Muli akong tumango.

"Or we can change your plea."

"12 years..." tanging sabi ko.

"Better than the possible 20 years."

Saglit kong ipinikit ang mga mata ko.

Si Tatay.

Iyong mga kapatid ko.

Baka hindi ko na sila maabutan kung mawawala ako ng 20 taon...

Tumingin akong muli sa kanya. "Wala na ba talagang pag-asa?" tanong ko sa kanya. Sabi nilang lahat na magaling si Tali... na alam niya ang ginagawa niya... kaya kung sasabihin niya sa akin na mas magandang gawin ko ito ay maniniwala ako.

Labing-dalawang taon.

Ang tagal...

Pero mas matagal iyong dalawampung taon.

"God... I really wish I'm as good as people think I am," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko. "I wanna tell you to continue with the case kasi trabaho naman ng prosecution na patunayan na may ginawa ka... Pero wala tayong witness... walang ebidensya... I'm basically just refuting and discrediting their statements and witnesses and I don't know how long that could hold up.

"But this is not my life, Assia. It's not my liberty at stake. Hindi ko pwedeng sabihin na ituloy mo dahil lang gusto ko—gusto ko na ikaw ang magdesisyon dahil buhay mo 'to. Dahil kung anuman ang mangyari, ikaw ang pinaka-mahihirapan dito."

Dahan-dahan akong tumango.

"Pwede bang pag-isipan ko muna?"

"Of course," sabi niya habang hawak ang mga kamay ko.

"12 years..." ulit ko.

"May parole, early release for good behavior..."

"Pero hindi na ako magiging abogado."

Hindi ko na matutulungan iyong mga pinangakuan ko.

Hindi na ako makaka-dalaw sa puntod ni Nanay para sabihin na naging abogado na iyong anak niya.

Siguro hindi ngayon ang tamang panahon.

Mali rin iyong timing.

"I'm sorry..." sabi niya.

Hindi ako sumagot.

Hindi ko kayang sabihin na ayos lang dahil pakiramdam ko ay unti-unting sumisikip ang mundo ko. Parang hindi ako maka-hinga.

Parang... nauubos.

"Bukas na lang," sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at iniwan ako. Baka alam niya. Baka alam niya na kailangan kong mapag-isa.

Nang sumara iyong pinto ay doon lang nagdire-diretso ang luha ko. Sumikip ang dibdib ko. Parang hindi ako maka-hinga.

Labing-dalawang taon...

Ang tagal...

Masyadong matagal...

* * *

Hindi ako naka-tulog buong gabi.

Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang gagawin ko.

12 na taon... o possibleng 20 taon...

Ang daling sabihin na pipiliin ko iyong 12 na taon, pero masyado pa ring matagal para pagdusahan iyong bagay na hindi ko naman ginustong gawin.

Bakit ba kasi may mga ganoong tao?

Bakit gusto nilang namimilit?

Bakit hindi sila marunong tumigil kapag sinabing hindi?

"Why am I here?" tanong ni Shanelle.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Nakiusap ako sa mga pulis kanina kung pwede akong tumawag. Sinabi ko kay Tali na papuntahin dito si Shanelle dahil gusto ko siyang maka-usap bago ko sabihin kay Tali ang desisyon ko.

"Babaguhin ko na iyong plea ko," diretsong sabi ko sa kanya.

"I seriously think that's the best decision."

"Sa tingin mo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang ding malaman at marinig mula sa kanya na tama ang desisyon ko. Gusto kong sigurado ako bago ko sabihin. Dahil hindi biro iyong 12 taon na ilalagi ko sa kulungan.

Sigurado na kapag lumabas ako, marami ng nagbago.

Nandoon pa kaya si Tatay?

Iyong mga kapatid ko?

May pamilya na siguro ang mga kaibigan ko noon...

Malayo na ang narating nila sa buhay...

Iba na sila...

Samantalang ako...

Nandoon pa rin.

Tumigil ang buhay.

"Tali's a great lawyer, no doubt, pero may kaso talaga na kahit ano'ng galing mo, wala kang magagawa," diretso niyang sabi.

"Talo talaga..."

"Zaldivar's honestly not that great, but she's got tons of evidence at her disposal. Nabasa mo naman siguro iyong discoveries ng prosecution, hindi ba? Doon pa lang lubog na, Assia. Kung mayroon sanang kahit isang witness na makakapagcorroborate ng defense niyo, maybe you have a chance."

Kaso wala.

Lahat sila ayaw magsalita.

"So I believe that pleading guilty is the best way here."

Tumango ako. "Kapag nagpalit ako ng plea, pigilan mo si Vito—"

"We're over already," agad niyang sabi. Kumunot ang noo ko. "I thought he loved me enough to respect me—but getting himself imprisoned for another woman? Hindi ako ganoon ka-desperada."

Napa-awang ang labi ko.

"Assia, hindi ka naman siguro tanga. The guy's been in love with you since law school. Even I know that," diretsong sabi niya. "Kaya kung sasabihin mo na kausapin ko siya para pigilan o kung anuman—we both know that there's nothing he won't do for you."

Hindi ko alam ang sasabihin.

"Seriously..." sabi niya nang tumingin siya sa cellphone niya matapos iyon tumunog. Naka-tingin lang ako sa mga kamay ko. Rinig na rinig ko lang ang malakas na tibok ng puso ko.

"He's finally fucking lost his mind," dugtong pa ni Shanelle bago iabot sa akin ang cellphone niya at ipakita ang isang video mula sa isa sa mga sikat na programa sa bansa.

'If there's anyone out there who's been sexually abused in any way by Arthur Villamontes,' sabi ni Vito sa video at saka lumabas ang litrato ni Atty. Villamontes sa screen. 'Please contact this number. We will provide you with any assistance you might need.'

Nang magscroll pa ako pababa ay nakita ko iyong iba pang impormasyon na lahat ng mapapatunayan na claim ay makakatanggap ng reward.

10 milyon.

Para sa bawat ng lalapit.

Bawat segundo ay padagdag nang padagdag iyong numero ng kumento at ng mga nagshe-share ng video ni Vito.

Agad na napa-tingin ako kay Shanelle.

"Looks like he's really willing to throw it all away for you."

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon