Chapter 26: Father's Care

395 14 0
                                    

Seah's POV

"W-What?" tanong ni Godwin.

"Matagal ko na dapat sinabi pero-..." sabi ni Tom.

"Si Alejandro ang pumatay sa nanay ko!" sigaw ni Godwin.

Tumango si Tom.

For the first time... I saw Godwin crying...

Nag walk-out siya.

"Godwin..." sabi ko tsaka ko siya hinabol papalabas.

Sumakay na siya ng kotse niya.

Sumakay ako sa kotse ko para sundan siya.

Saan pupunta yun! Kainis naman.

Tumigil yung kotse niya sa bundok. Tinigil ko na yung kotse ko sa kapatagan tsaka sinundan siya.

Umupo siya sa damuhan tsaka yumuko.

"Bakit!" sigaw niya. "Kinupkop niya ako! Pinalaki niya ako! Para lang gamitin ako! Pinatay niya ang nanay ko para lang gamitin ang kakayahan ko sa kasamaan!" sigaw niya.

Tsaka pinunasan yung mata niya na parang walamg nangyari.

Ni hindi ko siya narinig na umiyak.

Lumapit ako sakanya.

Tumalikod siya at narinig niya ako.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

"Oo" kalmado niyang sagot.

Umupo ulit siya.

Lumuhod ako sa harapan niya tsaka ko siya niyakap.

"Baby... Tell me... Are you really okay?" tanong ko.

Naramdaman ko ang luha niya sa mga braso ko.

Pero walang ka-emo-emosyon siyang umiyak.

"That bastard... Ginamit niya lang ako... He killed my mom Cellaine... He killed my mom. For what? For his wills. Para makupkop niya ako. Para gamitin ako sa mga gusto niya'ng gawin. Para yumaman siya. Para magkapera siya. PINATAY NIYA NANAY KO!" sigaw niya.

Wala ako'ng masabi...

Pareho kami'ng namatayan ng ina pero... Magkaiba kami...

Umupo ako sa tabi niya.

"Alam ko na alam mo na namatayan din ako mg ina. Kaso magkaiba tayo dahil pinatay yung sayo. Yung sa akin namatay talaga. But you know what's the similarity?" tanong ko.

Humarap siya sa akin.

"Na araw araw mo'ng nakikita yung rason ku'ng bakit siya nawala. My mom died dahil overaged na siya nung pinanganak niya yung mga kapatid ko. At kapag nakikita ko yung mga kapatid ko. Naaalala ko yu'ng araw na sinabi nung nurse sa akin na 'Ang ganda at ang guwapo ng mga kapatid mo ija. But your mom didn't made it' araw araw bumabalik sa akin yung mga ala ala na yun. You know what's worse? Dahil alam ko yung rason kung bakit siya namatay. Then nito lang namatay ang kaibigan ko, ang partner ko. I know the culprit. I have a chance to kill her, ikulong siya, kaso hindi ko nagawa kasi hindi ko alam... But you know what... Lumalaban padin ako... Kasi kahit wala na yung tao, nananatili padin sila sa puso ko" sabi ko.

Niyakap niya ako.

"Anjan na si Alex, Godwin. Nakikita mo na siya. Ginamit ka niya, pinaglaruan. He even killed your mom. But don't let your anger eat you again... Hindi yun ang gusyo ng mom mo para sayo" dagdag ki.

"I know... Nilabas ko lang naman sama ng loob ko. Pero wala na ako'ng balak bumalik sa dating ako" sabi niya.

I hugged him back...

Para maramdaman niya na hindi siya nag iisa.

__

"You're with that criminal again, aren't you?"

Bungad agad sa akin ni papa pag uwi ko.

"Pa, pwede ba'ng wag criminal itawag mo kay Godwin" sabi ko.

"Why? Totoo naman ah. So ano? Nagkita nga kayo" sabi niya.

"Yes, may problema kasi siya" sabi ko.

"Problema... Problema... Problema... Ano? Balak ba niyang maging mafia leader uli? Pino problema niya ku'ng papaano siya papatay ng ibang business personnel?" tanong niya.

"Pwede ba papa. Enough with this! My boyfriend isn't a criminal. Oo papa, noon nagkasala siya sa batas at sa tao. Pero nakita niyo naman na nagbabago na yung tao. Tsaka pino problema niya ngayon yung nanay niya. Alam mo kung bakit? Kasi 'yung tao'ng nagpalaki sakanya. Yung tao'ng kinupkop siya ang siya'ng pumatay sa nanay niya. Papa, pwede ba'ng magi'ng sensitive ka? Tao din yun oh. Namatay lang si mama ganyan ka na" sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya tsaka ako sinampal. "Don't mention your mother here" sabi niya.

"Bakit papa? Totoo naman diba? Nung namatay si mama nagkakaganyan ka. Ayaw mo'ng alagaan or tignan man lang yung mga kapatid ko kasi pag nakikita ko sila naaalala mo si mama. Pero ako paoa, araw araw ko'ng nakikita yung mga kapatid ko na sanhi ng pagkamatay ng nanay ko. Papa nasasaktan din ako" sabi ko.

Hindi siya makatingin sa akin. Napaluha ako.

"Kahit minsan man lang pa. Kahit minsan lang talaga. Isipin mo yung nararamdaman ko. Kasi hirap na hirap na hirap na ako'ng intindihin kayo. Pero dahil tatay ko kayo, tinitingala ko kayo. Pero papa, nasasaktan din po ako" sabi ko.

Tsaka ako pumasok sa loob ng kwarto ko tsaka humiga sa kama ko at nagmukmok.

Bakit? Totoo naman diba? He never did that dahil namatay ang mama ko.

Then he'll just slap me

At the end of the day tatay ko padin siya kaya may respeto ako sakanya. May respeto ako sa mga ina-action niya towards me even though It hurts me a lot.

"Seah! Open the door" sabi niya.

Nagkumot ako at nagtulog tulogan.

Ramdam ko'ng lumapit siya sa akin.

"Sana maintindihan mo kung bakit ko ginagawa 'to..." bulong niya.

Minulat ko ang mga mata ko.

"Nu'ng nawala ang mama mo, para'ng nawalan ako ng kalahating parte ng buhay ko. She's my everything. Kaya nung nawala siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. I watch your every steps nung nag aaral ka hanggang maging police lieutenant ka. Pero gusto ko'ng maging responsible ka at tumayo sa sarili mo'ng paa kaya hinayaan kita'ng gumawa ng mga projects ng hindi ka tinutulungan. Kaso sumobra yata ako. Dahil hindi kiya nagabayan. I'm busy workinh on my projects that I forgot to give my daughter time that she needs" sabi niya.

Napaupo ako.

"Wala ako'ng problem sa relationship niyo ni Godwin. Kita ko na ang pagbabago niya. But... I'm afraid to loose you... Hindi ako naging mabuting ama sayo... Ngayon may boyfriend ka na. Ang sakit lang na hindi ko man lang na spend ng maayos ang time ko habang bata ka pa. Ngayon pinagsisisihan ko yun"

Napayakap ako sakanya. "If you explained this earlier..." sabi ko.

"Patawarin mo talaga ako anak" bulong niya. "I trust you... Alam ko, na alam mo na ang ginagawa mo... Mag iingat ka nalang" sabi niya.

Tumango ako....

Tres Marias Series #2: Heart's Battle Where stories live. Discover now