CHAPTER 3

264 13 1
                                    

Rocky Myers as:

LANCE OLIVER SAMANIEGO

and

Genesis Rodriguez as:

IRENE DAPHNE VILLANUEVA

.

.

.

.

.

CHAPTER 3

"Haidee's Point Of View (POV)"

"SAMANIEGOOOOO!" Pasigaw kong bulyaw sa lalakeng natutulog sa aking tabi habang mahigpit itong nakayakap sa akin.

Magkatabi kaming nakahiga sa iisang kama sa pakiusap kong 'wag niya lang akong iiwanang mag-isa dito sa silid dahil sa may phobia ako sa masisikip at madidilim na lugar. Tatlong beses din kasing nawalan ng kuryente hanggang sa may sumabog o pumutok na transformer sa bayan - ayon sa lalakeng tumawag kay Oliver na si Tatay o Mang Joaquin. Kahit gano'n pa man ang nangyari ay sanay na sanay naman ang mga mata at tainga ko sa dilim, lalong-lalo na kung may kasama akong lalake.

Tanging de-bateryang lampshade lamang ang nagsisilbing liwanag ng buong silid. Sa totoo lang, hindi kasi talaga ako makatulog dahil sa kagagawan ni Oliver at sa panyong ginamit niya na may gamot na pampatulog ang naging sanhi ng pagiging "Sleeping Beauty" ko sa loob ng labing-dalawang oras.

Agad akong bumangon at napaupo sa kama habang yakap-yakap ang sarili. Pakiramdam ko tuloy, parang napakadungis ko na dahil lamang sa nahawakan na ng isang lalake ang isa sa mga maseselang parte sa katawan ng isang babae na talagang mas pinakaiingatan ko sa lahat, lalong-lalo na pagdating sa mga kalalakihan.

Naalimpungatan at napabalikwas siya nang bangon na naging dahilan para mahulog sa sahig. Natatarantang bumangon ito mula sa pagkahulog at muling bumalik sa aking tabi.

"Baby, ano'ng nangyari? Bakit ka sumigaw?" Nag-aalala at masuyong tanong niya, sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. "Baby Strawberry?"

Wala sa sariling napatingin na lang ako sa kanya. Kitang-kita ko sa kanyang mapupungay at magagandang mga mata ang pangamba at sobrang pag-aalala. Pag-aalala na palagi kong nakikita at napapansin mula rito sa tuwing tumitingin o napapatitig ito sa akin.

Hindi ko magawang sumagot sa kanyang tanong at sabihin kung ano ba talaga ang dahilan o rason kung bakit bigla na lang akong napasigaw. Nahawakan kasi nito ang kaliwang dibdib ko at bahagyang pinisil-pisil pa nang bigla siyang yumakap sa akin mula sa likuran ko habang nakatagilid ako ng higa.

Nag-iwas ako nang tingin at umiling-iling bilang sagot sa kanya. Huminga muna ako nang malalim at dahan-dahang napapikit sa biglaang pagyakap niya sa akin. Hindi ko maiintindihan kung ano ba ang dahilan at kung bakit ko pa ba nararamdaman sa sarili ang mga bagay na dapat sana ay hindi ko naman dapat maramdaman at pagtuunan ng pansin.

"Matulog na tayo, Samaniego." Mahinang sabi ko, sabay dilat ng aking mga mata at tinapik-tapik din ito sa kanyang likod.

Sa halip na sumagot ay dahan-dahan itong kumalas mula sa pagkakayakap sa akin na para bang labag na labag iyon sa loob at sa kagustuhan niyang bitawan o pakawalan ako sa pagkakakulong sa kanyang mga bisig. Napasinghap ako sa gulat at lihim na napalunok nang bigla na lang dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko. Wala akong maramdaman kahit na kaunting pagtutol sa mga ginagawa sa akin ng lalakeng 'to.

I LOVE THE WAY YOU LOVE MEWhere stories live. Discover now