Chapter 20: Reality

378 12 0
                                    

Dusk Phantom's POV

"Oh? Paano ba yan? Ikakasal ka na bukas? Tanggalin mo na kaya 'tong posas natin" sabi niya.

"Bakit ba gusto'ng gusto mo' ng humiwalay sa akin?" tanong ko.

"Eh bakit ba ayaw mo'ng humiwalay sa akin?" tanong niya.

"Tss..."

Kinuha ko yung susi tsaka inalis yung posas.

"Oh, wala nang posas, happy na?" tanong ko.

"Medyo" sabi niya.

"Bakit medyo? Siguro gusto mo uli'ng maposas kasama ako" sabi ko.

Hinampas niya nanaman ako.

"Aray! Gawa ba sa bakal kamay mo?!" sigaw ko.

"Baliw ka!" sigaw niya.

"Bakit nga" sabi ko.

"Ikaw ba naman, maging slave sa palasyo ng mga kriminal? Matutuwa ka ba? Sabagay... Slave ka din naman dito" sabi niya.

"Excuse me? I am the leader of dark horizon... So paano ako naging slave?" tanong ko.

"Pwede ba? Hindi ba susunod sunod at bubuntot buntot ka lang din naman dun sa Alpha X na yun diba? You're just a leader by choice, but not by ruling" sabi niya.

"Tss... What's the point of choosing me ang leader? Sige nga" sabi ko.

"Hindi mo ba naiisip yun? Siyempre kapag may nangyari'ng masama or nabisto ito'ng grupo'ng ito, ikaw ang ituturo kasi ikaw ng leader. Hay naku" sabi niya.

She has a point. But who cares?

Umalis na ako.

"Oh? Aalis alis ka" sabi niya.

Diretso lang ako sa paglalakad.

Tama siya... Ikakasal na ako...

Kaya dapat na ako'ng lumayo...

Kasi habang napapalapit ako sayo, bumabalik sa ala ala ko lahat.

Yung dati...

You're my first and my last...

Lalo na nung una kita'ng makita...

*Flashback*

"First day of high school Godwin, mambabae tayo pre" sabi nung barkada ko.

"Sige sige" sagot ko.

Nauna na siyang umalis nang napatigil ako sa nakita ko.

Babae'ng nakabuhaghag ang buhok at ang lalaki ng salamin, naka medyas na hindi pantay tsaka naglalakad.

Pfft.

HAHAHAHA.

May bruha pala dito sa school na toh? HAHAH

Ang pangit niya naman.

Sa di kalayuan sa pinaglalkaran niya, natapilok siya tsaka nadapa!
HAHAHAHAH!

Lampa pala toh eh...

Mukha'ng may bago ako'ng mapag tri tripan

*End of Flashback*

That very first day. Palpak na ang entrance niya. Hindi siya marunong mag ayos at lahat lahat.

Mukha siyang mangkukulam na naligaw sa kalagitnaan ng hindi maintindihan.

Tres Marias Series #2: Heart's Battle Where stories live. Discover now