⚘37

33 3 2
                                    

Nicole's

It's 8am and in few minutes ay flight na namin ni papa pauwi sa Pilipinas. Hayst, hindi ko pa nasusulit dito eh.

I'm on my way to Aisha's cafe, she requested na magkita kami dahil miss niya na daw ako.

Usually 9am ang opening ng cafe na ito pero minabuti kong paagahin ang pagkikita namin dahil 9am din ang flight namin ni papa, ayoko namang ma late kaming dalawa at ma miss ang flight.

Sinalubong ako ng napaka higpit na yakap ni Aisha, ghad, I miss her hugs, also His.

"I missed you so much sis" halos pasigaw na sabi niya kaya natawa ako, kahit naman hindi niya sabihin eh nararamdaman ko.

"Maupo ka muna dito ha? Kukunin ko lang yung kakainin natin" sabi niya at pinaghila ako ng isang upuan na nasa gitna ng cafe. Maaliwalas ang paligid dahil wala pang ibang tao bukod saakin.

"Nicole?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses na yun. Anong ginagawa niya dito?

Hindi ko siya nilingon at nag panggap na hindi ko siya narinig. Tuluyan na akong hindi nakagalaw nang maramdamang niyakap niya ako mula sa likod.

"You came back--"

"I didn't"

"Baby, I missed you so much" mas humigpit ang yakap niya saakin kaya lalo akong nahirapan sa paghinga at walang tigil sa pag daloy ang luha sa mga mata ko.

Napamura nalang ako sa isip ko nang hindi parin siya kumakalas sa pagkakayap at parang wala talaga siyang balak. Gusto kong kumawala pero wala akong lakas para alisin yun.

"I understand everything. As long as it's your decision I will respect and accept it with all my heart. I love you Nicole--"

"I have to go, malelate na ako sa flight namin" kumawala ako sa pagkakayakap niya at naglakad na palabas, napatigil ako nang magsalita siya at mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

"I don't want us to separate but I can't do anything about it anymore. Please, don't forget about us, my Gem."

゚・:* ❈ *:・゚

⚘. SOULMATES ┆MHS ✔Where stories live. Discover now