CHAPTER 4

140 7 2
                                    

Rocky Myers as:

LANCE OLIVER SAMANIEGO

and

Genesis Rodriguez as:

IRENE DAPHNE VILLANUEVA

.

.

.

.

.

CHAPTER 4

"Oliver's Point Of View (POV)"

"Kuya Lance!" Narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. "Kuya Lancelot!"

Napalingon ako sa direksyon kung nasaan ito habang tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko. Bahagyang napangiti na lang ako nang makilala kung sino ang taong tumatawag sa akin. Ang nag-iisang babae at bunsong anak nina Tatay Joaquin at Nanay Cecilia na si Annie. Tanging siya lang din ang tumatawag sa akin ng "Lancelot" na ang ibig sabihin naman para sa kanya ay "Lance Kulot".

Agad itong yumakap sa akin. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa ginawa niya. "Namiss kita, Kuya."

"Halatang-halata nga." Natatawang turan ko, sabay ganti ng yakap dito. "I miss you too, Bunsoy."

Mabilis itong kumalas mula sa mga braso ko. "Ang sabi sa akin ni Nanay, may kasama ka daw na babae. Kaya 'wag na 'wag daw muna akong lalapit sa'yo at baka daw kasi magselos pa sa 'kin. Girlfriend mo ba 'yon?" Kunot-noong tanong niya, sabay yakap ulit sa akin at hinalikan pa ako sa kaliwang pisngi. "Namiss talaga kita, Lancelot!"

Muli akong yumakap nang mahigpit kay Annie habang pikit-matang nakadiin ang aking mga labi para sa isang halik sa ibabaw ng kanyang ulo na para bang halik ng isang nakakatandang kapatid na lalake sa nakakabata niyang kapatid na babae. Palagi kong ginagawa ang bagay na iyon sa kanya sa tuwing nagkikita kaming dalawa. Marami na ngang nagsasabi sa amin na bagay na bagay daw kaming dalawa ni Annie pero pareho lang naming tinatawanan ang mga papuring sinasabi ng mga trabahador sa tuwing nakikita nilang magkasama kaming dalawa dito sa hacienda.

"Lancelot, 'wag kang lilingon sa likuran mo ha." Pabulong niyang saad at dumistansiya nang bahagya sa akin habang nananatili pa rin akong nakayakap sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko na ikinakunot naman bigla ng aking noo. "Paseselosin lang natin ng konti ang girlfriend mo." Nakangising dugtong pa niya, sabay kindat ng kanyang kaliwang mata at muling yumakap sa akin.

"Naughty girl."

Dahan-dahan siyang lumayo nang bahagya sa akin. "Umalis na siya, Kuya." Natatawa pang wika niya at muling kumindat-kindat na ikinailing-iling ko na lang. "Let's go na nga, Kuya. Sundan na natin ang girlfriend mo. Mukhang outside de kulambo ang peg mo mamayang gabi." Natatawa pa rin niyang kantyaw, sabay hila sa akin.

Makalipas nang ilang sandali ay biglang nagsalita si Annie. "Kuya Lance, gusto ko ng buko. Mag-buko juice tayo." Narinig kong request ni Annie habang naglalakad kami pabalik ng bahay para lamang sundan si Haidee. "Ang bilis namang maglakad ng mahal mo, Kuya. May hinahabol yata." Natatawa pang puna niya, sabay hawak sa kanang braso ko na nagpatigil naman sa akin sa paglalakad. "Piggyback ride."

I LOVE THE WAY YOU LOVE MEWhere stories live. Discover now