh? Kakapagod ba?" he asked with his playful tone.

Sa aming dalawa, kahit alam ko kung sino ang mas maloko sa amin, siya iyong hindi pa nakakaranas ng ganoon.

He may have the attitude of an irresponsible student, but I didn't seen him having some detentions. Ako ang matino pero ako ang mas naunang nakaranas.

"Syempre. Dagdagan pa kasi hindi ako nasundo kanina ni Alonzo. Tinext ko na pero wala pa ring reply," I whined and then took a bite at the burger. Natawa siya sa naging sumbong ko sa kanya.

I frowned at that. Ganito ba ang nagagawa sa kanya ng kawalan ng girlfriend?

"Tampo ka? 'Yan kasi, boyfriend ka pa ng magdodoktor. Bukod sa puyat lagi ang nakikita mo sa kanya, ganyan ang napapala mo," he teased me. Mas lalo akong napasimangot.

Ang bwisit. Walang naitutulong sa akin.

"Hindi naman ako nagtatampo. I mean, sana tinext niya ako. Iniisip ko nga, baka nagtampo sa akin kagabi kasi hindi ako nakapagtext sa kanya."

It was true. Hangga't hindi pa siya nagre-reply, iyon ang pangunahing dahilan na naiisip ko. Na baka ibinalik niya sa akin kung anong nagawa ko sa kanya kagabi.

I couldn't think of any other reason except for him, studying and attending his classes.

"Nagalit ba? Anong sabi?"

"Wala naman," hinawakan ko ang kamay niya. "Samahan mo naman ako sa school nila. Puntahan natin," pagpupumilit ko. Agaran niyang binawi ang kamay sa akin.

"Hala, ano ka? May klase ako. Hinding-hindi ko ipagpapalit 'yan para doon," napanguso ako. Gusto ko lang naman talagang makita siyang maayos. Of course, to check his state also.

"Sige na, Jake. Kaunting favor lang naman, ah?" he shook his head. Kumakagat ito sa burger habang ginagawa iyon.

Ugh. Ayokong mamilit sa kanya. Kung may kakilala lang talaga ako doon sa eskwelahan bukod kay Alonzo, hindi ako manghihingi ng tulong sa kanya.

I just wanted to check him! Magpapasama lang naman ako.

"Alam mo, huwag kang maghabol. Let him do what he want. Saka busy siguro iyong tao kaya wala kang dapat na ipag-alala. You want him to see being successful, right? Kaya better give him the best. Support him."

Napakagat ako sa labi. Days from now, it will be our monthsary. Hindi naman sa nagiging OA na ako bilang girlfriend niya.

I want to celebrate it with him. Gusto ko lang na makasama siya kahit panandaliang oras lang sa sandaling iyon.

Gusto ko rin kasing ako ang magplano para doon. I-surprise siya pero wala naman akong ideya sa mga ganoong bagay.

For the past months, I never surprised him with anything. Tanging siya lang naman kasi ang halos nagpaplano ng lahat tapos ako lang tagatanggap ng kanyang mga pinaghirapan.

I really appreciate his effort when it comes to that. Tapos ngayon, kahit iyon na lang ang pambawi ko.

I sighed.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now