⚘20

29 3 0
                                    

Nicole's

Kanina sobrang saya ko pa pero ngayon parang gusto ko nalang sumigaw para mawala yung sama ng loob ko.

Bakit ako nagkaka ganito? Bakit ba ako naiinis? In fact, may karapatan naman si Kevin na magkaroon ng girlfriend pero bakit ganito ako umasta?

Nagseselos ba ako? Ewan ko.

End up naming apat dito sa cafe nila Aisha, oo sumama talaga yung Marie na yun. Agad akong sinalubong ng yakap ni Aisha pero napakunot yung noo niya nong makitang nakabusangot ako. Ang pangit ko daw. Totoo naman, duh.

Napatingin ako sa harapan ko kung saan naka upo si Kevin at Marie, grabe yung pag yakap niya sa braso ni Kevin. Nakakadiri.

"Si Sangyeon oppa may Althea ikaw naman Jacob may Angela. Alam mo ba, crush ko talaga si Chanhee noon eh pero sayang may Nica na siya--"

"at si Kevin may Marie" napangiwi nang marinig yun mula kay Marie. Nakakadiri talaga siya. Grrr kairita.

"Excuse me, pwede ko ba mahiram yung kaibigan ko?" Pagpaaalam ni Aisha tapos hinila niya ako palayo kay Kevin, Jacob at Marie.

"Sila na ba?" Agad na tanong nito. Hindi ba obvious girl? Tumango nalang ako bilang sagot dahil nakakatamad mag salita.

"Paano nangyare? Hindi ba't naiirita si Kevin sa babaeng yun?"

"Ewan ko, bahala na sila sa buhay nila. Wala akong pakialam" sabi ko tsaka nag walk out. Narinig ko pa siyang tinawag ako pati na rin si Jacob pero dumiretso lang ako papunta sa parking lot at nag drive na ng kotse ko para umuwi.

゚・:* ❈ *:・゚

⚘. SOULMATES ┆MHS ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin