⚘16

32 2 0
                                    

Nicole's

Hindi maalis ang tingin ko sa kwintas na binigay saakin ni Mommy Moon.

I want you for my son...

Napatulala nalang ako nong maalala ko yun. Alam ko naman na close kami ng family ni Kevin at sabi nila parte na rin nila ako, parang kapatid na din ang turing ko kay ate Stella, lalo na kay Kevin.

Naguguluhan ako. Ano bang gagawin ko?

"Baka malunod ka niyan sa lalim ng iniisip mo" napatingin ako sa nag salita; si Aisha. Narito ako ngayon sa cafe nila dahil uwian naman na namin.

"Kung ano man yang iniisip mo, kalimutan mo muna. Eto oh, kakabake ko lang niyang cake, tikman mo nga" inilapag niya yung isang platito na may slice ng cake tsaka umupo. Hindi na ako nagulat dahil sa sarap nong ginawa niya, sanay na ako. Ang galing niya talaga mag bake.

"Ang sarap" sabi ko tsaka ngumiti.

"Nice necklace, saan mo nabili?" Sabi niya tsaka hinawakan yung kwintas.

"Bigay ng mommy ni Kevin---"

"WEH? DI NGA?" Nanlalaki ang mga mata niya habang nagtatanong. Gulat na gulat ah hahahaha

"Oo nga. Ibinigay niya saakin kahapon"

"Hala ang swerte mo naman"sabi niya tsaka nag pout.

Oo, swerte ako at nakilala ko si Kevin. Kahit na nangungulila ako sa pamilya ko sa Pilipinas ay nandito siya at ang pamilya para iparamdam saakin na hinsi dapat ako malungkot.

゚・:* ❈ *:・゚

⚘. SOULMATES ┆MHS ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora